"ANO'NG gagawin mo sa pera kung sakaling makita natin ang kayamanan?"
Mula sa pagkakatitig sa bonfire ay tumingin si Mikki kay Rafhael. Umakto siyang nag-iisip. "Well, babayaran ko ang lahat ng utang namin. Bibili ako ng bahay. Bibilhan ko ng bagong wheelchair ang lola ko. Reregaluhan ko ng bagong kotse ang mommy ko. Ipaparanas ko uli sa kanya 'yong maginhawang buhay na nawala sa amin nang iwan kami ng daddy ko para sa ibang babae."
Bumuntong-hininga siya. She wondered what made her say that. Hindi siya ang tipo na mahilig magkuwento sa ibang tao tungkol sa personal niyang buhay, lalo na ang tungkol sa hindi magandang kinasapitan ng pamilya niya. Siguro ay iyon ang naging epekto ng pakikipaglapit niya kay Rafhael nitong mga nagdaang araw. Mula nang magkaayos sila ay hindi na sila nag-away pa o kahit nag-asaran man lang. Nagkukulitan sila pero dala lang iyon ng biruan. Natutuwa siya sa naging pagbabago ng turingan nila ni Rafhael.
"I'm sorry to hear that."
"I'm over it. Wala na rin ang daddy ko. Napatawad ko na siya sa ginawa niyang pananakit sa mommy ko at pagpapabaya sa akin."
Hindi na nagsalita si Rafhael. Tumingin ito sa madilim na karagatan. Parang bigla itong nalungkot. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng lalaki. Hindi siya sanay na ganoon ang hitsura nito dahil parati itong nakangiti.
"What's wrong?" hindi nakatiis na tanong niya. "Nawawalan ka na ba ng pag-asa na makikita natin ang kayamanan?"
"Hindi. Naalala ko lang ang parents ko."
"Do you miss them?"
Bumuntong-hininga uli ito. "Now that you mentioned it. I realized, yes, I missed them."
"Pero almost three weeks mo pa lang silang hindi nakikita."
"I always travel. Parati ko silang iniiwan. Nakakaya kong hindi makipag-communicate sa kanila nang kalahating taon. I'm an asshole. It's just now that I realized how lucky I am to have parents like them. But I don't deserve them. Masyado akong maraming sakit ng ulo na ibinigay sa kanila."
Hinawakan ni Mikki sa balikat ang lalaki. "It's not too late, you know. You can make it up to them. Humingi ka ng tawad sa kanila at 'wag ka nang maging pasaway."
Ngumiti si Rafhael sa kanya. Ginantihan din niya ang ngiti nito.
"Sana matagal pa bago natin makita ang kayamanang 'yon."
"What are you talking about? Sira-ulo ka ba? Gusto mong mahirapan pa tayo?"
"I just want to stay with you a little longer," sabi ni Rafhael habang titig na titig sa mga mata niya.
Hindi magawang bawiin ni Mikki ang tingin dito. She must be nuts. Pero parang ganoon din ang gusto niyang mangyari. Kapag nahanap na kasi nila ang kayamanan ay maghihiwalay na sila ng landas. Baka hindi na niya makita pa si Rafhael. Pero bakit kailangan niyang mangamba sa pagdating ng araw na hindi na niya makakasama pa ang lalaki? Something was wrong with her.
Saka lang siya nag-iwas ng tingin. Hindi niya gusto ang naisip na dahilan kung bakit nagbago ang tingin niya sa lalaki. Kung bakit wala na siyang makapang kahit kaunting inis dito. Kung bakit tuwing nakakausap at nakakatabi niya ito ay masaya siya.
Kailangang mahanap na nila ang kayamanang iyon dahil manganganib nang husto ang puso niya kung mananatili silang magkasama ni Rafhael.
BINABASA MO ANG
Treasure In Your Heart - (COMPLETED)
RomanceMikki loved adventures. Nasubukan na yata niya ang lahat ng klase niyon. Isa na lang ang hindi pa niya nagagawa-treasure hunting. Kaya nang sabihin sa kanya ni Don Tiburcio Archanghel ang tungkol sa kayamanang ibinaon ng great-grandfather nito sa is...