9th~
Summer: What is wrong with you?
"Uhm-"
Napatingin ang mga kaklase ko sa akin. Sinimangutan ko naman yung mestisong kanina pa ako kinakausap.
"Can't you tell which girl is interested and which is not?" Umirap ako sa kanya pero ngumiti lang ang mestiso.
Tumingin ako kay Lex na nasa harapan at nakatingin parin sa akin. Unti-unting tumaas ang kilay niya habang nakatingin parin ng diretso sa akin.
Napatingin ulit ako sa mestisong nakangiti lang at nasa akin parin ang attention.
"GOD!" Sabi ko at umalis sa tabi niya.
Naghanap na talaga ako ng upuan na malayu-layo sa nakakainis na damuhong iyon.
"Okay... I'm..." Kumuha si Lex ng pentel pen pagkatapos kong umupo sa bago kong upuan at nagsulat sa whiteboard. "Lex. You can call me Sir Lex... I'm 25 years old-" Pagkatapos niyang sabihin yun, mejo tumaas ang bilang ng mga nagbulungan sa mga kaklase ko. "I'm single and very satisfied." Ngumiti siya.
"OWWWW!" Para bang ang buong klase talaga ang hindi makapaniwalang single ang gwapong professor namin.
Pasensya na. Nasa pinaka huling upuan ako at nakikita ko ang lahat ng reaksyon ng mga kaklase ko. Lalong lalo na ang reaksyon ng mga babae...
"Sir, you don't look twenty five?" Sabi nung chinita.
"Older?" Tanong ni Lex ng nakangiti.
"YOUNGER!" Parang sabayang pagbigkas lang ah? Sabay nagsalita ang mga kaklase ko, di ko nga lang alam kung pati ba ang mga lalaki.
"Sir, why are you still single? Third sex?" Nagtawanan ang mga lalaki sa klase.
"Uhm, no." Ngumiti siya sa lahat ng nag dududa. "I've had relationships. And I've been engaged once..."
"WHOAAAAA!"
"Engaged with Kyla?" Napabuntong-hininga ako habang nakapangalumbaba at tinitingnan si Lex sa malayo.
"Then why did you broke up with her, Sir? Ang swerte naman nung babaeng yun, pero sayang!" Naghiyawan ang buong klase.
Ako lang yata ang tahimik dito habang tinitingnan silang tuwang-tuwa sa pagtatanong kay Lex ng kung anu-ano.
Sana ako rin pwedeng magtanong kay Lex... Pwede naman, alam ko. Pero sana may maisagot siya sa tanong ko. Sana alam niya ang sagot sa tanong ko. Pero malabong mangyari yun...
ang dami ko na palang nagawa para sa kanya ano? Pinasok ko pa talaga ang school na 'to para lang mapalapit sa kanya. Siguro, iisipin ng iba na naloloka na ako sa ginagawa ki. Ayan na naman si Summer, naloloka na naman ulit sa pag-ibig. Parang ganun? Pero kasi, sa lahat ng mga minahal ko, ito na yata ang pinaka hindi ko kayang pakawalan at ang pinaka masaklap. Yung tipong hahamakin ko na talaga ang lahat. Desperada na. Pero masisisi niyo ba ako sa ginagawa kong 'to?