Chapter 11

88 3 0
                                        

“Anong sasabihin mo? Hindi ba pwedeng doon na lang sa loob?” tanong ni Cristine.

Umiling ako at bumuntong-hininga.

“May problema ba? Kung tungkol kay Gabe, sorry kung hindi ko nasabi sayo.”

“Ah, hindi yon,ano kasi… hindi ka pa nakakamove-on nakikipag-date ka na agad.” sagot ko sa kanya.

“Anong ibig mong sabihin?”

Kinuha ko ang kanang kamay niya.

“Obvious na hindi mo pa din siya makalimutan no?”

Tinanggal ko ang singsing na suot-suot niya.

“Sa kanya galing ito di ba?”

“Paano mo nalaman na sa kanya yan?” gulat na tanong ni Cristine.

“Ang mga bagay na mahalaga sa atin, lagi nating iniingatan kahit anong mangyari.”

Inilagay ko sa palad niya ang singsing.

“Palagi kong nakikita na suot mo yan kaya nalaman ko, hindi mo naman susuotin yan kung wala lang di ba? Hindi ka mahilig sa alahas di ba? Bakit magsusuot ng isang singsing ang isang tao kung hindi naman ito mahilig sa alahas?”

Umiwas siya ng tingin sa akin. 

“Sorry kung…”

“Kung desidido ka na magka-boyfriend ulit, huwag mo ng suotin yan. Oo nga pala, mukhang matino naman si Gabe, give him a chance. At masaya ako kasi makakamove-on na ang bestfriend ko. Paano? Sige , mauna na 'ko.” paalam ko.

Mahirap aminin sa sarili ko na ayoko talaga ng mga ganoong eksena sa buhay ko—ang magparaya.

Naiinis ako dahil hindi ko binigyan ng chance ang sarili ko na ipaglaban ang nararamdaman ko para kay Cristine. Ni hindi nito alam na mahal ko siya, wala kasi akong lakas ng loob para sabihin. O sadyang natatakot lang ako. Natatakot na hindi tugunan ni Cristine ang nararamdaman ko para sa kanya dahil all this time alam kong hindi pa din ito nakakalimot sa totoong lalaking minahal niya at isabay mo pa si Gabe na may gusto sa kanya.

Hay buhay nga naman! Bakit ba kailangan may magsakripisyo para may sumayang tao? Yan tuloy broken-hearted ako.

****

At dahil sawi ako sa pag-ibig natural na maglasing ako. Mabuti na lang pumayag si Tsong Macoy na makipag-inuman sa 'kin. At least may kausap ako.

Nakakalimang bote pa lang ako ng Red Horse kaya hindi pa 'ko lasing, kapag nakaisang case na siguro baka gumapang na 'ko.

Tahimik kong nilagok ang panglimang bote ng red horse na iniinom ko. Matagal na din akong hindi umiinom ng ganon, kapag may problema lang. Katulad ngayon.

“Babae no?” biglang basag ni Tsong sa tahimik naming pag-iinuman.

Hindi ko na kailangan sagutin ang tanong na 'yon, obvious naman. Sinimulan kong ikwento sa kanya ang tungkol kay Cristine.

“Hay! Ang mga tao talaga ngayon, ginagawang kumplikado ang pag-ibig. Yan tuloy nahawa na pamangkin ko. ” 

Natawa ako sa sinabi ni Tsong.

“Pinapatawa lang kita, kanina ka pa nakasimangot dyan eh. Hayaan mo na yon, madami pang bebot dyan. Ihahanap na lang kita.” pabirong sabi ni Tsong.

Kung meron nga lang carbon copy ni Cristine, bakit hindi.

“Tsong, nainlove ka na ba?” hindi ko alam kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko.

“Oo naman.”

“Eh bakit single ka pa din hanggang ngayon?”

“Sira-ulo ka talaga pati lovelife ko pinapakialaman mo.”

“Bakit nga Tsong?”

Seryoso ako sa tanong ko kay Tsong. Gusto ko lang malaman kung bakit hindi na ito nag-asawa pa at nanatiling single. 

Tinitigan ako ni Tsong Macoy bago ulit ito magsalita.

“Matagal tagal na din yon, pero sige ikukwento ko.”

Umayos ako ng pagkakaupo. Para akong batang sabik sa kwento.

“Bente anyos ako noong umibig ako, katulad mo, nagmahal din ako, si Judy, anak ng punong-barangay. Nagkakilala kami noong nasangkot ako sa isang gulo, nakipag-away kasi ako sa isang sigang kapitbahay, nakipagsapakan ako. Hayun, diretso kami kay kapitan. Bugbog sarado ako kaya madami akong natamong sugat sa mukha. Si Judy ang gumamot sa akin. Hay! Nalove at first sight ako sa kanya noon.”

“Tapos?”

“Hindi ko na siya nilubayan, palagi ko siyang binibisita sa bahay nila, hinahatid ko siya kapag pauwi na siya sa eskwelahan. Sa madaling salita, niligawan ko siya. Pero…”

“Pero ano?”

“Ayaw sa 'kin ni Kapitan, at saka masyado pa daw kaming bata. Pero binalewala ko yon. Palihim kaming nagkikita ni Judy noong naging kami, itinago namin ang relasyon naming dalawa sa ama nito. Umabot ng isang taon ang relasyon namin ng malaman ni Kapitan na magkasintahan na kami ni Judy. In short, pinagbawalan na si Judy ni Kapitan na makipagkita sa'kin, kaya naghiwalay kami.”

“Tapos ano pa nangyari?”

In fairness, mala-nobela ang lovelife ni Tsong Macoy. 

“Wala na, the end. Nalaman ko na lang na ikakasal na siya sa anak ng kaibigan ni Kapitan, sumuko ako kasi wala naman akong magagawa eh, hindi na ako nagpakita sa kanya. ”

“Ganun lang yon? Hindi mo man lang pinaglaban Tsong?”

“Ah ‘yon ang isang katangahang hindi ko nagawang gawin. Kaya ito single pa din ako.”

Tama si Tsong, katangahan nga. Wala na naman mangyayari kung ipaglaban mo pa. Tanggapin ko na lang sa sarili ko na hindi para sa akin si Cristine, iisipin ko na lang na isa siyang panaginip na hinding-hindi magiging totoo.

Lesson learned. Huwag masyado assuming pagdating sa love. Baka madismaya ka lang kapag nalaman mong pinaasa mo lang ang sarili mo sa isang bagay na walang kasiguraduhan.

I made a decision: Get rid of Cristine.

.

.

.

*Chapter 11 done! mamaya or bukas na ulit yung kasunod. *

A Jeepney Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon