Chapter 8

100 5 0
                                    

Kung tutuusin, napakamalas kong tao dahil sa babaeng 'to. 

Bakit?

Wala siyang awa, isa siyang malaking kontrabida sa buhay ko. Dinaig pa ang nanay ko sa sobrang higpit sakin. Lahat na yata ng ayaw nito, ayaw ipagawa sakin. Ultimo yung dapat kong inumin, suotin at kung kailan ko siya pwede hawakan sa kamay.

Hindi ko alam kung ano ako sa kanya. Masaya siya kapag binubully niya ko, at ako namang si uto-uto sunod lang ng sunod.

Tatlong buwan na kami, para ngang M.U lang, walang pakialamanan basta kapag trip niya na kasama ako, pupuntahan niya ko. Sa mga ginagawa ko ngayon, pwede na kong humawak ng titulong Most Guillable Guy dahil sa medyo uto-uto kong sarili. 

Pero sa dami ng reklamo ko, heto ako masaya. Masaya ako dahil may Cristine sa buhay ko. Limited edition lang ito kaya sinulit ko na.

Ting ting! ( message alert tone yan, pagbigyan na. XD )

Agad kong kinuha ang phone ko at tiningnan kung sino ang nagtext.

1 new message from Cristine.

"Birthday ko na sa isang linggo. Alam mo na gagawin mo ha."

Text sakin ni Cristine.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi nito nililinaw ang mga sinasabi nito sa tuwing may ipapagawa siya sakin. Halos i-decipher ko ang mga sinasabi niya para lang malaman ko ang gusto niyang iparating.

Ang gulo talaga kausap ng babaeng 'to.

Ting ting! 

"Kapag hindi mo nagawang espesyal ang birthday ko, lagot ka sakin!"

Sunod na text nito na may halong pagbabanta.

Hindi talaga halatang demanding ang babaeng ito. Kainis!

.

.

.

Kinagabihan hindi ako makatulog, bakit? Dahil nag-iisip ako kung ani yung bagay na pwedeng ika-espesyal ng birthday ni Cristine.

Naglista ako ng ilang pwede pero baka sumablay.

1. Bigyan siya ng bouquet of Roses.

- pero baka ihampas niya lang sa mukha ko 'yon, allergic siya sa lahat ng uri ng bulaklak. 

2. Haranahin siya sa labas ng boarding house niya.

- baka buhusan ako ng mainit na tubig dahil baka makabulabog ako ng ibang nakatira don.

3. Ipasyal sa amusement park.

- epektib 'to kaya lang takot nga pala siya sa heights at di niya kayang sumakay sa mga hardcore rides. Anak ng tinola! Nakakapag enjoy pa kaya 'tong babaeng to?

4. A candle light dinner sa isang fine-dining restaurant.

- Walang budget! Abort mission! ABORT MISSION!

5. Write her a birthday letter.

- pang-elementary naman 'to. Baduy!

Nakailang draft na ako sa kakaisip at kakasulat pero ito lang lima ang napili ko sa 101.5 na naisulat ko. Yung point five, yun yung napunit kong papale sa kalahati.

"Ahhrrrrggghhhh!" inis na nilukot ko yung panghuling papel na nasulatan ko sa yellow pad ko.

Takte! mas mahirap pa 'to kaysa sa mga math subjects ko. Ano bang formula para dito?

A Jeepney Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon