6th~
Summer: gusto ko lang ng bagong environment.
"Summer, ba't ka nandito?" Tanong ni Lex.
Napatayo ako.
"Uh... nagtake ako ng exam eh. Titingnan ko kung... makakapasok ako sa school na 'to."
Tumango si Lex, "O sige... goodluck!" Umalis siya.
Sinundan ko siya sa tingin. Ni hindi ko na namalayang nandito parin si Dave sa tabi ko habang tinitingnan ko ang buong detalye ng pag-alis niya sa harapan ko. Pumasok yata siya sa opisina ng presidente ng eskwelahang ito. Naiisip ko tuloy, ang layu-layo niya na sakin ngayon.
He's young and very successful. Responsable na rin siya at mature na, samantalang ako, nag-aaral pa, wala pang landas na gustong tahakin sa buhay, at puro puso lang ang iniisip. Parang ang liit-liit ng tingin ko sa sarili ko...
"Summer, you're spacing out." Sabi ni Dave. "May nangyari ba sa inyong dalawa nung boss mo?"
"Uh... wala." Nagsimula akong maglakad dahil nakita kong kakapark lang ng sasakyan nina Aliyah at Nadine. "Wala."
Lumabas naman ang dalawa. Si Nadine mukhang naninibago sa eskwelahan kaya tingin nang tingin sa mga tao, si Aliyah naman...
"Oh... Lex is here!" Sabi niya nang nakita ang bagong sportscar ni Lex. "Nagkita kayo?"
"Oo." I sighed. "Nagkausap kami."
"And??"
"Wala... of course, wala." Sagot ko.
Umiling si Aliyah. Napansin nila si Dave sa likuran ko.
"Oy Dave! You're studying here?" Tanong ni Nadine.
"Uh, yeah! Kayo?"
"No. Sasamahan lang namin si Summer." Sagot ni Nadine.
"So ano, lunch muna tayo?" Sabi ni Aliyah.
"O sige. Pero, siguro mas mabuti kung dito na tayo maglunch sa school." Sabi ko. "Dave, sama ka sa lunch? Para makapagkwentuhan tayo."
"O sige! Saan niyo gustong maglunch? Maraming cafe dito sa school. Iba-ibang klase."
"That's cool." Sabi ni Nadine.
Pinuntahan namin ang mga sinabing cafe ni Dave. At cool nga ang mga ito. Yung iba, fast-food-type, may mga sweets lang din ang pagkain, may mga coffee shop, may japanese foods, at iba-iba pa.