Part 17

4.1K 147 2
                                    


LUMIPAS ang tatlong araw. Hindi pa rin pinapansin ni Mikki si Rafhael. Sa kabila ng paghingi nito ng paumanhin ay nanatiling matigas siya. He almost scared her to death that night. Hindi siya makapaniwala na natakot at nag-alala siya nang ganoon para sa isang lalaking kasinsama nito.

And he kissed her for fun as well. Ito pa lang ang tanging lalaking nakahalik sa kanya. And damn her because she was affected by the kiss. Hindi niya matanggap sa sarili na may kakaibang epekto sa kanya ang halik nito.

Nagpatuloy ang pagsisid nila sa ilalim ng tubig kahit may alitan sila. Parati niyang nakikitang nakatitig lang si Rafhael sa kanya. His signature smart-ass smile was gone. He even looked sad most of the times. Every time their eyes met, she saw regrets in his eyes. Mukhang pinagsisisihan na talaga nito ang ginawa sa kanya. Sa ikalimang araw na hindi niya pagpansin sa lalaki ay naramdaman niya ang paglambot ng puso niya para dito. Gusto na niyang patawarin si Rafhael. Mahirap din kasi na hindi sila mag-usap gayong magkatulong sila sa paghahanap ng treasure chest. Kaya lang ay hindi niya alam kung paano sasabihin dito na napatawad na niya ito.

On the sixth day ay nasorpresa si Mikki sa paggising kinaumagahan. Nadatnan niya sa mesa sa dining area ng yate ang tatlong sausages, dalawang ham, isang itlog at fried rice na nakahain doon. May isang piraso ng hindi niya kilalang bulaklak at isang note pa roon.

Sorry. Iyon lang ang nakasulat sa note.

Hindi niya inaasahan ang ngiting sumilay sa mga labi niya. Gumising pa si Rafhael nang maaga para lang maipagluto siya ng almusal? Tinitigan niya ang dilaw na bulaklak na siguro ay pinitas pa nito sa looban ng isla.

Pumitas ako ng bulaklak sa kakahuyan at ibinigay ko kay Aurora. Niyakap niya ako at hinagkan. Tuwing binibigyan ko siya ng bulaklak ay ginagawa niya iyon. Kaya sinuyod ko ang kakahuyan para makakita lang ng bulaklak at maialay sa kanya...

Sinuyod din ba ni Rafhael ang kakahuyan para sa kanya?

Nakarinig si Mikki ng pagtikhim mula sa likuran niya. Nakita niya si Rafhael na nakatayo sa entrada ng dining area. He had lost that smug look he used to wear. Mukha itong good boy. Bahagyang ngumiti ang lalaki

"Good morning."

Hindi siya sumagot. Gusto niyang marinig kung paano ipapaliwanag ni Rafhael ang inihanda nito para sa kanya bago siya magpakita ng paglambot sa lalaki.

"I cooked you breakfast. I hope you like it."

Wala pa rin siyang sinabi. Nanatili lang siyang nakatingin dito.

Bumuntong-hininga si Rafhael. "I'm sorry. I'm very sorry. I'd been very naughty. Hindi ko na-realize na makakasakit 'yong ginawa ko. Hindi ko na uulitin 'yon. Please forgive me. Hindi ko na kaya na hindi mo 'ko pinapansin. Pansinin mo na 'ko, please. Kahit sigawan mo 'ko. Kahit sabihin mo maya't maya na hindi mo 'ko type at napakayabang ko. Basta kausapin mo lang ako."

Dama ni Mikki ang sinseridad nito pero gusto pa niyang marinig kung anong pagsusumamo ang sasabihin pa ng lalaki. Nakita niya ang frustration sa mukha nito nang hindi pa rin siya magsalita.

"Punch me. Hurt me. Get back at me. Basta patawarin mo lang ako pagkatapos."

Nilapitan niya si Rafhael at tinitigan. Kasunod niyon ay sinapo nito ang tiyan dahil sinuntok niya ito roon. She smiled. "You're forgiven." Bumalik na siya sa mesa at umupo.

Sa kabila ng pagngiwi sa sakit ay ngumiti ito. "Thanks."

"Thanks for the flower, by the way." Sinamyo niya ang bulaklak bago nagsimula sa pagkain. Funny, she did not like flowers like most girls. Pero gusto niya ang bulaklak na iyon at ang thought na ibinigay iyon ni Rafhael sa kanya. 

Treasure In Your Heart - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon