3rd. Summer: Humanda ka...

8.9K 170 4
                                    

3rd~

Summer: Humanda ka...

"Nagturo ka dahil..." Napatingin si Kyla at Lex sakin. "I-I mean, nagturo ka sa school namin noon."

"Huh? Really? Naging prof mo ba ako?"

"O-Oo!"

Konting saya ang naramdaman ko nung sinabi niya yun.

"Oh, anong mga ginawa ko dun?"

He's curious!

"Uh, yun nga... nag turo ka."

Ano pa bang sasabihin ko sa kanya? Na nagturo siya para sundan ako? Baka mabigla ko siya at mas lalong lumayo sakin. Gusto kong sabihin sa kanya yung totoo, yung tungkol sakin, tungkol samin. Pero maghahanap na lang muna ako ng mas magandang tyempo, hindi ngayong andito si Kyla.

"Aw." Tumango siya. "I'll teach in UDP." Sabi niya kay Kyla.

"Oh! Dun? Sige sige." Ngiting-ngiti si Kyla.

Symepre, ba't di yan ngingiti eh di naman ako taga UDP. Tsaka, mahirap makapasok dun... paano ako ngayon nito?

Kailangan kong pumasok dun! Kailangan kong sundan si Lex. Pero mahirap dun! Kakayanin ko na lang. Sana lang tanggapin nila yung records ko, kahit na may isang sem akong binagsak ang lahat ng subjects, sana matanggap ako.

"Bakit, Summer? Gusto mo na rin bang mag UDP?"

"H-Huh?"

Si Kyla talaga! Nakakainis!

"Uh, hindi-"

"Baka susundan mo si Lex?"

OMG? WTF? Bakit tinanong yan ni Kyla in front of Lex?

"Huh? What do you mean?"

O my God!

"Diba? Why don't you tell him. You liked him ever since. Simula pa noon, diba? Kaya lagi kang nandyan kung asan siya?"

Napatingin si Lex sakin. Namumuo na naman ang luha ko. Para akong pinapaamin sa kasalanang totoong ginawa ko, pero dinagdagan ng mga di totoong detalye. Lex was still staring at me. And I can sense that he's distancing a lot right now.

"A-Ano bang pinagsasabi mo, Kyla?"

Totoo yung sinabi ni Kyla na gusto ko si Lex. Pero hindi ko siya sinundan!

"What are you talking about, Kyla?-"

"Sa gabing nadisgrasya si Lex, bakit andun ka sa scene? Because you were stalking him?"

Ang mukha ni Kyla ay parang siguradong-sigurado siya sa lahat ng sinsabi niya. Pinagpapawisan na ako ng malamig at parang bumabaliktad na ang tiyan ko.

"I wasn't stalking him! Sinundan ko siya-"

"Sinundan? It's the same!"

"Sinundan ko siya-" Lex stared at me. May malaking distansya na talaga akong nakikita sa mga mata niya. "Because..."

I can't say it.

"You're his girlfriend ba?" Tanong ni Kyla.

Nakahalukipkip na ito.

Tiningnan ko ang mga tao sa paligid, buti walang nakatingin samin. Tapos, si Lex naman ang tiningnan ko... ganun parin ang ekspresyon niya.

"Hindi."

True. I'm not his girlfriend. I was never his girlfriend.

Narinig ko ang pagsinghap ni Lex.

"Miss Summer, do you like me?" Kinakausap niya ako na parang bata. "a lot?"

Napatingin ako sa pinakamaamong mukhang nakita ko sa balat ng lupa. It was like seeing him for the very first time again.

"Oo." I said plainly.

I know, it's weird. Hindi ko alam kung tama ba yung ginawa ko. Nagpakatotoo lang naman ako eh. Sa bagay, dapat noon pa ako nagpakatotoo.

He smiled. My tears began to take form.

"Uh, you're young and beautiful. But, I think you should forget me. I'm too mature to engage myself in childish relationships."

Tumulo ang luha ko. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya nang nakita niya ito. Pero, pinagpatuloy niya parin ang sinasabi niya.

"Puppy love pa lang yan..."

I slapped him hard! Napatingin lahat ng tao sa party.

"OMG, LEX!"

His left cheek turned red.

"Di mo alam kung anong mga sinasabi mo!" I shouted.

"I'm sorry. But that is what I see-"

"That is NOT what you SHOULD see!"

LEX! Please, remember me na! Remember Summer!

He sighed. Nakatingin na talaga lahat ng tao samin. Grabe na ang mga luha ko, umaapaw.

"Humanda ka..." Sinabi ko yun with the softest voice I can ever use.

Nag walk-out na ako. I was crying a lot. I was crying because of what he said. Hindi ako umiiyak dahil sinabi niya yun kay SUMMER pa - ang pinakamamahal niya, umiyak ako dahil sa ugali niya. Kung hindi ako si Summer, if I was another girl who liked him a lot, ganun din ang sasabihin niya. Anong karapatan niya para sabihin sa mukha ko na mali yung nararamdaman ko, na childish ang nararamdaman ko, na puppy love lang 'to? Wala siyang karapatan.

I'll make sure that he'll remember me soon. If not, I'll make sure that he'll fall for me again. I'll make sure that he'll love me again.

REMEMBERING SUMMER by JONAXXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon