24th~
Summer: Wala bang pating dito?
Nakabikini ako sa ilalim at naka maxi dress ulit habang tinatahak ang bridge papuntang speed boat. Akala ko yate ang gagamitin, di naman pala. Pero mas mainam 'to para mas marami kaming mapag-usapan ni Lex (dahil masikip).
Naglahad siya ng kamay kasi nahirapan akong tumungtong.
Nagdalawang isip pa akong tanggapin ito, pero tinangap ko na lang para di na siya magtaka.
Pinaandar niya agad 'to at unti-unti na kaming lumayo sa Sortee at papunta na ng White Island.
Kagabi, naisip ko yung nakita ko dun sa hotel sa gabing pinapunta ako dun. Si Kyla at si Lex... Love scene. Kaya di natatanggal ang inis ko at ang pagkamunhi sa kanila.
Alam kong wala akong karapatan pero nakakainis parin!
"So what happened when we went to the white island last year?" Tanong niya nang tumabi siya sakin.
"Actually, di lang tayong dalawa. Kyla was there too." Sabi ko ng di tumitingin sa mga mata niya.
Tumango lang siya at di na ulit nag tanong. Alam kong iniiwasan niya ang pagtatanong ko tungkol dun sa hotel o maging topic man lang si Kyla.
"So... did you text me that night?" Tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sakin at nagdalawang isip pa sa pagtanggap sa tanong ko.
"That night... sa hotel? with kyla?" Sabi ko.
"N-No! I don't know who texted you that night!" Sabi niya.
"If it wasn't you then I'm sure si Kyla yun."
"Huh? Ba't niya naman gagawin yun?"
Pinandilatan ko siya. Sarap niyang pukpukin nang makaalala agad!
"Then, if hindi si Kyla. Sabihin mo sakin kung sino pa ang pwedeng pagdudahan?" Umiling ako. "I know feeling mo sinundan ko kayo dun, pero hindi. Kung alam kong nandun kayo, making love-"
"We are no-"
"I wouldn't go there-"
"we didn't-"
"I won't stop you."
Diretso ang salita ko kahit gusto niyang putulin.
"Walang nangyari? Of course walang nangyari kasi nakita ko kayo. Kung wala ako dun, sigurado! And again, that's cool with me." Ngumiti ako.
Plastik pero alam ko kung saan ako lulugar. Wala akong karapatan kaya sasabihin ko kung anong nararamdaman ko pero di ko siya pagbabawalan.
"Ba't ang tigas ng ulo mo?" Kinatok niya ng mahinhin ang ulo ko. "I know its funny pero bigla niya na lang talaga akong sinunggaban that night, babawi na sana ako at tatayo na nang dumating ka." Humalakhak siya.
Really? While she's topless? OWS!? A man refusing that? You have got to be kidding me.
Itinigil niya ang speed boat malapit sa white island. Dito daw kasi ang may pinakamagagandang corals sa buong Sortee.
Ang linaw ng dagat at mukhang malalim. Na engganyo tuloy akong mag swimming. Tinignan ko siya at agad hinubad ang maxi dress ko nang nakitang tumitingin siya sa malayo gamit ang telescope.
"Wala bang pating dito?" Tanong ko.
"Wala... of course." Sabi niya.
Agad akong lumangoy! Ang sarap! :) Malalim nga. May nakita pa akong parang si Nemo nang bigla niya akong hatakin!
"Ano ba?" Sigaw ko nang nakaahon kami.
Nasa likuran ko siya at nakapulupot ang braso niya sa dibdib ko.