SY: Chapter 55 - Cherished

28 3 1
                                    

Ashley's POV

Nakatungo lang ako sa lamesa habang paulit-ulit kong naririnig ang pagjojoke ni Janna na hindi magawang suportahan ni Zaila dahil corny talaga.

Nakapikit lang ako habang tinatap ang daliri ko sa lamesa. Isang violin style na nakakakalma sa pakiramdam ang music na pumapaligid sa buong venue kaya mas lalong nakakaantok.

Anong oras na rin. Kaya medyo tinatamaan narin ako ng antok.

Saka lang ako nag-angat ng tingin ng kalabitin ako ni Janna. Tiningnan ko si Zaila na hawak-hawak na ni Jasper ang kamay nya. Papunta sila pareho sa dance floor at maya-maya ay sumabay na sa musika.

Natahimik tuloy si Janna sa harapan ko. "Ashley may joke ako." Agad akong napatungo ulit sa lamesa. "Magjojoke lang naman e."

"Matulog ka na lang dyan Janna. Antok lang yan."

"Hindi pa nga ako inaantok e."

"Ikain mo na lang." Narinig ko ang buntong hininga nya at ang paglalakad nya paalis. Kukuha siguro ng pagkain sa buffet table. Tama yun para manahimik na rin sya.

*flashback*

Pagkapasok ko ng bahay ay agad akong sinalubong ng kapatid kong si Clark. "Ashelle Noona." Tawag nya saakin. "Hey dongsaeng (younger sibling)"

Nilapag ko sa lamesa ang mga pasalubong na dala ko at saka naman naupo sa lamesa si Clark para kalikutin yun. "Asan sila Mommy?" Tanong ko sa kanya.

"Si Dad nasa study room nya may kausap. Si Mom nasa kusina naghahain. Si Hyung nasa garahe inaayos yung kotse nya." Naglakad ako papunta sa garahe. Si Oppa na lang muna siguro ang iistorbohin ko dahil alam kong busy sila Mom at Dad.

Nakita ko si Oppa na topless na nakatitig sa grey nyang porsche. "Yah!" Agaw ko ss attention ni Kuya. Tiningnan nya ako saglit pero pumunta rin sya sa likurang part ng sasakyan nya.

Naglakad ako papalapit sa kotse nya. Kasalukuyan na nyang sinasara anv trunk nun at nililigpit na lang ang mga tools sa gilid. "Naflat-an ka??" Tanong ko. Hindi nya ako sinagot kaya nag-angat ako ng tingin.

Kanina ko pa napapansin na hindi nya talaga ako pinapansin. "Hyung!" Still fixing his tools.

"Kuya." Wala parin.

"Oppa." Akala ko magpopogi sign sya pero hindi nya parin ako pinansin.

Ano bang problema nito?? "Kuya ano bang problema mo??" Tanong ko. Hindi nya parin ako pinapansin kaya mahina akong umismid. "Kuya naiinis na ako."

"Mainis ka." Sambit nya bigla.

"Galit ka ba sakin Hyung?? Wala naman akong ginawang masama ah. Ano ba kasi yun??" Naiinis ko ng tanong. May pa padyak pa ako sa semento na parang bata.

Tiningnan nya ako ng malamig. "Anong pangako mo sakin noon nung highschool ka??"

"Ano yun??"

Inilingan nya ako at saka bumalik sa ginagawa nya. Huminga ako ng malalim. At inalala yung pangakong sinasabi nya.

Ano bang pangako yun??

Napakagat ako sa labi ng maalala ang sinasabi nya.

"Ihaharap ko sayo yung manliligaw ko?? Yun ba yun??" Binalingan nya ulit ako.

"Buti naman naalala mo na." Nanahimik sya saglit. Ang cold nya kung titingnan, hindi ako sanay na ganito si Kuya. Pag kasi nag-aaway kami hindi naman sya cold sya pa nga ang nagsosorry kahit na ako yung may kasalanan.

Still You #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon