30th~
Summer: Of course!
Sinalubong ako ni manang Alicia sa Sortee. Gulat na gulat ako nung hinintay ako ni Rocky at ni Kate sa labas ng resort.
"Wala ka bang bagahe?" Tanong ni Rocky - yung lifeguard.
"Wala. Bakit?" Sagot ko.
"So you're not staying here?" Tanong ni Kate nang nakitang isang beach bag lang ang dala ko.
"Aalis din ako bukas. Pagkatapos kong sabihin kay Lex ang lahat."
Nagkatinginan silang dalawa. Di din nila alam kung sasabihin ba nila kay Lex na nandito ako o hindi.
"Manang, wa'g mo ng sabihin kay Lex. Ako na ang bahala sa lahat." Sabi ko.
Tumango si Manang Alicia.
"Summer, k-kung gusto mo sa dorm ka muna namin tumuloy." Sabi ni Kate.
Kagulat talaga ang kabaitan ng mga tao ngayon! Siguro mabait na sila kasi alam nilang kawawa ako at masasaktan ako sa huli. Touched naman ako dun! Pero masakit ah?
"Sige... Salamat..." Sabi ko at sinamahan ako sa dorm nila.
Ayoko ng abalahin si Lex. Kitang-kita sa Sortee na ang daming tao. Talagang busy siya ngayon... alam ko. At pag mang-aabala pa ako, baka masira lang lahat.
"Salamat talaga..." Sabi ko nang umupo sa ibaba ng double deck na kama ni Kate.
"Okay lang... coz honestly... I'd rather choose you to be my Sir Lex wife than... Kyla." At umalis siya.
Anong ibig niyang sabihin? Mejo matagal akong nag-isip sa sinabi niya pero binalewala ko na rin. Iniisip ko at inoutline ang lahat ng sasabihin ko kay Lex. Ayoko ng may nakakaligtaan ako. Gusto kong sabihin na ang lahat.
Ang aksidente, ang dahilan kung bakit yun nangyari, ang pagsisinungaling ni Kyla, at na mahal ko siya hanggang ngayon... sobrang mahal kaya ako nandito at halos magmakaawa na. Ibibigay ko ang lahat kahit buhay ko, maalala niya lang ako.
Sa mga movies, bakit ang bilis makaalala ng mga bida kapag naamnesia sila? Ako? Bakit ganito? Bakit ginagago pa ako at nagpakatanga pa ng sobra... tapos di parin maalala?
Nagbihis ako ng isang simpleng damit para sa party mamayang 5pm. Ginugutom na rin ako buti't dinalhan ako ni Manang Alicia ng lunch. Ayoko kasi ng aaligid-aligid ako sa Sortee. Natatakot akong makita ng mama at papa ni Lex at ni Kyla. Lalong lalo na si LEX! Hindi ko alam kung bakit umuurong ang sikmura ko sa tuwing naiisip kong magkikita kaming dalawa ngayon.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Manang sakin sa loob ng dorm ni Kate.
Nandun din si Kate nagbibihis ng mas pormal na damit.
"Okay lang. Wa'g kayong masyadong mag-alala. Kaya ko 'to." Sabay ngiti ko.