Part 20

4K 127 4
                                    


NA-REALIZE din ni Mikki na mali ang ginawa niyang pagpaparatang kay Rafhael tungkol sa pagbanggit nito ng salitang pag-ibig para lang makumbinsi siya na makipagniig dito. He was drunk. Hindi alam ng lalaki ang mga sinasabi nang nagdaang gabi. Baka hindi rin nito alam ang muntik nang gawin sa kanya.

Nang makasalubong niya ito sa paglabas niya ng banyo nang umagang iyon ay hinarang siya ng lalaki. "Mikki, can we talk?"

"Marami pa tayong gagawin." Sinubukan niyang lagpasan si Rafhael pero hinagip nito ang braso niya.

"About last night..."

"I know. You were very drunk. Hindi mo alam ang mga ginawa at sinabi mo."

"Hindi kita kakausapin tungkol doon ngayon kung hindi ko alam ang mga ginawa ko kagabi."

"If you're about to say sorry, you're forgiven. Okay? Now, let's go to the shore and start our job." Nilakasan ni Mikki ang pagpupumiglas dito kaya nakawala siya. Itinuloy niya ang paglakad pero huminto siya nang marinig ang sinabi ni Rafhael.

"Ganyan ka ba talaga? You are very untrusting. You judge people so easily. Ganoon ba talaga ako kasama para sa 'yo?"

Umiling siya. "Hindi ka masama. You just have needs as a typical male. Ngayon, kung ayaw mong hindi na kita pansinin talaga, 'wag mo nang banggitin ang nangyari kagabi. Magtrabaho na tayo. Iyon ang pakay natin sa lugar na ito at hindi ang kung anupaman. Maliwanag ba?"

"Don't you want to hear what I'm about to say?"

"No." Dahil baka sa sasabihin mo, umasa ang puso ko. At sa huli, masaktan lang ako.

He saw hurt pass across his eyes. Ipinagpatuloy niya ang paglayo.


UPANG ilayo ang isip kay Rafhael ay minabuti na lang ni Mikki na basahin ang mga pahina sa diary na hindi niya gaanong napag-ukulan ng pansin dahil sa pagka-curious sa love story nina Don Jose at Aurora. Iyon ang parteng malapit na sa bandang dulo ng diary.

She skimmed through the pages. Napahinto siya nang mabasa ang salitang kayamanan. The entry was dated eight months after the date when Don Jose buried a chest of treasure somewhere.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin tumitigil sa pagpapaimbestiga sa akin ang aking madrasta tungkol sa kinuha kong kayamanan. Naniniwala talaga siya na ako ang kumuha niyon. Samantala, si Papa ay tila wala nang pakialam sa pagkawala niyon. May hinuha akong alam niyang ako nga ang kumuha niyon. Kaya siguro pinabayaan na lang niya ang kaso tungkol sa nawawalang kayamanan ay dahil alam niyang sa akin din naman mapupunta iyon balang-araw. Naroon pa rin ang baul ng kayamanan sa ilalim ng...

Kaagad niyang inilipat ang paningin sa sumunod na pahina. At ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang makitang hindi ang pahinang iyon ang karugtong ng entry na binabasa niya. She slipped her finger inside the middle of the pages. May nakapa siyang pinagpilasan.

The next page was torn!

Mabilis na pinagbubuklat ni Mikki ang diary, nagbaka-sakali siyang may nakaipit na isang pilas doon o sa ibang pahina na isinulat ng don ang karugtong ng entry na iyon pero wala siyang nakita. Baka naiwan ang pilas na iyon sa baul na pinagkuhanan niya ng diary o sa ibang parte ng basement. And in that case, kailangan nilang bumalik sa mansiyon.

Treasure In Your Heart - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon