Camielle's POV
Naglakad ako papunta sa isang bench at naupo doon. Kakatapos lang ng klase ko kaya dito na muna ako. "Uy." Napatingin ako sa dumating na si Khage.
Netong mga nakaraang araw sa dalas ng pagkikita namin ay ng pag tetext namin ay naging close na kami. We have many similars like bar hoping and a type of musics. Kaya mas lalo kaming naging close. Sa araw-araw na wala ako sa bahay ay sya ang kasama ko.
I don't want to say this to Ashley dahil alam kong magagalit sya. Pero alam kong mas lalo syang magagalit pag pinatagal ko. Pero gusto ko rin naman syang maging kaibigan. Nothing's wrong with that.
"Kakatapos lang ng klase mo??" Tumango ako. "Ikaw??"
"30 minutes na lang e." Parang malungkot nyang saad. Nilapit nya ang mukha saakin. Kaya medyo napaaatras ako. "Gusto mo kumain sa labas??" Tanong nya sakin. "Hindi ka pa naman nakakapag lunch diba??" Tanong nya.
"E 30 minutes na lang ang vacant mo e." Sabi ko. Umiling sya sakin. "Malapit lang naman ang kakainan natin hindi naman malayo e. Wala pang 10 minutes nandun na tayo. Ano sama ka??" Tanong nya. Sinara ko ang librong binabasa ko.
"O sige." Napangiti sya saka ako hinila papunta sa parking lot. Pinagbuksan nya ako ng kotse. Sumakay naman kagad ako.
Totoo nga ang sinabi nya dahil. Malapit nga lang ang resto na sinasabi nya. Malayo kasi sa mga kainan ang campus siguro mga 1 hour ang byahe bago ka makarating. Pagkaparada ni Khage ay bumaba na ako at saka tiningnan ang restaurant.
"Garden Restaurant." Banggit ko dahil sa rami ng mga halaman na nakapaligid sa buong resto. Bumaba na rin si Khage kaya napatingin ako sa kanya. "Tara na??" Tumango ako. Nauna syang maglakad papasok na sinundan ko naman.
"May reservation po??" Tanong nung waiter. "Wala." Sagot naman ni Khage. Habang nag-uusap sila ay iniikot ko ang paningin sa extirrior design ng kainan. Ang ganda talaga. Ang komportable tingnan. "Camielle??"
"Ahh." Sumunod na ako kay Khage ng tawagin nya ako. Umupo kami sa isang bakanteng upuan. Nagbigay naman saamin yung waiter ng dalawang menu. Ang mamahal naman ng mga presyo neto. Sa karinderya lang kasi kaming lima kumakain, kung hindi doon sa fast food chain. Sinabi na ni Khage ang order nya saka ako pinasadahan ng tingin.
"Ano sayo??" Tanong nya. Hindi ko maiwasang mapatitig sa mga mata nya. He snapped pulling me to a reality. "Ahh huh?? Ano.." napatingin ulit ako sa menu. "Spaghetti lang."
"Gawin mong dalawa ang Iced Tea." Tumango ang waiter na may maayos na nakasabit na table napkin sa kanyang kabilang kamay. Kinuha na nya ang menu saakin.
"So ano.." tumingin ako kay Khage na nakatingin sakin. "Magkwento ka naman. Pano nyo naisipang tumirang lima sa iisang bahay??" Tanong nya. Bigla kong naalala ang mga nangyari 14 years ago. Nagkakilala kami nung 8 yrs old si Zaila. That was her birthday.
"Pumunta kami sa birthday ni Zai dati, 8 yrs old sya." Pinatong nya ang mga siko sa lamesa at nilapit ang mukha sakin na para banh interesado sya sa mga sasabihan ko. "Tapos dun kami nagkakilala. No.. dun namin sya nakilala. Close na kasi kami nila Denise, Ashey at Janna nun dati." Tumango sya.
"Tapos yun na.. pero umalis din sya kasi sa Japan sya nag-aaral. 12 yrs old bumalik sya. Nakatira na kaming tatlo sa iisang bahay. But our parents said na saamin titira si Zai."
"Interesting story." Napatigil kami sa pagkwekwentuhan ng nilapag na ng waiter ang mga pagkain namin sa lamesa. Nagsimula na kami sa pagkain. "Ikaw?? Sabi ni Ashley sayo daw ipapamana ang kumpanya ninyo??" Tanong ko.
"Bakit yung kapatid mo?? Si Kenjie?? Diba panganay sya??" Tanong ko. "My brother's take a course of agriculture. He want's farming. Gusto nyang patakbuhin ang ranko ng tito ko." Tumango ako.
BINABASA MO ANG
Still You #Wattys2018
Novela JuvenilOne feelings, Two groups, Three sad souls *** Date started: 11/24/17 Date finished: - ACHIEVEMENTS - 195 in Accidentaly 160 in Meeting Still You By: ZaiLah2 All Rights Reserved. 2017 Cover made by: Bloosom Park