SY: Chapter 43 - Date (Part 3)

52 3 2
                                    

Extended ang valentines day dito guyss. Hahaha.

Enjoy reading

***

Camielle's POV

Ilang araw na ang nakakalipas magmula ng nangyari sa drama club. Nalaman ko mula kay Jayvee ang lahat. Pinuntahan nya ako sa classroom at talagang inabangan pa ako sa labas para lang sabihin ang totoo.

I'm right co'z, Jayvee Louise Mendez, is really the cousin of Khage. At hindi nga sya kapatid ni Yaz. Naging magkamukha lang sila dahil palagi silang magkasama. They're bestfriend after all.

Hinilot ko ang sintido ko dahil sa mga revelationg nalaman ko. Kamukha ni Khage si Jayvee, at medyo hawig naman ni Yaz si Jayvee. Hindi mo talaga mapagkakamalang hindi magkapatid si Jayvee at Yaz.

Valentines na ngayon at medyo marami-rami naman akong natanggap na gifts simula kaninang umaga. "Ms. Aldea saglit!" Napatigil ako sa paglalakad ng tawagin ako ng isang nerd na mukhang senior na. "Happy valentines day." Inabot nya sakin ang isang rose at love letter.

"Ahm.. thank you." Sabi ko. Ngumiti sya sakin ng malapad at inayos ang eye glass nya saka kumaripas ng takbo paalis.

At siguro pang-labing lima na ata ang lalaking yun sa mga taong nagbigay sakin ng regalo. Pupunta na naman tuloy ako ng locker area para ilagay sa locker ko itong pekeng bulaklak at love letter.

Maaga pa naman kaya keri lang. Tinahak ko na ang daan papunta sa locker area at pumunta na sa tapat ng locker ko. I unlocked the padlock using a key at nagulat ako sa nakita ko. Nangunot ang noo ko dahil wala na dito ang mga tinambak kong mga pekeng bulaklak at love letters.

Ang tanging nakita ko lang doon ay isang malakig bouquet ng white flowers, at isang malaking paheart shape na box. May nakita rin ako dun na isang box pa na itim na rectangular shape. Nilapag ko na muna sa isang high table ang dala ko saka ko yun kinuha.

Kinuha ko ang letter sa loob ng mga bulaklak. At saka yun inamoy. Mukhang fresh ah. Ang bango.

Happy valentines day. Sana magkaroon ka ng masayang araw with your friends. I hope na sana patawarin mo na ang dapat na patawarin. Wag mong kalimutan yung nararamdaman mo para sa kanya. I love you

-SA

Secret Admirer?? Patawarin ang dapat patawarin??

Kinuha ko yung isang box na itim at saka yun binuksan. I gulped ng makita ang isang gold na kwintas na may heart pendant. "Ang ganda." Sambit ko sa sarili ko.

Sobrang nag effort ang nagbigay nito. He bought a necklase, chocolate and flowers for me. And I really appreciated it.

Binalik ko na muna sa box yung kwintas saka ko muling pinasok sa loob. Yung bulaklak hindi ko alam kung saan ko ba ilalagay e. Sa locker ko ba na mainit at baka malanta ito o sa kotse na ganun din naman.

Sa huli I decisioned na sa kotse ko na lang ilagay ang bulaklak. Nilagay ko sa backseat ng kotse ang bulaklak saka na ako pumunta sa labas ng school para tumambay sa food park ng mag-isa. Sanay akong mag-isa no.

Janna's POV

Pagkalabas ko ng huli kong klase before ng lunch break ay nakita ko si Benedict na naghihintay sa labas. "Anong ginagawa mo rito??" Tanong ko. "Hindi ka ba tinext ni ate Nicole?? May rehearsal tayo ngayon para sa mangyayaring Mr. And Ms. Sailers."

"Ngayon na?? As in now na??" Tumango naman sya. "Pero hindi pa ako kumakain e."

"Tara. Libre ko na." Inakbayan nya ako at naglakad na kami papuntang cafe ng school. He ordered a vanilla cake and frappe for me habang sya ay wala naman. "Ayaw mo kumain??" Casual kong tanong.

Still You #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon