2nd. Summer: Sinungaling ka!

11.1K 187 4
                                    

2nd~
Summer: Sinungaling ka!






"Summer!!!" Sobrang bilis ng takbo ko.



Ito ang pinakakinakatakutan kong mangyari - ang hindi niya ako makilala.



Hindi ko na rin alam kung saan ko pa nakukuha ang tubig na galing sa mga mata ko. Hindi ako sigurado kung sapat ba yung nainom kong tubig para maluha ng ganito.

Yinakap ako ni Gette.



"Summer, maalala ka rin niya. Sure ako dun!" Sabi ni Aliyah nang naabutan na nila ako.



Tumango ako.



"Oo, maalala niya ako. Pero ang sakit lang nung sinabi niya. Ang sakit pala pa'g di ka maalala ng taong mahal mo."



Pilit kong iniisip na maalala niya rin ako. Hindi ko rin alam kung dapat ba akong magpakita sa kanya o magtago na lang muna. At nagkasundo na rin kami ng mama at papa niyang wa'g na lang muna sabihin sa kanya ang tungkol sa akin. Baka daw lalong malito ito at lalong di maalala ang lahat.



Nakalabas siya sa hospital one week later. Ang sabi ng doctor, mga dalawa hanggang anim na buwan ang tantya niya at maalala na ni Lex ang lahat ng missing parts ng memory niya.



Kaya minabuti kong sumama na lang sa tour ng course ko para naman makaabot ako sa mga subject na nahuli ko. Buong summer, ginugol ko sa pag-aaral at kung anu-ano pa. Di ko rin nadadalaw si Lex-- ang nakakatawa pa ay lagi kong naiisip na sana isang araw, hanapin niya ako dahil may naalala na siya.



Pero walang araw na ganun ang nangyari. Habang tumatagal, lalo ko siyang nami-miss.



"Summer, sumama ka sa Sortee!" Sabi ni Aliyah sakin.


"H-Huh? Bakit?"


"Birthday nung papa ni Lex bukas! Baka makita mo si Lex dun!"




Naalala kong birthday nga ng papa ni Lex this times... yung mga araw ng summer na tag-ulan. Naalala ko yung araw na tinakbuhan ko siya sa ulan. Inis na inis ako sa kanya nun dahil nalaman kong peke yung mga signs na nakuha niya. Tingnan mo nga naman, anong ginagawa ko ngayon? Ako pa ang pupunta...


"Uh... Lex, eto nga pala si Summer... Naalala mo ba siya?" Siniko ako ni Aliyah habang ipinapakilala.


"Oo. Ako si Summer." Ngumiti ako.



Tumango siya, "Ba't ka nandito?"



Ah. Okay. :(



"Ahh. Kasi... dinala ko siya... Pinsan ko siya eh."


"Ahh. Ngayon ko lang nalaman na pinsan mo pala yung sumagip sakin. Salamat ah?" May hawak-hawak pa siyang goblet at tinalikuran kami.


"L-Lex! Busy ka ba?" Sabi ni Aliyah.


"Uh... di naman. Bakit?"



I looked around. Maraming tao ngayon, pero mas marami parin yung party noon.



"K-Kasi...." Tumingin si Aliyah sa akin. "Pwede ko bang ibilin si Summer muna sa'yo?" Ngumiti si Aliyah kay Lex. "Pupunta muna ako sa bar, mukha kasing may cute na guy doon!" Sabay turo sa kawalan. "Nakita ko kanina... na may papasok dun na gwapo. Pwede dito muna siya? Tsaka.. magc-CR din sana ako eh. Iwan ko muna siya sa'yo."


"H-Huh? Okay!" Ngumiti si Lex sakin at uminom.



Umalis na si Aliyah at kinindatan ako.



Tahimik lang ako kasi di ko alam kung anong sasabihin ko. Wala kaming mapag-usapan.



"Ba't di ka sumama kay Aliyah?" Tanong niya.

REMEMBERING SUMMER by JONAXXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon