SAGLIT na napapikit si Mikki nang maramdaman ang paghampas ng malamig na hangin sa kanyang mukha. Mula sa deck ng yate na kinalululanan ay tinanaw niya ang madilim na karagatan. Siguro ay madaling-araw na sila makakarating sa Isla Holares sa Guimaras Island.
Iyon ang pangalan ng islang nabasa niya sa diary ni Don Jose kung saan nito dinala si Aurora. Isa raw iyong private islet na pag-aari ng ama ni Don Jose noon. Nagbaka-sakali si Rafhael na baka nasa pag-aari pa rin ng angkan ng Archanghel ang isla kaya nagtanong ito ng tungkol doon kay Attorney Silvestre. Nalaman nilang nasa mga Archanghel pa rin ang isla. Ipinamana iyon ni Don Tiburcio kay Ted.
Ayon kay Attorney Silvestre ay parang walang interes si Ted sa islang iyon. Nalaman din nilang walang nagbabantay roon. Hindi na nag-abalang magpaalam si Rafhael sa pinsan. Tutal ay magkamag-anak naman daw ang mga ito kaya alam daw nitong hindi magagalit ang pinsan kung sakaling malaman na nagpunta sila roon. Nagpasya itong tunguhin nila iyon. Hiniram nito sa ina ang pag-aaring yate ng pamilya at naglayag sila patungo sa Guimaras. Marunong ang lalaki na magpatakbo niyon dahil madalas daw itong maglayag. Nagbaon sila ng maraming pagkain, galon-galong purified water, damit at iba pang mga pangangailangan. Siyempre ay mayroon din silang bitbit na mga gagamitin nila sa kanilang treasure hunting gaya ng metal detectors, underwater breathing apparatus, diving gears, underwater flashlights at iba pa. Napagpasyahan na nilang tumungo roon kahit hindi pa niya tapos i-gather ang lahat ng clues.
Sa kapal ng diary ay hindi pa tapos basahin ni Mikki iyon. Pero marami na siyang nabasa at natuklasan doon tungkol sa unang pag-ibig ni Don Jose. Para siyang nanonood ng romantic movie habang binabasa iyon. Aminado siya na may mga sandaling kinilig siya habang binabasa iyon. It was amazing how a man had written a journal about his first love. Naramdaman niya ang pagmamahal ni Don Jose kay Aurora kahit langit at lupa ang pagitan ng mga ito. Napakasuwerte ni Aurora dahil minahal ito ni Don Jose nang totoo.
But obviously, hindi nagkatuluyan ang dalawa dahil ang pangalan ng napangasawa ng don ay Criselda. She wondered why. Puwede niyang laktawan ang mga pahina at hanapin ang page kung saan nakasulat kung bakit nagkahiwalay ang mga ito. But she wanted suspense. Itutuloy niya ang pagbabasa habang naroon sila ni Rafhael sa isla.
Ipinagluto ako ni Aurora ng paborito kong ulam at sabay naming kinain iyon sa aming lihim na tagpuan. Napakabait talaga ng mahal ko. Damang-dama ko ang kanyang pag-aaruga. Bawat araw na lumilipas sa piling ni Aurora ay tila langit. Marami na akong babaeng nakasama pero sa kanya lang ako nakadama ng ganito kasidhing damdamin. Sa aking pakiramdam ay siya na ang gusto kong makasama sa habang-buhay...
Pumikit si Mikki at ngumiti. It was true that she was a tough girl. But she had a soft heart. Nangangarap din siya na isa sa mga araw na iyon ay magmamahal siya, na may isang lalaking magmamahal sa kanya nang tapat. Iyong hindi siya paglalaruan at sasaktan. Iyong hindi siya iiwan para sa ibang babae. Iyong gugustuhin siyang makasama habang-buhay.
"Happy thoughts?"
Napadilat siya at napabaling sa kanyang tabi. Naroon si Rafhael na bahagyang nakangiti. What a mock na ang mukha nito ang nakita niya habang pinapangarap ang lalaking magmamahal sa kanya nang totoo. Para siyang inasar ng pagkakataon. Kunsabagay ay wala namang ibang mukha sa yateng iyon. Silang dalawa lang ang lulan niyon.
"Bakit nandito ka? Hindi ba dapat nandoon ka sa loob at nagpipiloto?"
"Umaandar pa rin ang yate. Deretso lang ang takbo niya sa isang direksiyon. Although I minimized the speed." Nagulat pa siya nang hawakan ng lalaki ang kanyang braso at hilahin siya patungo sa unahan ng yate. "Sa tingin mo ba, tama ang interpretation natin sa mga clues na nakuha natin?" tanong nito nang makarating sila roon.
"Sa totoo lang, hindi ko alam. Pero ganito naman talaga ang pag-solve sa isang misteryo. Gagawa ka ng theories. Susubukan mo ang lahat ng possible angles. Parang sa paglutas ng isang crime scene. Mahirap at mahabang proseso pero kung magtitiyaga ka at gagamitin mo ang isip mo, malulutas mo ang kaso."
"Paano kung wala sa islang 'yon ang kayamanan?"
"Eh, di, magre-reevaluate tayo. Hindi ko pa rin naman tapos basahin ang diary. Puwedeng marami pang clues ang nandoon. Pero sana nasa Isla Holares nga ang hinahanap natin."
"I'm excited."
Hindi napigilan ni Mikki ang mapangiti. "Ako rin. Excited na 'ko. Kahit alam kong mahihirapan tayo sa pagsisid at paghahanap. 'Buti na lang, napakaliit na islet lang 'yon."
"Sana palagi kang nakangiti nang ganyan," anito habang titig na titig sa kanya. "'Cause you know, you look prettier when you smile."
Napalis ang ngiti ni Mikki. Bakit ba kung makatingin si Rafhael ay para siyang isang diyosa? Parang gusto tuloy niyang maniwala na hindi lang ito nambobola. But he was an expert charmer. Sanay na sanay na siguro itong magbitiw ng ganoong mga salita para makuha ang loob ng mga babae. Puwes, hindi siya basta-basta babae. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "I told you to stop flirting with me."
He grinned in amusement. "Totoo ang sinabi ko. Hindi kita binobola."
"Whatever. Go back inside. I'll go back to reading." Iniwan ni Mikki angf lalaki sa deck at pumasok sa cabin niya. Doon ay ipinagpatuloy niya ang pagbabasa. Sa gitna ng pagbabasa niya ay napatingin siya sa salamin na nakadikit sa wall ng cabin. Itinaas niya ang sulok ng mga labi niya at pinagmasdan ang sarili.
"Sana palagi kang nakangiti nang ganyan. 'Cause you know, you look even prettier when you smile."
Naalala niya ang ilang kataga sa diary ni Don Jose. Sa paningin ko ay napakaganda niya. Pagkatamis-tamis ng kanyang mga ngiti...
She rolled her eyes and shook her head when she realized what she was doing. Surely, hindi magkapareho ang intensiyon at sinseridad ng dalawa. Nagpadala ba siya sa pambobola ng lalaking iyon?
BINABASA MO ANG
Treasure In Your Heart - (COMPLETED)
RomanceMikki loved adventures. Nasubukan na yata niya ang lahat ng klase niyon. Isa na lang ang hindi pa niya nagagawa-treasure hunting. Kaya nang sabihin sa kanya ni Don Tiburcio Archanghel ang tungkol sa kayamanang ibinaon ng great-grandfather nito sa is...