12th. Summer: like me?

8.2K 180 8
                                    

12th~

Summer: like me?

Hindi ko alam pero kahit masaya ako, kinakabahan ako. Binigyan ako ng chance pero pakiramdam ko may kaakibat itong takot. Masaya ako dahil narinig ko yun galing kay Lex. Ibig sabihin, kahit nalimutan niya ako sa isipan niya, may nararamdaman parin siya para sa akin. His senses are telling him that he knows me.

"Class dismissed..."

Pagkasabi niya nito, agad pumunta si Dave sa akin at kinuha ang mga gamit ko.

"Uuwi ka na?"


"Uh... Hindi pa siguro."


"Gusto mo mag dinner muna tayo?" Sabi niya.

Alam ko 'to. Eto yung mga inaasam-asam na moment ng mga babaeng inlove na inlove sa ex nila pagkatapos gaguhin. Hindi ko mabilang kung ilang beses kong pinangarap ang sandaling ito. Ang magkita kami ni Dave at yayayain niya akong kumain sa labas. Lagi kong iniisip kung paano ko siya pagseselosin o pahihiyain, kabayaran sa kahihiyan at sakit na dinanas ko noon. Kaso, hindi eh. I love someone else. Plotting a revenge won't be useful or meaningful anymore.

"Saka na... may sariling lakad pa kasi ako eh..."

He looked devastated.

Nakita kong sumulyap si Lex sa akin.

"Sorry Dave ah?"

I felt sorry. Really sorry.

Naisipan ko na rin na ilang beses na akong nagpakatanga para sa lalaki. Lagi na lang akong naiinlove. Palagi na lang akong nasasaktan. Minsan nga noon naisip ko baka hobby ko na ang mainlove. At ngayon, kahit anong mangyari ayaw ko na 'tong pakawalan. Naiisip ko ring naloloka na ako. Bata pa ako at marami pa akong magagawa at makikilalang iba. Bakit ko pa pinagsisiksikan ang sarili ko sa taong nasa ganitong sitwasyon?

Pero pabalik-balik man yun sa isipan ko, hindi ko parin maitanggi. Mahal ko siya. No logic. Very irrational. Biruin niyo, sa dinami dami ng inisip ko, mauuwi parin sa simpleng 'dahil mahal ko siya' na rason.

"Summer, can you help me with this papers..." Sabi ni Lex sabay turo sa files sa harap.

Halatang ginawa niya lang yun para makawala ako kay Dave.

"Come with me." Sabi niya.

OMG! He is finally noticing my existence, isn't he? Masayang masaya ako! Kinilig nga ako. Isang feeling na ngayon ko lang ulit naramdaman.

Sa mga nakaraang buwan kasi puro drama ang nangyayari sa life ko.

Maybe this time, I should move on. I should be happy with this little development. Kahit na ganito lang, masaya na ako. Hindi na siguro ako magiging emo masyado at nega...

"Pakilagay diyan..." Sabay buntong hininga.

Nakapasok na kami sa loob ng office. Dumaan pa nga si Professor Alfonso Sebastian, isang prof namin sa major subject. Mejo malagkit ang tingin.

"Let's have dinner somewhere far..." Sabi niya.


"Okay!"

Nang nasa sasakyan niya na kami...

"What were you like before?" Tanong niya.

Huminto ang sasakyan sa red light.

"The same..."

Katahimikan. Napansin ko ang pag kunot ng noo niya.

"You wear the same kind of clothes?"

Napatingin tuloy ako sa outfit ko. Shorts, tank top... Anong problema? Hindi ako nakapagsalita.

"I don't know if it's your clothes or maybe it's your body... If you wear something like that you'll catch every man's attention."


"Huh? Anong problema sa soot ko? All the other girls at school wear shorts and tank tops too."


"And you aren't that sensitive with the people around. Kanina, while I was discussing, may mga lalaking tingin ng tingin sayo, and I'm sure they were looking at your cleavage."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. What cleavage? At nag seselos ba siya?? LOL!

"Nagseselos ka?"

Katahimikan.

Ngumisi ako.

"Nagseselos ka ba?"

Napabuntong hininga siya. He looked irritated.

"No! Of course not! Hindi ko lang talaga alam kung paano na inlove si Lex Santos sa'yo! I normally wouldn't go for girls who wear this type of clothes... a girl who is YOUNGER. A girl-"


"-like me?"



REMEMBERING SUMMER by JONAXXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon