NAPAUBO si Rafhael sa alikabok na umalimpuyo nang buksan niya ang isang baul na natagpuan niya sa basement ng mansiyon. Nawala ang pananabik niya nang mabungaran ang laman niyon. Pulos mga libro lang ang mga naroon.
Gusto niyang pagtawanan ang sarili. Bakit ba kasi iniisip niyang may makikita siyang kayamanan sa bahay na iyon? Ganoon ba siya kadesperado para magkapera nang malaki o sadya lang malikot ang isip niya?
Nang nagdaang araw, pagkaalis ng abogado, ay sinimulan kaagad niya ang paghalughog sa mansiyon. Maraming antigong bagay siyang natagpuan na maaari niyang ibenta. But he wanted more, kaya naman sa ikalawang araw niya sa bahay na iyon ay pinuntahan naman niya ang basement. Baka kasi may makita siyang interesanteng bagay roon.
Tinitigan ni Rafhael ang nakabukas na baul. Puro libro kaya ang laman niyon? Baka naman mayroong nakatago sa ilalim niyon? Dinampot niya ang isa sa mga lumang libro. Underground Castle. The title was interesting. Hindi na niya itinuloy ang pagbuklat ng libro nang makarinig siya ng kaluskos. Nang luminaw sa pandinig niya ay naging mga yabag at papalapit iyon sa gawi niya.
May multo ba sa bahay na iyon? A ghost in broad daylight? Kung nang nagdaang gabi ay wala naman siyang naramdamang kakaiba, bakit sa ganoong oras ng araw pa?
Hindi siya kumilos sa kinatatayuan niya. Naha-harangan siya ng malalaking kahon na magkakapatong. Sisilipin sana niya ang pinanggalingan ng mga yabag nang bigla ay may isang taong lumitaw sa harap niya. Kapwa pa sila nagulat nang makita ang isa't isa. Nabitiwan niya ang hawak na libro.
"Shit!" bulalas niya.
Nanlaki ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya.
BINABASA MO ANG
Treasure In Your Heart - (COMPLETED)
RomantizmMikki loved adventures. Nasubukan na yata niya ang lahat ng klase niyon. Isa na lang ang hindi pa niya nagagawa-treasure hunting. Kaya nang sabihin sa kanya ni Don Tiburcio Archanghel ang tungkol sa kayamanang ibinaon ng great-grandfather nito sa is...