SY: Chapter 39 - Still War

49 4 7
                                    

Gusto ko lang magpasalamat sa mga patuloy parin na nagbabasa parin nito. I love you guyss.

Song for this chapter:

God Gave Me You by Alden Richard

I Love You, I Remember You by I.O.I

***

Denise' POV

"Dad ano to??" Hindi makapaniwala kong tanong kay daddy na nakatingin lang sa anak ni Mr. Stellanie. "Sya na yun anak. Sya na yung makakadate mo." Sabi nya.

"Makakadate?? E kaaway ko to e. Hindi pwede!" Sigaw ko. Nagulat ang papa namin ni Joshua sa inasta ko. "Anak umayos ka nga." Sabi ni daddy saakin. Aalis na sana ako ng magsalita sya.

"Subukan mong lumabas dyan. Hinding-hindi ka na makakabalik kila Zaila." Pagbabanta nya. I bit my lower lip at saka bumalik sa sofang inupuan ko kanina. Pabagsak akong bumalik doon at binaling ang masamang tingin sa glass wall ng office nya. Kung saan tanaw ang buong city.

"Anak hindi ba't maganda sya??" Rinig kong tanong ni Mr. Stellanie sa anak nya. What the heck. Kung makapag-usap sila parang wala ako sa harapan nila na naiinis sa mga pinag-gagawa nila.

Walang nakuhang sagot si Mr. Stellanie sa anak nya. Well ano pa bang aasahan mo sa isang Joshua Stellanie?? Hindi na nga marunong ngumiti. "Yes dad. She is." Nag-iba ang direction ng mata ko dahil sa sinabi nya. Gusto kong bilugin ang mga mata ko kaya lang pinapanood nila ako.

"Lumabas na muna tayo Rodel." Sabi ni daddy kaya agad akong napatayo dahil sa sinabi nila. "Teka, lalabas na rin ako dad." Sabi ko. Umiling sya sakin ng nakangiti.

"Stay here with him. Magkwentuhan kayo pag nagsawa kayo dito. You two can go out so you can know each other." He said. Saka na sila lumabas ng office. Pinagkakanulo na ako ng sarili kong ama.

"This is just a blind date." Rinig kong sabi nya. "Hindi ito isang arranged marriage or what. And don't worry because I won't rape you either." Tama sya. Blind date lang naman ito e.

"Ok.. sundin natin ang sinabi nila." Tumayo ako at hinarap sya na nakatingin ng diretso saakin. "What's your name mister??" Tanong ko. Kulang na lang ay maparolyo ang mata ko dahil sa sarili kong tanong.

Ilang minuto ayang nanahimik kaya nagsalita na ako. "Know each other daw." Sabi ko. "You already know my name."

"What's your hobbies?? Do you have a siblings?? How many are they?? Where's your mother?? Do you have a special talent?? When will you vanished in my world??" Sunod-sunod kong tanong. Napangisi sya sa mga tanong ko.

"Calm down of asking questions, Ms. Del Moral. Masyado kang halata na gusto mo talaga akong makilala." Ngisi nya saakin. "I'm not!!" Dipensa ko. "Narinig mo naman siguro ang sinabi ng ama ko diba?? Know each other. So after nitong Q&A na ginagawa natin pwede na akong umalis."

"Oww. Ayaw mo ba akong makasama?? Don't you want to have a small chitchat with me?? While walking in the park?? Willing naman akong gawin yun e. Hindi ako mahirap pakisamahan. Believe me." He said. Tiningnan ko sya ng masama.

Naalala ko ang sinabi ni mommy nung una kong makita si Zaila nung bata pa kami.

*flashback* (10 yrs ago)

"Mommy, ganun ba talaga yung Zaila?? Suplada??" Tanong ko. Nasa likod ko si mommy habang sinusuklayan ang basa kong buhok. "Nakausap mo na ba sya??" Tanong nya saakin.

"Opo. Para syang masungit. Lalo na at english speaking pa sya." Wika ko. Tinigil na nya ang pagsusuklay sa buhok ko at nilapag na ang suklay sa side table ng kama ko.

Still You #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon