18th-20th.

9.7K 193 9
                                    

18th~

Summer: Nga pala sir





Ilang weeks na ang nakalipas at anun parin kami ni Lex. And today is another day... buong session siyang naglecture. Malapit na din kasi ang finals.




"Class... this is probably my last class. I've decided to stop teaching." Sabi niya na ikinabigla naming lahat.



"Ha??? Bakit?" Sabay sabay na tanong ng mga kaklase ko.



"I haven't found a reason to stay." Sabi niya.



Shet! Parang nabilaukan ako sa sinabi niya. Ano? Summer? Yun na ba talaga yun? You came all the way here to chase him pero in the end you'll give up?

Pero kung tutuusin, mag aanim na buwan na at wala parin siyang naaalala. Hindi niya naman ako nagugustuhan. Sinabi pa nyang wala na siyang rasong magpatuloy dito. :(



Gusto kong umiyak, pero pinigilan ko... pagkatapos ng klase, nagpahuli ako at inabangang umalis siya at hinabol sa labas.



"Lex... Lex!" Tawag ko.



Lumingon siya sakin.



"Uh, Summer, here's my paper. Don't forget to give it to Mr. Sebastian." Sabi ni Lindsay na naka hawak sa braso ni Dave.



Pareho silang na weirdohan sa pakikipag-usap ko kay Lex. Kakausapan nga sana ako ni Dave kaso tinoon ko ang buong atensyon ko kay Lex na di na nila nagawang magtagal sa harapan namin.

Nagtitigan kami ni Lex. Pero wala pa ngang nagsalita, naramdaman ko na ang pagbuo ng luha sa gilid ng aking mga mata.



"What?" Sabi niya.



Hindi ako makapagsalita. Wala akong masabi.



"I don't want you to go..." Sabi ko.



Suminghap siya.

"For what reason? Weeks ago you told me to forget it forever!"



Lumandas ang luha ko at sinuntok ko ang kanyang dibdib. Di siya natinag sa suntok ko. Hindi ko alam kung saan  ako humugot ng lakas para makasuntok ng ganun. Malakas sa umpisa, pero nang dumapo na sakanya, nawalan ng lakas.



"Bakit ba kasi di mo maalala! Please naman! Wake up! It's me Summer!"



Umiyak ako sa harapan niya habang siya ay tinitignan lang ako. Walang magawa. Anim na buwan na ang nakaraan ng nagising siya at wala parin siyang maalala.



"Sobrang di ko na kaya 'to." Tinignan ko siya.



Halatang naaawa siya sakin pero wala siyang magawa.



"Bakit wala kang magawa!!! Lex!!!"



Nakita kong may mga dumaang mga tao kaya umalis na ako, iniwan siya sa ere.

Hindi ko na kaya 'toooo! :( Umupo ako sa bench at tinawagan si Aliyah.



"Hello?"


"Hello! Mag tataxi na ako pauwi. Wa'g niyo na akong daanan dito. Sabi ko."


"Aryt then! See you later!" Sabi niya at agad kong binaba ang cellphone ko.



Hikbi ako nang hikbi sa isang bench habang hinahawakan ang papers ng kaklase ko for Mr. Sebastian. Dumidilim na at nagpasya akong maya-maya ko na ipasa tong papers kung wala na si Lex sa faculty.

Pag dating ng alas syete, pumunta na ako sa faculty. Kumatok at nakitang wala si Lex. Si Prof sebastian na lang ang natira.

REMEMBERING SUMMER by JONAXXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon