REMEMBERING SUMMER by JONAXX

48.7K 383 41
                                    

Hi guys! Again, this is not my story. This is a story of one of my favorite authors, JONAXX. I just wanna share her stories to you so you'll know how great she is.

This is the BOOK 2 of her story 24 SIGNS OF SUMMER. If you haven't read it yet, it's also uploaded here in my account. Read that first. Hmmkay? :)

You can find her stories at her site too:

http://jonaxxstories.blogspot.com/

HAPPY READING!

REMEMBERING SUMMER

by JONAXX

  

The Awakening
Summer: Gising na si Lex?





Dumilat ako at naamoy ko ang pabango ni Lex. Mataas na pala ang araw. Kahit tinatabunan ang araw ng mga dahon, nakikita ko parin ito. Gumalaw ako para makita ang kasama ko.

"Good morning!" Ngumiti si Lex.

Ngumiti rin ako.

Summer na at nasa Sortee ulit kami ni Lex.

Nakaligtas siya sa aksidente. Nahospital naman siya pero milagrong walang malaking damage sa kanya. Buti na lang talaga, dahil kung hindi, baka mawalan na ako ng pag-asa.

Umupo ako ng maayos sa duyang hinihigaan namin. Ginawa ko palang unan ang braso niya. Kawawa naman siya, kagabi pa kasi kami dito at di ko namalayang nakatulog na pala ako. Linagyan din pala niya ako ng kumot, kaya pala wala akong naramdamang lamig.

"Ah..." Sabi niya sabay kuha sa braso niyang ginawa kong unan.
"Sorry..." I rubbed my eyes.

Umupo na rin siya.

"Ba't di mo naman kinuha kagabi? Sana di mo ko hinayaang makatulog ako sa braso mo, yan tuloy-" Tiningnan ko siya pero nakangiti lang siya sakin. "-ano? May dumi ba ako sa mukha?"

He shook his head.

"Ayan ka na naman ah... Nakakainis ka na. Ginagawa mo na ang lahat ng gusto ko. Di ka ba natatakot na baka ma-spoil mo ko niyan?"
"Hindi naman... Gusto ko rin naman yun eh."

Napailing ako.

"Since di ko na complete ang 24 signs, gagawin ko na lang ang lahat na gusto mo." Sabi niya.
"Ang OA mo... di mo naman kailangang makuha ang signs eh. Nasa akin parin ang huling desisyon..."

Tinitigan ko siya.

"Di mo naman kailangang kumpletuhin yun eh, kasi... mahal na kita."

Ngumiti siya at niyakap ako.

Pagyakap niya, hindi ko alam kung bakit ako napaluha. Nakapagtataka, dahil masaya naman ako... pero umiiyak ako.

"B-Bakit?" Tanong niya habang hinaharap ako.

I wiped my tears.

"Wala. hehe. Drama lang. Masaya lang ako."

He looked at me straight in the eyes, then he tried to wipe my tears.

Ngayon, hinayaan ko na siyang punasan ang mga luha ko. It was... the moment... I've been waiting for.

"Ganito lang ang gusto kong mangyari... ang punasan ang luha mo dahil masaya ka. Ayokong nakikita kang nasasaktan... lalong lalo na, kapag ang dahilan ay ako."

Hunghang talaga 'tong boyfriend kong 'to. Kung gusto niyang magsama kami ng mahabang panahon, hinding hindi niya yun maiiwasan... kahit di man niya ako sasaktan, di niya maiiwasang makita akong umiiyak.

"Kaya... Summer, please, if you can, hold your tears when your sad. Because I don't think I can forgive my self if I see you crying."

Tumawa ako pero mas lalo akong naluha.

"gag0, di naman yun maiiwasan." Tumawa pa ako.

Seryoso naman ang mukha niya.

"O sige na... Kakayanin ko yang hinihingi mo. Tingnan ko lang kung kaya ko. Siguro, kaw naman 'tong iyakin eh." Tumawa ako.

At yinakap niya ulit ako ng mahigpit.

I hugged him back.

Pinikit ko ang mga mata ko para maiwasan kong lumuha ulit. I wanted him on my life... and I'll do everything to make him stay on my life.
Even if it means everything. And that is the only thing I can promise him.


"Summer!" Someone tried to pull my hair. "Summer!"

I rubbed my eyes. Then tried to focus.

"Summer, gumising ka na!" Sabi ni Aliyah at mukhang nagmamadali.

Nakatulog na naman pala ako sa ospital.

"Gising na si Lex!"

Nanlaki ang mga mata ko.

"Gising na si Lex?"

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Gising na si Lex! Tatlong linggo siyang tulog at comatose. Finally, gising na siya!

Napaiyak ako sa tuwa. Tinatahan ako ni Nadine at Gette dito habang nakakaharap ko si Aliyah na excited na rin.

Tatlong linggo akong naghintay sa paggising niya. Halos di na ako umuuwi at pumapasok sa schol. Pero nagpunta talaga ako sa exams namin dahil kailangan ko yung gawin. Halos dito na rin ako sa hospital natutulog. Puyat ako araw-araw sa kakaisip at kakaiyak sa nangyaring car accident sa kanya. Kung hindi ko siya hinabol, kung di ako muntik masagasaan, hindi 'to mangyayari sa kanya. Hindi niya babanggain ang truck na yun para lang maligtas ako! Kasalanan ko ang nangyari! At ngayong gising na siya... narealize kong nabigyan talaga ako ng pangalawang pagkakataon.

REMEMBERING SUMMER by JONAXXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon