“Paano mo nalaman na siya yung may-ari ng singsing?” tanong ni Cristine.
Nandon kami sa sementeryo kung saan nakalibing si Ray--- ang ex-boyfriend ni Cristine. Nalaman ko ‘yon dahil sa ikinuwento ni Grace sa akin.
“Si Grace, sinabi niya sa akin ang tungkol sa kanya pati na ang dahilan kung bakit palagi mong suot ang singsing niya.”
“Sorry kung hindi ko inamin sa’yo kasi...”
Pinitik ko ang noo niya.
“Aray! Bakit mo ginawa ‘yon?!”
“Praning!”
“Anong pra----”
Isang halik ang iginawad ko kay Cristine. My real first kiss sa totoong mahal kong babae. Kinikilig ako.
“Praning na praning ako sa’yo.” wika ko ng maghiwalay ang mga labi namin.
“Sinabi ko bang halikan mo ko!” isang malakas na hampas sa balikat ang pinakawalan ng kamay niCristine at masakit ‘yon.
“Aray! Grabe ka na naman, bakit hindi ba pwede? girlfriend na naman kita di ba? sakit ‘non ah!”
“Hala! Sino may sabi na girlfriend mo na ako? Ni hindi ka pa nga nanliligaw eh.”
Isang hampas ulit ang pinakawalan nito at sa mukha ko dumapo ‘yon.
“Aray! Ayoko ng nga, wag na lang, binubugbog mo ko, hindi na tayo bati, babalik na ako ng New York!” para akong batang nagtatampo, nagpapadyak ako habang patalikod na naglakad palayo sa kanya. Kunwari tototohanin ko.
“Teka! Sama ako!”
Nagulat ako ng mag piggy backride si Cristine sa likuran ko. Mabigat talaga 'to. Muntik na nga kami matumbang dalawa sa damuhan.
“Baboy ka ba?”
“Hindi! At bakit?!”
“Ang bigat mo kasi!”
Binatukan niya ako.
“Corny mo!”
.
.
.
Hindi naman natin kailangang hanapin ang true love, tulad nga ng sabi nila, kusa itong darating sa tamang panahon. Minsan mo na pala siya nakasalubong sa daan, inadd as friend ka na pala niya, minsan na pala siyang nag-chat sayo hindi mo lang napapansin, o di kaya kasama mo na pala siya ngayon hindi mo lang pinapahalagahan.
An unexpected happenings might change your life forever, so will you grab the chance and take the risk to be happy?
End.
THE END.