'"ITINAGO ko iyon sa lugar na aking pinakamamahal noong ako ay paslit pa. Isang lugar na hindi kayang pagtagalan ng kahit sinuman. Ang lugar na naging bahagi rin ng aking unang pag-ibig...'" Mula sa pahina ng diary ay inilipat ni Mikki ang paningin kay Rafhael na nasa tabi niya sa tapat ng bilog na mesa sa komedor. "What do you think?"
"'Sounds like a riddle. And I'm not really that good at it."
"Wala ka bang kahit kaunting alam tungkol sa ninuno mo?"
"Wala. Ni hindi ko nga kilala si Don Jose. Si Lolo Tiburcio nga, hindi ko masyadong kilala. I wasn't that close to him. You probably know the reason why. Hindi ko naman kasi siya nakasama sa paglaki ko. Iba ang itinuring kong lolo. Si Lolo Santiago ang nakasama ko sa paglaki ko, ang asawa ng lola ko na nag-adopt sa mama ko."
"Pero alam mong mahal ka rin ng lolo mo bilang isa sa mga apo niya, 'di ba?"
Nagkibit-balikat ito. "Siguro."
"Naikuwento ka sa akin ng lolo mo noon. Sa lahat daw ng apo niya, ikaw ang pinakagusto niyang makalapit ng loob."
Tumaas ang isang sulok ng mga labi nito. "That's because I'm his only grandson."
Pulos babae kasi ang mga apo ng matanda. Si Ted na tanging apong lalaking Archanghel ay alanganin pa ang sexual preference.
"May tampo ka ba sa lolo mo?" hindi niya napigilang itanong.
"Wala naman. We just didn't have the chance to be close."
"No. You didn't give him the chance to be close to you."
"What is this about? Ang akala ko ba, babasahin natin ang diary? Bakit napunta sa akin ang usapan? At bakit kung makapagsalita ka, parang masama akong apo? Ganoon ba ang pagkaka-describe sa akin ni Lolo sa 'yo?"
"Hindi!" mabilis na tugon ni Mikki. "Wala siyang sinabing masama tungkol sa 'yo. Ang sabi lang niya, happy-go-lucky at babaero ka, which is true kaya wala kang dapat ikagalit." Ibinalik niya ang paningin sa diary. "Itinago ko iyon sa lugar na aking pinakamamahal noong ako ay paslit pa," pag-ulit niya sa pangungusap mula roon. "Paslit. Lugar na gusto ng mga bata. Lugar na maraming laruan. Playground." Muli siyang tumingin kay Rafhael. "Ano pa ba ang mga lugar na gusto ng mga bata, particularly boys?"
"Video arcade," sagot ni Rafhael.
Napairap siya. "That was the eighteenth century. Wala pang video games noon."
Tumawa ito. "I pity those who lived during that era. May mga nightclubs na kaya noon? Discos? Strippers?"
Pinandilatan niya ito. "Can you be serious?"
Itinaas nito ang mga kamay bilang pagsuko.
"Playground lang ang place na gusto ng mga bata sa panahong 'yon. 'Yong may duyan, seesaw, slides..."
"Saan kaya ang playground dito?" tanong nito. "O dating playground? One hundred plus years na ang nakalipas. Puwedeng hindi na playground 'yon. Puwedeng pinagtayuan na 'yon ng bahay o naging pananiman or whatever."
"Sa tingin mo ba, dito rin sa Naga niya ibinaon ang kayamanan?"
"There's a huge possibility. Napakabigat siguro ng isang baul ng gold bars at precious gems na iyon para i-transport niya."
"Sa pagkakaalam ko, napakayaman ng pamilya Archanghel noong henerasyon ni Don Jose. Mayroong sariling barko ang pamilya."
"Paano mo nalaman na may barko sila?"
"Nabanggit ni Don Tiburcio."
"So, you mean, puwedeng isinakay niya sa barko ang mga baul at dinala sa ibang probinsiya?"
"Ikaw, kung magtatago ka ng ganito kalaking kayamanan, saan mo itatago?" tanong niya.
