Kinabukasan. Tinadtad ako ng sermon ni Tsong Macoy, pero dahil sanay na ako, labas pasok lang sa magkabilang tenga ko ang mga sinasabi nya sakin. Sarap tapalan ng pandesal ang bunganga ni Tsong.
Tipikal na nagsisimula ang araw ko sa pagsakay ng jeep. Nakasanayan ko na yon mula noong highschool pa lang ako. Paborito kong spot sa jeep yung upuan malapit sa driver, bakit? wala lang trip ko lang.
Sakto may naispotan akong jeep na may isang bakante sa unahan, kaya agad ko itong pinara.
Sumakay ako at prenteng umupo. Muntik pa akong hindi magbayad sa driver dahil napatingin ako sa babaeng katabi ko na mukhang natutulog. napansin ko lang, maganda ito kahit naka sunglasses.
"Bakit ka nakatingin sakin?"
Nagulat ako sa biglang pagsasalita nito na akala ko ay natutulog.
"Hindi kita tinitignan. Miss yung sunglasses mo kasi ang ganda, san mo nabili yan?" palusot kong tanong sa kanya.
Tinanggal ng babae ang sunglasses na suot nya.
Napanganga ako, tama ang hinala ko, maganda siya, per napakunot-noo ako kasi parang pamilyar sakin ang mukha ng babae. Tama! siya yung lasinggerang babae kagabi.
"Gusto mo magka black eye Mister?" pataray na sabi at tiningnan ako ng masama.
Syempre medyo natakot ako kaya tumahimik na lang ako. Tinawanan pa ako ng walangyang driver.
Ang sungit naman ng babaeng to. Kung sabihin ko kaya na ako ang tumulong sa kanya noong lasing sya, bumait kaya sakin to? Looks can be deceiving talaga. Sayang type ko pa naman.
Pagkahinto ng jeep sa tapat ng university ng pinapasukan ko ay bumaba na ko. Syempre kasabay ko si Miss Sungit.
"Cristine!"
Tawag ng isang pamilyar na boses.
Sabay pa kami napalingon sa tumawag. Di ako nagkamali si Grace nga yon.
"Uy Grace. anong ginagawa mo dito?" wika ni Miss Sungit na Cristine pala ang pangalan.
Maglalakad na sana ako papasok ng gate ng bigla akong tinawag nito.
"Kevin?"
Lumingon ako at kunwaring nagulat.
"Uy Grace, ikaw pala yan." Maang-maangang sagot ko.
"Kamusta? Thank you pala kagabi. kung di mo tinulungan 'tong si Cristine baka napahamak na 'to" ani nito.
"Siya yung tumulong sakin?!" gulat na tanong ni Cristine kay Grace.
"Oo siya yun." sagot ni Grace.
Nginitian ko siya pero tinitigan naman ako ng masama.
"Sige na Grace, papasok na ko." paiwas na sabi ni Cristine.
Naglakad na ito papasok ng gate ng university kaya naiwan kami ni Grace.
"Bakit ang sungit ng kaibigan mo? Hello, tinulungan ko kaya siya." nagtatakang tanong ko kay Grace.
"Pasensya ka na, galit lang talaga sa gwapo yun." sabay tawa.
Alam kong nagbibiro lang si Grace pero halos mapunit na ang labi ko sa sobrang laki ng ngiti ko.
"Thanks sa compliment." patawang sagot ko.
