Chapter 5

152 6 2
                                    

Sakto alas-tres nakarating ako sa library, agad ko namang nakita si Cristine at nilapitan ko siya.

"Umupo ka." seryosong utos nito.

Napalunok ako bago umupo, pakiramdam ko kase para akong sisitensyahan ng kamatayan dahil sa mga tingin ng babaeng 'to.

"A-anong pag-uusapan natin? Tungkol ba sa project?" agad kong tanong.

Baka isipin nito wala akong pakialam sa project na gagawin namin.

"Sorry nga pala sa inasal ko kanina at thank you kagabi." mahinang sabi niya.

Umaliwalas bigla mukha nito.

"Okay lang 'yon at walang anuman. Sana'y na ko sa masusungit." patawang sagot ko.

"Ano sabinabi mo?!"

Patay! bumalik na naman ang magkasalubong na kilay nito.

"Wala." nginitian ko siya ng kay tamis, baka sakaling bumait.

"Ahh, akala ko may sinasabi ka eh. Bueno, simulan na natin ang plano natin para sa project natin as partners." 

Pagkasabing pakasabi nya, nagsimula na syang dumakdak sa harapan ko. Nakatitig lang ako sa kanya. Kung titignang maigi, hindi naman mukhang masungit 'to, actually ang amo nga ng mukha. At kung ikukumpara ko kay Grace ang ganda nito, aaminin kong walang sinabi ang ganda ni Grace, dahil pang beauty pageant ang tipo nito.

Singkit, katamtaman ang laki, long black hair, matangos ang ilong at parang labanos sa kinis at puti ang pangagatawan niya, parang may lahi kung titignang maigi.

"Wala ka na bang ibang gagawin kundi ang titigan ako? Makinig ka nga!" 

Napailing ako. Hindi na ako nagsalita pa, baka sakmalin na ako nito ng buhay.

Nagpatuloy na siya sa pagdi-discuss ng plano para sa project. Halos isang oras na kami nakatambay sa library, mabuti nalang wala na akong subject na papasukan ng hapong iyon.

At sa wakas, natapos na din ang planning stage na napagkasunduan namin kaya nagpaalam na siya dahil may klase pa siya ng 6pm.

"This weekend sisimulan na natin yung project kaya dapat ihanda mo na lahat ng kailangan." utos niya sakin.

Medyo bossy naman nito, presidente ba 'to ng student council ng school? Grabe ang leadership spirit.

"Sige." sagot ko.

"Good! Sino ka nga ulit?" tanong niya.

%*&#!@*! mapapamura ka talaga, halos isang oras na kaming magkasama, nalimutan pala pangalan ko. May amnesia ba to?

"Kevin Bautista."

"Ah, yeah right. Sige, mauna na 'ko." paalam nito bago ako layasan.

Nako talaga! kung di lang siya maganda, nag walk-out na ko kanina pa. Lakas maka-insulto. Nakakabadtrip!

Pagkaalis nya, lumabas nadin ako para umuwi.

Habang nagiintay ng masasakyang jeep hindi ko maiwasang isipin ang status ng lovelife ko, bakit kaya ang malas ko pagdating sa chicks? Gusto ko lang naman makakilala ng taong pwede kong maging inspirasyon sa buhay. Yung kagaya ng napapanood ko sa mga romantic love story movie, pero mukhang kinalimutan na yata akong panain ni kupido. Mag pari nalang kaya ako?

A Jeepney Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon