13th~
Summer: I think I should go
"Hindi naman sa ganun."
Napabuntong hininga ako.
"Alam ko. Mayaman ka, successful at a very young age. At ako, some wasted party girl diba? Hindi ko din naman alam eh. Sinabi ko na sayo yun diba? Hindi ko alam kung paano. kahit ako hindi makapaniwala."
Pumasok na kami sa restaurant. Tahimik. At... Kumain na kami. Tahimik parin.
"Lex??!"
Napairap ako nang biglang nakita si Kyla na sumulpot bigla kung saan. Naka black dress siya at tulad ni Lex, may aura siyang pang successful people.
"This is such a surprise!"
She ignored me and kissed Lex.
"I missed you, Kyl!"
"Oh, I missed you too!"
Tapos pinaupo niya sa tabi ko.
Hindi ko maiwasang mairita sa pangyayari. Kumain na lang ako ng tahimik.
"May dapat tayong pag usapan..."
"What is it?"
Diba engaged daw si Lex kay Kyla? Well, hindi ako sure pero...
"It's about our engagement."
Sumulyap silang dalawa sakin.
Nawalan naman ako ng ganang kumain.
"What about our engagement?" Sabi ni Lex.
"At tungkol sa pag bisita ng Daddy mo dito before or on our engagement day. We need to fix things. I called you kanina nung kadadating ko lang from my flight but you didn't answer me, why?"
"I've been busy."
Parang gusto kong umalis dito. Out of place... Buti sana kung out of place lang eh nasasaktan ulit ako eh.
Summer, give it up! My gosh! You've come a long way! This is too much! This isn't your world!
Tumingin ulit si Kyla sakin.
"Why is she here?"
"Dinner. Nag dinner ka na ba? Order."
Sabay bigay ni Lex sa menu.
"Dinner? Sure?"
"Bakit? May problema bah?"
"Well, you see, Lex, that can't be good! Estudyante mo siya, di ka pwedeng basta basta na lang makipagdinner sa students mo."
"This isn't 90s." Sabi ko.
Lalong sumama ang tingin ni Kyla sakin.
"And for the win, yung walang modo pa."
Sinabi niya yun with complete poise and elegance. Ang sarap sapakin. Pero kailangan kong mag fit-in sa lugar kung saan si
Lex, baka sakaling maalala niya ako... Kaya kailangan kong magpigil at magtimpi sa kahit anong eskandalong gusto kong gawin.
"Lex, I think I should go."
"You SHOULD go..." Sabi ni Kyla.
"W-Wait!"
Hinawakan ni Lex ang kamay ko nang bigla akong tumayo para umalis.
"Kyl, tell me... kilala mo si Summer, diba?"
"Huh? Wh-What do you mean?"
"Ang ibig kong sabihin, kilala mo na siya noon. Noong di pa ako nagka amnesia."
"No..."
Bumuntong hininga na lang ako. Magsinungaling ka pa. Alam kong atat ka ng mapasayo siya!
"Really?"
Umiling si Kyla at umalis na agad ng walang imik kay Lex. Leaving us two, alone.
Ayan na naman. Naiiyak ako. Sobra! Bakit ba parang tinalikuran ako ng mga taong maaring makapagsabi sa katotohanan? :( Pero expected naman yun, diba? Mahal niya si Lex. Tulad ko, desperada siyang makuha si Lex. Gagawin niya ang lahat.
"Alam ko..." Sabi ko.
Nakahawak parin siya sa kamay ko. He squeezed my hand tight.
"Alam kong sa tingin mo nagsisinungaling ako. Pinagsasamantalahan kita kasi di mo naaalala. Maaaring... maaaring isa lang ako sa admirers mong na baliw na sayo at may balak na pikutin ka. Pero... no... kung ayaw mo akong maalala, desisyon mo yun."
Masakit sakin ang sinabi ko kaya hindi ko na napigilan ang luha ko. "If you wanna be engaged, then go. Hindi kita pinipigilan dahil alam kong di kita mapipigilan. You're not my Lex anymore."
Grabe. Wala nabang araw na di ako umiiyak? Mas masaklap pa to sa namatayan eh. Kasi andyan siya at mahal ka niya noon, pero namatay ka sa isipan niya. :( Hindi namatay, talagang nawala ka... wala ni kahit anong traces ng pagkatao mo sa isip niya.
Yinakap niya ako at...
"I'll hold the engagement until I remember."