Part 19

4.3K 140 2
                                    

PINUNASAN ni Mikki ang kanyang mga luha. Napatakan pa niyon ang diary na binabasa niya sa loob ng kanyang cabin. Hindi niya akalaing maaapektuhan siya nang ganoon sa nalamang dahilan ng pagkakalayo nina Don Jose at Aurora.

Isang gabi ay nagkaroon ng pagtitipon sa mansiyon ng mga Archanghel. Dumalo si Criselda sa kasayahang iyon, isang dating nakaugnayan ni Don Jose na anak ng gobernador. Ang babaeng iyon ang gusto ng ama nitong ipakasal sa anak. Hindi nito alam kung gaano karami ang nainom nang gabing iyon upang magising na lang sa umaga na katabi na nito si Criselda sa kama at kapwa walang saplot ang mga ito.

Tuwing umaga ay lihim na pumapasok si Aurora sa silid nito upang gisingin ito sa pamamagitan ng isang halik pero hindi nag-iisa sa kama ang kasintahan nang mabungaran nito nang araw na iyon. Dahil sa insidenteng iyon ay pinilit ng ama si Don Jose na pakasalan si Criselda, kung hindi ay itatakwil ito. Maging ang gobernador ay tinakot din ang don upang pakasalan ang anak nito.

Sa nangyari ay labis na nagdusa si Aurora. Nagtangka itong magpakamatay. Nakita ito ni Don Jose na may laslas sa pulso sa basement ng mansiyon. Sa awa ng Diyos ay nailigtas ang buhay nito pero nang balikan ni Don Jose si Aurora sa ospital ay wala na ang dalaga. Hindi na ito nagpakita mula noon. Labis na nasaktan ang don sa ginawang paglayo ni Aurora.

Ang plano ko ay lalayo kami na magkasama upang maiwasan ko ang kasal na iyon. Mamumuhay kami sa isang malayong lugar kung saan walang hahadlang sa pagmamahalan namin. Handa akong tanggapin ang pagtatakwil sa akin ng aking ama. Wala akong pakialam kahit hindi niya ako pamanahan. Handa akong talikuran ang lahat para sa kanya. Pero iniwan niya ako. Hindi siya nagtiwala sa akin. Hindi niya pinagkatiwalaan ang pag-ibig ko...

Nakakalungkot na doon lang nagtapos ang lahat ng masasayang pinagsamahan ng mga ito. Ayon kay Don Tiburcio ay wala nang naging ibang asawa si Don Jose bukod kay Criselda. Ibig sabihin ay hindi na naging masaya ang buhay-pag-ibig ni Don Jose. Si Aurora kaya? Ano kaya ang nangyari dito pagkatapos nitong iwan si Don Jose nang walang paalam? Umibig kaya itong muli o tulad ng dating kasintahan ay hindi rin ito naging masaya pagkatapos mahiwalay sa minamahal?

Napagpasyahan ni Mikki na lumabas ng cabin upang lumanghap ng sariwang hangin bago matulog. Natagpuan niya si Rafhael sa deck na umiinom ng beer. Nagtago siya upang hindi makita nito. Pagkatapos ng nangyari sa dagat ay binigyan na niya ng limitasyon ang pakikipaglapit dito. Gaano man niya kagusto na palaging nasa tabi nito ay hindi puwede. Hindi dapat lumampas sa pagiging partners ang relasyon nila. Kailangan niyang kalimutan kung anuman ang nararamdaman niya para dito. Masasaktan lang siya kung hindi niya pipigilin ang nararamdaman.

Ayaw niyang masaktan. Ipinangako niya sa sarili na hindi siya matutulad sa kanyang ina. Sisiguruhin niyang hindi siya iibig sa maling lalaki. Obviously, Rafhael was not the man for her.

Gayunpaman ay nakikipag-usap pa rin siya rito. Hindi na nga lang katulad ng dati na halos gabi-gabi ay magkatabi at nagkukuwentuhan sila.

"Hindi ako nagagalit sa ginawa mo. Pero gusto kong kalimutan na lang natin iyon. We're here to find the treasure. Let's just focus on that." Iyon ang sinabi niya rito nang subukan siyang kausapin nito tungkol sa nangyari sa kanila. She was not game for a getaway romance or a whirlwind affair. Mukhang naintindihan naman nito ang gusto niyang mangyari kaya dumistansiya na rin ito.

Sinilip niya ito mula sa kinaroroonan niya. Panay-panay ang paglagok nito ng alak. He looked so sad. Kahit nandoon lang ito ay na-miss niya ito. Gusto niyang makausap uli ito, makabiruan at makatawanan.