"Sa malayo, para sigurado akong hindi nila maiisip kung nasaan. Sa dami ng lugar sa Pilipinas, malalaman pa ba nila kung nasaan 'yon?"
"Exactly. Ganoon din ang gagawin ko. Sabi nga rito ni Don Jose, itinago raw niya ang kayamanan sa isang lugar na hindi matutunton ng isip. Kung ang isip nga ay hindi matutunton, ng paa pa kaya? So, I think, sa malayo niya ibinaon ito."
"So, sa isang playground sa ibang probinsiya, ganoon ba?"
Ibinalik niya ang paningin sa diary. "Pero ang sabi rito... 'Isang lugar na hindi kayang pagtagalan ng kahit sino man.' It was a contradicting statement to the first. Could it really be a playground? Sa pagkakaalam ko, walang kapaguran sa paglalaro ang mga bata. They could play all day. So, how come hindi raw kayang pagtagalan ang lugar na ito? Mukhang hindi yata playground iyon. Baka naman paborito lang talaga niya ang lugar na iyon noong bata siya, but it's not necessarily a place that's exclusively for children."
Umaktong nag-iisip ito. "I think I know where could possibly that is."
"Where?"
"Underwater."
Napatitig siya rito.
"Nobody could stay underwater for too long. I wouldn't want to stay underwater because I'd die if I did. There's no way anyone could stay underwater kahit pa may underwater breathing apparatus. Mauubos din ang oxygen n'on," patuloy nito.
"That makes sense." Tumango-tango siya. "Right. Puwedeng noong bata pa si Don Jose ay mahilig siyang sumisid sa dagat kaya sinabi niya na pinakamamahal niya ang lugar na iyon. At hindi nga madaling matunton ng isip ang ilalim ng tubig. Not everyone could easily suspect a treasure chest that was intentionally buried underwater. Shipwreck lang ang madalas na rason kung bakit may nakabaong kayamanan sa ilalim ng dagat. Posibleng sa ilalim nga ng tubig ang tinutukoy ni Don Jose."
"Pero paano niya naibaon doon ang isang baul ng kayamanan? May underwater breathing apparatus na ba noong eighteen seventy?"
"I think there is. Pero hindi kasing-efficient ng sa ngayon. Babasahin ko pa itong diary. Baka may malaman pa akong ibang clues."
Kinuha nito ang diary. "Wait. There's another clue. 'Ang lugar na naging bahagi rin ng aking unang pag-ibig..."'
She imagined a couple diving in the water together, holding hands. Pagkatapos ay kapwa umahon ang mga ito at nagtagpo ang mga labi. "Puwedeng nakasama niyang sumisid doon dati ang first love niya. Kailangan nating makilala kung sino ang babaeng iyon. Puwedeng ang asawa ni Don Jose iyon o ibang babae. I'm sure nandito siya sa diary na ito. Kailangan nating malaman ang mga espesyal na lugar na pinuntahan nila. Particularly, iyong mga may kaugnayan sa dagat. Doon natin malalaman kung saan natin hahanapin ang kayamanan."
Isinara na ni Mikki ang diary. Tumayo siya pero hinagip ng lalaki ang braso niya. "What?"
"Wala bang midmorning snack? I'm hungry."
She snorted. Binawi niya ang braso mula kay Rafhael. "So this is what our partnership all about, huh?"
"That is your duty as a woman. And besides, hindi natin puwedeng papuntahin dito ang caretaker. Hindi tayo puwedeng magkaroon ng ibang kasama rito dahil baka marinig niya ang conversations natin about the treasure."
"Fine," nakaingos na sabi niya at itinuloy ang paglayo.
BINABASA MO ANG
Treasure In Your Heart - (COMPLETED)
RomanceMikki loved adventures. Nasubukan na yata niya ang lahat ng klase niyon. Isa na lang ang hindi pa niya nagagawa-treasure hunting. Kaya nang sabihin sa kanya ni Don Tiburcio Archanghel ang tungkol sa kayamanang ibinaon ng great-grandfather nito sa is...