5th. Summer: Titingnan ko lang.

8K 159 2
                                    

5th~

Summer: Titingnan ko lang.



I finished the exam just on time. Masaya ako dahil nasagutan ko ang lahat, pero kinakabahan parin ako at baka hindi ko makuha ang last chance na ito.

Next week, pasukan na. Tapos ako, nagti-take pa ng exam. Makukuha ko na daw ang result mamaya. Pagkakuha ko ng result, agad akong magpapaenrol.

Nakaupo lang ako ngayon sa isang bench dito, hinihintay ang pag dating ni Aliyah at Nadine. Sasamahan daw nila ako dito ngayong araw.

"Su-Summer?" Naaninaw ko si Dave sa harapan ko.


"Dave?"


"Summer!" Yinakap niya ako. "Ba't ka nandito?"

Dito nga pala nag-aaral si Dave. Si Dave yung ex ko. Artista siya at sikat na sikat. Kahit na nasaktan niya talaga ako noong dineny niya ako sa publiko, hindi ko na maramdaman ang sakit na yun ngayon. Siguro, masyadong masakit itong kay Lex kaya nakakalimutan ko na.

"Nagtake ako ng entrance exam."


"Huh? Dito ka mag-aaral?"


Tumango ako.


"Great!!! Hindi pa ako nae-enrol! Magiging mag kaklase tayo! Sigurado!"


"Sana nga." At least, may kilala ako sa ibang class ko.

Nakatingin lang siya sakin habang ngiting-ngiti.

"Kamusta ka na? Ba't ka mag-isa?"

Halata sa kanyang mga mata ang pananabik sa pakikipagkwentuhan sakin.

"Hinihintay ko sina Aliyah. Okay lang naman ako, ikaw?"


"Okay lang din. Maraming projects kaya mejo busy."


Tumango ako.

Katahimikan.

"Naninibago ako sa'yo."


"Bakit?"


"Parang... ang lungkot mo yata."


"Ah..." Pinilit kong tumawa. "Guni-guni mo lang yan.

Tumingin ako sa paligid.

"Dave!" May paparating na grupo sa amin.

Mga kaibigan niya yata.

"Oi! Likayo dito!"

Lumapit sila samin.

"Eto nga pala si Summer. Kaibigan ko."


"Hi Summer!"


Nginitian ko silang lahat.

"Dave, kita tayo mamaya sa tambayan ah!"


"Oo! Sige!"

Tapos umalis din naman silang lahat.

"Gusto mong sumama samin mamaya? May party!"


"Hmmm, hindi ako sigurado eh. Titingnan ko lang."


"Ah... Something's really weird about you now. May problema ka ba? Nag-away ba kayo ng parents mo?"


"Hindi. Wala naman. Nukaba!"

Kailangan ko tuloy ngumiti para mapawi na yung pagdududa niya.

"Are you really okay?"

Bago ako sumagot... May sportscar na biglang pumark malapit sa bench na inuupuan namin.

Kinabahan ako. Bakit ako kakabahan? Hindi ko alam. Wasak na yung sportscar ni Lex. Tsaka, halatang hindi yan yung sportscar niya. His sportscar was a Yellow Lamborghini, and that's one is black.

"Summer, are you okay?" Inulit ni Dave ang tanong niya.


"Yea-" Muntik na akong mabilaukan nung lumabas nga si Lex sa sportscar na nakita ko.

Marami ding tumitingin sa kanya at para bang namamangha.

Napatayo ako para tingnang mabuti kung siya nga ba talaga yun. I rubbed my eyes. Looked at him. Stared at him. Siya nga talaga yun.

"Summer?" Napatingin na rin si Dave sa tinitingnan ko.


"Is that your boss? Siya yung lalaki sa Sortee last year ah?"

Lex, look at me! Look at me!

Tumingin din naman siya pero parang wala lang.

"Damn!"

Tumingin ulit siya.

Hindi na ako huminga sa second look niya.

I heard his voice, "Summer?"

Ngumiti ako.

Masaya ako dahil nakikilala niya na ako! Sana nga lang, pati ang alaala niya tungkol sa akin, bumalik na.


REMEMBERING SUMMER by JONAXXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon