Kaharap ko ngayon ang babaeng naging dahilan kung bakit nadagdagan ang eyebags ko.
Nakangiti siya sakin habang naglalakad kami sa Rizal Park. Oo doon nga, dito kami nag dodocument tungkol sa buhay ni Rizal para sa project namin.
Mag-iisang buwan na kami, as in KAMI. Kami nga ba talaga? totoo na ba talaga to?
Nakatingin lang ako sa kanya habang busy siya sa pag-picture sa monument ni Rizal.
Napangiti ako, nakakatuwa kasing pagmasdan si Cristine, para kasing bata na ngayon lang nakapunta dito.
Sa totoo lang, masaya kasama si Cristine, noon akala ko seryosong tao pero mali akala ko, mas madaldal pa 'to sakin. Na-kwento na nga nito ang tungkol sa buhay nya kahit konti lang. Pero isa sa napansin ko, hindi siya masyadong nagkukwento sa past relationship niya, kapag tinatanong ko siya, sinasagot nya palagi, past is past dapat ng kalimutan. Kaya ayun, lalo tuloy akong na curious.
"Cristine!" tawag ko sa kanya.
Lumingon siya at nakangiti. Anank ng, Ibang klase talaga dating ng babaeng 'to, para akong matutunaw.
Sinenyasan ko siyang lumapit sakin.
"Bakit?" tanong nya pagkalapit.
"Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo? Tara, pahinga muna tayo. Nagugutom na ko eh."
Sumama bigla tingin nya sakin.
"Oh, bakit ganyan ka makatingin sakin?"
Imbes na sumagot, bigla siyang lumapit, isinabit ang camera sa leeg ko at sumampa sa likuran ko.
"Hoy! ano ba?! Cristine, bumaba ka nga." saway ko sa kanya.
Bigla akong napatigil ng yakapan niya ako mula sa likuran habang naka sampa sakin.
"Bumaba ka na, nakakahiya eh." pakiusap ko sa kanya.
"Buhatin mo muna ako, masakit na mga paa ko kanina pa." malambing na sagot nya sa akin na alam kong nang-aasar lang.
Ewan ko kung bakit pero hindi ko magawang tumanggi sa babaeng to kaya sa huli sinunod ko din ang sinabi niya. Naka piggy back ride siya sa likuran ko at halos pagtinginan kami ng mga tao.
Habag naglalakad ako, nakakita ako ng bakanteng bench. Kanina pa ko bigat na bigat sa payatot na 'to.
"Umupo muna tayo dito, nabibigatan na ako sayo." wika ko sa kanya.
Naghintay ako na bumaba ito pero isang marahang hilik lang ang narinig ko.
Nakatulog na pala ng hindi ko namamalayan.
"Ano ba yan! Ngayon pa natulog to, ginawa akong kama, buset!" mahinang sabi ko sa sarili ko.
Para matapos na ang paghihirap ko dahan-dahan ko siyang iniupo sa bench. Mabuti at hindi siya nagising sa ginawa ko. Nang maiayos ko siya, agad din akong umupo. Lumapit ako sa kanya sabay unat sa braso ko, inilapit ko siya sa akin at inihilig ko ang ulo nya sa balikat ko.
Para talaga kaming lovers sa itsura namin. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok nya na hinahangin sa maganda at maamong mukha niya. Hanggang sa dumako ang mga mata ko sa mapula nyang mga labi.
Juice colored! Parang may demonyong bumulong sakin na halikan ko ang mga labing iyon.
Pumikit ako at lumunok sabay dilat. Tulog naman siya, hindi nya mararamdaman kung halikan ko siya ng padampi.