MALUNGKOT na bumuntong-hininga si Mikki habang nakatanaw sa Isla Holares. Lulan siya ng isang pump boat na inupahan niya sa pinakamalapit na seaport sa islang iyon. Marunong siyang magpatakbo niyon kaya hindi na niya kinailangan pa ng driver. Habang papalapit siya nang papalapit sa islang iyon ay lalo siyang nakadarama ng lungkot.
Naalala niya ang masasayang araw nila ni Rafhael sa lugar na iyon. Bumalik siya roon dahil gusto niyang alalahanin ang mga iyon dahil puwedeng wala nang pag-asang madugtungan pa ang mga iyon.
Nang ma-realize ni Mikki ang mga bagay-bagay tungkol sa sarili at sa nadarama niya para kay Rafhael ay kaagad niyang tinawagan ito sa contact number na ibinigay nito sa kanya. Pero out of reach ang cell phone nito. Nagbaka-sakali siyang puntahan ang ancestral house sa pag-asang naroon ito pero wala siyang nadatnan doon. Sinubukan niyang hanapin ang bahay ng mga magulang nito upang hanapin ang lalaki roon pero ang sabi ng ina nito ay isang linggo nang hindi umuuwi ito at hindi alam ng mga ito kung nasaan na naman ang binata.
Ang akala nga raw nito ay nagbago na si Rafhael. Mula raw nang bumalik si Rafhael ay pinagtakhan ng mga magulang nito ang pagiging sweet at maalalahanin ng anak. Hindi raw ito masyadong naging malapit sa mga magulang dahil nagkaroon ito ng ibang mga hilig sa buhay tulad ng traveling at pagsubok sa iba't ibang adventures.
Natuwa ang mga magulang ni Rafhael sa pagbabago nito. Pero pagkalipas ng halos dalawang buwan ay bumalik daw ito sa dati. Umalis ang lalaki nang hindi sinasabi kung saan pupunta. Gayunpaman ay nagpaalam naman daw ito na aalis. Kaya lang ay hindi pa rin daw tumatawag si Rafhael at out of reach ang cell phone nito.
Puwede daw na hindi na naman sila kontakin nito nang kalahating taon. Nag-alala siya sa puntong iyon. Marami ang puwedeng mangyari sa kalahating taon. Puwedeng magbago na ang nararamdaman ni Rafhael para sa kanya. Puwedeng makalimutan na siya nito. Puwedeng makahanap na ito ng ibang mamahalin.
Dapat ay wala siyang panghinayangan. Dahil kung mangyayari man iyon, ibig sabihin ay hindi talaga siya mahal nito. Isang ilusyon lang talaga ang sinabi nitong damdamin para sa kanya. Pero naisip ni Mikki, ano kaya kung tinanggap niya ito two months ago? Nakasama sana niya ito at naipadama niya rito ang pagmamahal niya. Siguro ay hindi ito lalayo. May posibilidad na hindi magbago ang damdamin nito. Paano kung nakatakda palang maging panghabang-buhay ang pagsasama nila kung tinanggap niya ito?
But she blew her chance at being with the person she loved. Natakot siya. Hindi siya nagtiwala sa taong mahal niya. Masyado siyang naging mapanghusga. In the end, siya rin ang nagdusa. She was brokenhearted. Funny how she became one gayong ni hindi pa siya pumapasok sa isang relasyon. Naisip niyang tama ang kasabihang mas mainam nang mabigo sa pag-ibig kaysa ang hindi maranasan kung paano ang umibig. Hindi niya binigyan ang sarili niya ng pagkakataon na makasama ang taong mahal niya at harapin ang buhay na kasama ito. Hindi niya binigyan ng pagkakataon ang sariling magmahal at mahalin dahil sa takot na masaktan siya. In the end, nasaktan din siya.
Nang mahila niya paitaas sa dalampasigan ang pump boat ay iniwan niya iyon at naglakad siya sa buhanginan. Nasaan na kaya si Rafhael? He told her he would wait for her. The fact that she could not contact him, baka ibig sabihin niyon ay huli na siya. Baka nainip na ito. Baka kinalimutan na siya nito dahil naisip nito na wala na itong mapapala sa paghihintay sa kanya.
Marami sana siyang gustong sabihin dito. Gusto niyang sabihin dito ang tungkol sa mga natuklasan niya sa mga pagkatao nila. She was a descendant of Aurora. He was a descendant of Don Jose. It was strange how their paths had crossed like that. Naisip niyang puwedeng naulit sa kanila ang nasirang pag-ibig nina Don Jose at Aurora noon. Naulit din yata ang pagkasira niyon nang dahil sa kanya.
BINABASA MO ANG
Treasure In Your Heart - (COMPLETED)
RomanceMikki loved adventures. Nasubukan na yata niya ang lahat ng klase niyon. Isa na lang ang hindi pa niya nagagawa-treasure hunting. Kaya nang sabihin sa kanya ni Don Tiburcio Archanghel ang tungkol sa kayamanang ibinaon ng great-grandfather nito sa is...