Namalayan na lang niyang papalapit na siya sa kinaroroonan nito. Mukhang lasing na ito. Nag-alala siya na baka dahil sa kalasingan ay kung ano pa ang magawa nito. Baka tumalon uli ito sa dagat at totoong mapahamak ito.

"Mikki," anito nang makita siya.

"I think you're drunk. Pumasok ka na sa cabin mo. Matulog ka na."

"Matutulog na ako, in a short while." Tinapik nito ang katabing bench. "Sit and join me."

"No. Matutulog na 'ko."

"Please? Kahit hindi mo 'ko kausapin. Just stay here beside me, kahit sandali lang." He sounded as if begging.

Umupo siya sa tabi nito. Hindi siya sumandal sa likod ng upuan dahil wala siyang balak magtagal.

Nagbukas pa ng isang lata ng beer ang lalaki at inialok sa kanya. "Beer?"

Ilang segundo rin niyang tinitigan iyon bago niya tinanggap. Siguro nga ay kailangan ni Mikki iyon para pagaanin ang kanyang dibdib. Hindi niya alam kung bakit siya nasasaktan. Siguro ay dahil hindi nakakatuwa ang biro ng tadhana. Who would have thought that she would fall for Rafhael? Kung ano pa ang klase ng lalaking dapat niyang iwasan ay doon pa siya na-in love.

Tinungga niya ang beer. Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niyang nakabaling ito sa kanya. Itinutok niya ang paningin sa malayong kadiliman. Panay lang ang pag-inom niya ng alak. Ilang beses niyang narinig ang pagbuntong-hininga nito.

"I've never felt this frustrated before," mayamaya ay wika ni Rafhael.

"It's okay. Mahahanap din natin ang kayamanang iyon. We just have to be a little more patient," aniya sa pag-aakalang ang tungkol sa paghahanap nila sa kayamanan ang dahilan ng frustration nito.

"Don't you feel anything about me?"

Nabitin ang pag-inom ni Mikki, saka napabaling dito.

Mababakas ang hinanakit sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya. "Am I really not your type?"

"Rafhael..."

"Hindi mo ba nararamdaman na gusto kita?"

Ramdam niya iyon. The problem was he only liked her. Period. He could not feel anything deeper than the word "like" or "want." Kung papayag siyang makipagrelasyon dito, alam niyang relasyong pangkama lang ang mapapala niya rito. She heard no future wedding bells with him.

"Lasing ka na, Rafhael. Mabuti pa, matulog ka na." Sinubukan niyang tumayo pero hinagip nito ang braso niya. Umisod pa ito nang husto sa kanya.

"I like you so much, Mikki. So much that I'm going crazy."

Maybe that was what not getting sex for almost a month had done to him.

"You are indeed crazy. Matulog ka na at bukas, wala na 'yan."

Nabigla si Mikki nang kabigin siya ni Rafhael at yakapin nang mahigpit. Hindi niya sinubukang kumawala dahil gusto rin niya iyon. Gusto niyang maramdaman ang yakap nito. Ilang segundo ring nanatili siya sa loob ng mga bisig nito. Bahagyang lumayo ito, hinawakan ang kanyang mukha at tinitigan siya sa mga mata. Sana ay hindi nito makita ang paghihirap niya sa pagpipigil niya sa tunay na damdamin.

Bago pa siya makaiwas ay nahuli na ni Rafhael ang mga labi niya. His kiss was so passionate. It was hungry and needy. Dapat ay itulak niya ito pero hindi niya ginawa. Bagkus ay ginantihan niya ang halik nito. He groaned and kissed her recklessly. Napasadlak ang likod niya sa sandalan ng upuan. Nagpatuloy ito sa paghalik sa kanya. Namalayan na lang niyang hinahaplos niya ang buhok nito. She gasped when she felt his warm lips on her neck.

"Ah, Mikki... I love you, baby."

Bigla siyang napadilat sa sinabi ni Rafhael. Did he just say he loved her? Bahagyang inilayo niya ang sarili rito. "Ano'ng sinabi mo?"

"I love you."

Her teeth clenched. Itinuloy ni Mikki ang pagtulak dito, saka tumayo. "Is that how desperate you are to get sex? At kinailangan mo pang gamitin ang salitang 'yan para lang ma-encourage ako na makipag-sex sa 'yo? Bastard!" Tinalikuran niya ito at mabilis na pumasok siya sa loob ng yate.

Umiyak si Mikki nang nasa loob na siya ng kanyang cabin. Napakatanga niya para magpadala sa damdamin niya. Kung hindi pa siya natauhan sa sinabing kasinungalingan ni Rafhael ay baka nagtagumpay ito na magamit siya. 

Treasure In Your Heart - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon