Hindi ko maiwasang hindi magalit sa lalaking minahal ni Cristine.
Kahit wala na siya. Nasasaktan pa din si Cristine. Sinaktan nya isa sa pinaka importanteng babae sa buhay ko.
Medyo nakakainggit ang lalaking 'yon dahil hanggang ngayon, mahal pa din siya ni Cristine.
Ako kaya kailan? Kahit official boyfriend ako ni Cristine, alam ko namang palabas lang 'yon. Alam ko din na panakip-butas lang ako. Mahapdi.
"Kapag nakita ko yung lalaking 'yon, bubugbugin ko talaga yon hanggang sa malumpo." gigil na sabi ko sa sarili ko.
Habang di ako mapakali sa kakaisip sa lalakeng yon, di ko namalayan na nakatulog na pala si Cristine.
Dahan dahan ko siyang binuhat at inihiga sa kama.
Lalabas na sana ako ng kwarto ng biglang nabaling ang mga mata ko sa mukha ni Cristine, kaya umupo ako sa galid ng kama at tinitigan ko lang siya.
Hindi ko talaga maiwasang hindi maakit sa maamong mukha ni Cristine na medyo mamula mula ang pisngi dahil narin siguro sa alak.
Parang may kung anong magnet sa mga labi ni Cristine na pilit hinihila ang mga labi ko papalapit sa kanya.
Pumikit ako at napalunok at dahan dahang nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Bigla kong naramdaman ang ilong niya sa ilong ko. Alam kong ilang sentimetro nalang ang labi nya sa labi ko ng biglang...
Narinig ko siyang humilik, napamulat ako at agad na lumayo sa kanya. Bumalik na ulit ako sa katinuan kaya tumayo na ako at lumabas ng kwarto.
Sa sofa sa salas na ako natulog nung gabing yon.
Kinaumagahan.
Umalis ako saglit para bumili ng almusal para kay Cristine, pero nang makabalik ako, sinabi agad sakin ni Tsong na umalis na ito.
"Umamin ka nga saking bata ka. Girlfriend mo ba yung chicks na 'yon?" usisa ni Tsong.
"Po? ah.... ehh..."
Expected ko na sesermonan niya ko dahil nag uwi ako ng babae sa bahay.
"Magaling ka pumili. hehehe."
"Tsong naman eh!"
****
Simula nung pangyayaring yon, hindi na nagpakita sakin si Cristine, ni hindi ko na ito nakikitang pumapasok sa klase.
Sinubukan kong pumunta sa boarding house nito, pero sinabihan ako ni Grace na huwag na 'kong pumunta 'don.
Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung anong dahilan ni Cristine para umiwas sakin.
Puro bakit ang tanong ko sa sa isip ko. Halos ilang buwan din ng walang Cristine sa buhay ko, walang nag uutos sakin, walang nag-uunder at walang nagpapabuhat sakin kapag masakit ang mga paa niya. Natatawa ako, nakaramdam ako ng kalayaan pero parang may kulang.
Pinilit kong maging normal ang pang araw-araw na buhay ko na walang Cristine. Ang hirap pala lalo na kapag alam mo sa sarili mo na yung taong yon lang ang kukumpleto sa mundo mo.
Sawi na naman ako sa pag-ibig, hindi siguro si Cristine ang sign ko.
.
.
.
Lumipas pa ang mga araw, nakasanayan ko ng hindi umupo sa tabi ng driver ng jeepney o sadyang bitter lang ako, dahil doon ko unang nakilala si Cristine. Para hindi ko na masyado isipin ang bagay na 'yon, nag soundtrip na lang ako.
Naka-shuffle ang music playlist ko ng bigla na lamang nag play ang kantang I Miss You Like Crazy ng Moffats.
"Nananadya ba 'to." sabi ko sa sarili ko sabay tanggal ng earphones sa tenga ko.
Wala na ako sa mood para makinig.
Dahil medyo matagal pa naman ang biyeha ko papuntang university, nagpasya akong umidlip muna. Halos gabi-gabi kasi akong napupuyat kakaisip sa babaeng yon. At bakit ba si Cristine nalang lagi ang bukambibig ko. Badtrip!
Di ko namamalayan na may nakasandal na pala sa balikat ko. Mukhang isang pasahero na nakatulog kaya idinilat ko ang mga mata ko. Hindi ako masyado makayuko dahil sa ulo nito.
"Huwag ka ngang malikot!"
Nagulat ako ng magsalita ito.
"Aba, nagdemand pa!" mahinang sagot ko.
Huli ko na nang narealize na pamilyar sakin ang boses na yon at hinding-hindi ako nagkakamali kung kanino ang boses na yon. Kay Cristine!
Biglang bumilis ang pintig ng pusi ko. Sana nga si Cristine na talaga 'yon.
"Kamusta ka na? Na-miss mo ba ako?" tanong sakin ng babae.
Iniangat ng babae ang ulo nito at tama nga ako, si Cristine nga 'yon.
Hindi ako nakapagsalita. Tumitig lang ako sa kanya. Gusto kong sampalin ang mukha ko para maniwala akong totoo ang nasa harap ko. Na totoo ang Cristine na ngayo'y nakangiti sakin. OMG! Naiiyak ako.
"Hoy! ano ba? hindi ka ba magsasalita?"
Automatic na niyakap ko siya, wala akong pakialam kung pinagtitinginan kami ng ibang pasaherong nandoon sa jeep, basta gusto ko lang mayakap ang babae 'to.
God! I really miss her.