Chapter 10

82 3 0
                                    

Dinala niya ako sa Starbucks para doon kami mag-usap. Wala akong ideya kung ano ang sasabihin nito tungkol kay Cristine. Na-cucurious tuloy ako.

Um-order muna ng kape si Grace bago simulan ang pag-uusap naming dalawa.

“Pasensya ka na sa abala ah”

“Okay lang nilibre mo naman ako ng starbucks eh. Kahit araw-araw mo pa ako abalahin.”

“Palabiro ka talaga.”

“So, anong tungkol kay Cristine?” agad kong tanong.

Biglang sumeryoso ang mukha nito. Diretsong tumingin sa akin at nagsimula ng magsalita.

At ikinuwento niya ang isang bahagi ng buhay ni Cristine na hindi ko alam. 

****

Limang oras na akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko pero blangko pa din ang isip ko, kahit pilit kong isipin ang nalaman ko tungkol kay Cristine, hindi talaga ma-gets ng utak ko. Madami na namang tanong ang nagpa-pop out sa utak ko. Isa na ang tanong na, Bakit?

Natauhan lang ako ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Agad kong dinampot at sinagot, hindi ko nga alam na si Cristine pala ang tumatawag.

“Yes, hello?”

“Nasaan ka?”

“Cristine?” 

Sinabi niya na pumunta daw ako sa isang restaurant sa may morato, nandon daw siya. Kailangan niya daw ako makausap.

Ano bang nangyayari sa mundo, lahat na lang gusto akong kausapin. Hindi ko naman kayang tiisin si Cristine kaya agad akong pumunta sa sinabi nitong lugar. Isang fine-dining restaurant pala ‘yon. Mukha akong gusgusing bata sa get-up ko. Plain gray t-shirt at maong pants. Kamusta naman yon.

Pumasok ako sa loob, agad akong sinamahan ng waiter sa isang table. Nandon si Cristine at isang lalaki na sa tingin ko kasing edad ko lang din. Mas gwapo lang ako. Syempre naman.

Sinalubong ako ni Cristine.

“Akala ko hindi ka na dadating eh, tara upo ka” yaya nito.

Wala akong ideya kung ano ang nagaganap sa mga oras na 'yon, pati ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Hindi naman siguro ito yung ex ni Louisa na nang-iwan dito.

“So, Cristine, siya pala yung sinasabi mong bestfriend mo?” tanong agad ng lalaki.

“Oo, Kevin si Gabe, Gabe si Kevin” pakilala samin ni Cristine.

Nagkamay kami ni Gabe.

“Sino ba siya?”agad kong binulungan si Cristine.

“Blind date ko.” mahinang sagot niya.

Bigla akong natahimik sa sinabi ni Cristine. Blind date? Gusto na ba nitong magkaboyfriend agad. Naka-move na agad siya? Paano na 'ko? Hanggang bestfriend na lang ba 'ko? 

Sampung minuto ako nanahimik. Tinitigan ko lang si Cristine at si Gabe habang masayang nagkukwentuhan sa kanilang buhay-buhay. Medyo na OP ako ng konti kaya yung orange juice na lang ang binalingan ko.

Ilang saglit pa ay nagpaalam muna na mag-CR si Cristine. Ako at si Gabe ang naiwan. 

“Kevin right?”

Bingi ba 'to? kakapakilala lang ni Cristine sakin nakalimutan agad pangalan ko. Nakaka-badtrip to ah.

Tumango lang ako at nanahimik ulit.

“I heard a lot about you, ikaw lagi bukambibig ni Cristine. I guess you two really are bestfriends. Buti ka pa” 

Makapag-English naman 'to wagas, Pwede naman mag-tagalog. Pinahirapan niya lang sarili niya.

“Malamang… ah eh este oo.” sagot ko.

“Pare, pwede bang makahingi ng pabor sa’yo?”

Aba pumapare na ang loko, sorry hindi tayo close.

“Anong pabor?”

“Gusto ko sanang malaman yung gusto at ayaw ni Cristine, since ikaw ang bestfriend niya, alam kong alam na alam mo ‘yon, you see, I like her at gusto kong mas makilala pa siya”

Ouch! Ito na yung kinakatakot ko eh yung may kakompitensya ako sa babaeng mahal ko. 

Sa huli ay ibinigay ko din ang hinihingi niyang pabor.

After 2 minutes bumalik na si Cristine.

Tumayo ako para salubungin siya. 

“Cristine, pwede ba tayong mag-usap saglit?” 

Nagpaalam muna kami kay Gabe. Lumabas kami ng restaurant at sa parking lot kami nag-usap.

A Jeepney Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon