"Magkakilala ba kayo?" tanong ng pulis na nasa helpdesk.
Sa isang police station kami dinala nung pulis na nasa checkpoint kanina.
Sabay kaming tumango ni Cristine.
"Taga saan kayo?" tanong muli ng pulis.
"Bayan po." sagot ko.
"Anong ginagawa niyo ngayong dis-oras na ng madaling araw? Bakit naglalakad kayong dalawa ng ganyan ang ayos?"
"Naholdap po kasi kami kanina noong sumakay kami ng jeep." sabat ni Cristine.
"Totoo po 'yon." pahabol ko.
"Tsk! Kayong mga kabataan talaga kapag ganitong madilim na, talamak talaga ang holdapan sa mga jeepney. At ikaw, lalaki. May kasama kang babae dapat hindi kayo nagpapagabi." paliwanag ng pulis.
"Sorry po." sabay naming sagot ni Cristine.
"Teka, at amoy alak kayo ah."
"Wine lang po yung ininom namin tsaka hindi po kami lasing. Nakainom lang."
"Pwede na po ba kami makaalis?" tanong ni Cristine.
"Hindi pwede, ibigay nyo sakin number ng mga magulang niyo, tatawagan namin sila at sila na mismo ang maghahatid pauwi sa inyo." sagot ng pulis.
Wala na kaming nagawa kundi ibigay ang numero ng telepono ni Tsong Macoy. Sigurado akong ibibitin ako non ng patiwarik.
Tumambay lang kami ni Cristine sa police station hanggang mag-umaga, kausap ang mga presong naka-vibes na din namin ng ilang oras.
Kung sakaling sasali sa beauty pageant si Cristine malamang grandsalam na'to sa Ms. Friendship award. Kakosa na niya pati mga SPO sa station.
Pareho na kaming zombie ng pumatak sa alas-sais ng umaga ang orasan. Mukhang prone na ang mga tao doon sa presinto sa zombie virus. Pilit ko man ipikit ang mga mata ko eh hindi ko magawa dahil mas nauna pang matulog sakin si Cristine, ginawa pa niyang unan ang balikat ko makatulog lang.
"Kevin!"
Nandoon na ako sa momentum na papikit na ang mata ko ng marinig ko ang boses na'yon. Si Tsong Macoy 'yon.
Si Tsong Macoy na ang naghatid kay Cristine, dumiretso na ako ng bahay para matulog, bahala na si Poncio Pilato pagdating ni Tsong.
Sampung pingot ang lumatay sa tenga ko pagkagising ko sumabay pa ang armalite na bunganga ni Tsong, basag ang eardrums ko.
Sinabi sa'kin ni Tsong na wag na muna akong makipagkita kay Cristine, sabi daw ng Tita nito.
Agad kong tinawagan si Cristine para kamustahin. Sigurado akong napagalitan siya.
"Hello?"
"Mabuti tumawag ka, kanina ko pa iniintay ang tawag mo." sagot ni Cristine.
"Napagalitan ka ba?" nag-aalalang tanong ko.
"Hindi nga eh." sabay tawa.
"Weh? Baka sinasabi mo lang yan para hindi ako makonsensya."
"Ang totoo niyan. inamin ko na kay Tita na hindi kita talaga boyfriend, hayun, nagalit."
"Mabuti ng sinabi mo kaso nagsinungaling tayo sa kanya."
"Okay lang yon, minsan lang naman eh."
"Pagsisinungaling pa din yon, baliw!" sabat ko.
"Pero, honestly, nag enjoy ako. Salamat sa birthday gift mo."
Na touch naman ako sa sinabi niya. Worth it naman pala ang effort ko. Kahit na humantong kami sa pag overnight sa police station.
****
After three days, normal na naman ang lahat pero hindi kami nagkikita ni Cristine dahil nga sa pakiusap ni Tsong na wag muna akong makipagkita sa kanya. Buong araw ko siyang inexpect na makita pero hindi ko siya nakita.
Nang matapos ang klase sa last subject ko ay agad kong naisipang umuwi, wala naman akong extra curricular activities ng araw na iyon.
Naghihintay ako ng jeep na masasakyan sa labas ng campus. Sa waiting shed, nakita ko si Grace, lumingon ito sa gawi ko at ng makita niya ko ay agad itong lumapit sakin.
"Kanina pa kita hinihintay." biglang wika ni Grace pagkalapit.
"Ako?"
Nagtanong pa ko eh ako na nga yung nilapitan niya. Minsan may pagkaengot din ako, minsan lang. HAHA!
"May kailangan ka ba?" tanong ko.
"Oo, gusto ko sana mag usap tayo."
Ang weird. Si Grace ang makikipag-usap sakin. Ano naman kaya 'yon?
"Tungkol saan?"
"Tungkol kay Cristine."
*Bukas na ulit yung next chapter. :) *