Chapter 3
Room
"You will seriously go and apply for a job looking like that?" Lorienne asked me with her elevator eyes.
I rolled my eyes at her. Ayan nanaman si kontra!
And yes, Auntie Mariel finally! As in finally agreed to what I want which is mag trabaho. I miss working.. I miss working but not doon sa dating company na pinagtatrabahuhan ko and I don't miss my bruhang manager. Siguro ay tuwang tuwa pa yun nung nalaman na nagresign ako gusto niya kasing ipasok ang pamangkin niya pero wala ng bakante kaya 'di niya maipasok sa kompanya kaya ako ang napagdiskitahan gusto kasi ata ng pamangkin niya 'yung pwesto ko doon. Ayan na saksak niya sa ngala-ngala nila!
"Why? What's wrong with my clothes?" tinignan ko ang damit na suot ko. I am wearing a Chiffon v-neck long sleeve solid asymmetrical hem bottom shirts na hanggang mid thighs ko and a black skinny dress pants paired with a black sandals with a one inch pointed heels. I faced the mirror and started tying my hair.
"Damn! There's nothing wrong with your clothes..medyo? But Shez, you're going to apply in one of the highest company dito sa Pilipinas baka lang naman nakakalimutan mo at ipapaalala ko sayo!" she widened her eyes and I almost laugh. Mukha siyang owla!
"And?" I said while still tying my hair. Ang haba na ng buhok ko at nasa bewang ko na ang haba. I need a haircut I think.
"Anong and? And? Look at your face it's too plain! Why don't you put any make up like lipstick or blush on?" tinuro pa niya ang mukha ko.
"Do I need those when applying for a job?" I innocently asked her because the last time I applied I only used powder but I got the Job. Pero siguro nga kailangan talaga magayos Mabuti dahil malaking kompanya ang aaplyan ko.
Bigla nanaman siyang umirap sa akin. Tusukin ko mata nito eh!
"I get it na you have a pinkish lips and a natural rosy cheeks but still you need make up para man lang masabi nilang pinaghandaan mo 'to! Your freckles are showing, though I like that but still you look to plain para sa pag aaply ng trabaho." Mahabang litanya niya. Hindi ko alam kung pinupuri niya ako or ano.
Natapos kami ilang minuto lamang, nilagyan niya ako ng lipstick na red pero medyo mapink din iyon. Nilugay niya ang mahaba kong buhok pero tinali ko din iyon pag sakay ko sa taxi. Hindi ko kasi madala ang kotse ko dahil coding ako ngayon. Tatanggalin ko nalang ang pagkakapusod ng aking buhok siguro pag nasa company na ako.
"Sa Plexico Company po building 2, manong" sabi ko sa taxi driver. Tumango ang taxi driver sa akin
"Mag aaply ka ineng?" tanong niya at sumulyap sa rear view mirror ng taxi.
"Opo," sagot ko at tinignan ang bag ko kung dala ko ba ang lahat ng kailangan ko.
"Ahh, kung gayon ay bibigyan kita ng Good luck ineng.. balita ko ay mahirap daw makapasok sa kumpanyang iyon," ngumiti pa sa akin si manong. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.
"Talaga ho?"
"Oo. Sa katunayan nga ang anak ko ay hindi natanggap kahit matalino naman ang anak ko," nakita ko ang lungkot sa mata ni manong para bang pangarap din niya sa anak na makapasok siya sa kumpanyang 'yon.
"Baka ho hindi lang talaga para sa anak niyo ang kumpanyang 'yon.. may mas maayos pa na darating sa kaniya." Hindi ko alam paano icocomfort si manong kung ako mismo takot na baka hindi matanggap sa kumpanyang 'to. Gusto ko sanang magtrabaho kila auntie para man lang makabawi sa mga naitulong nila sa akin pero pinili ko munang 'wag makasama sa trabaho ang anak niya at hindi pa kami maayos na dalawa kaya mag aaply muna ako sa iba. Pinayagan naman ako ni auntie sa desisyon ko at kung gusto ko daw pumunta sa kompanya niya ay welcome na welcome daw ako.
YOU ARE READING
Battery of Life
Romance[SPG] Depressed people deserve to be loved too. This is a story of a girl suffering from clinical depression but find ways to help herself get better by attending clinical intervention and the help of other people who can understand her. This is a...