Chapter 10
Texts
Hindi ko alam na nakaidlip pala ako. Tinignan ko ang cellphone ko at may Nakita akong isang text message galing sa unkown number.
Unknown number:
Are you okay?
Hindi ko nireplyan dahil hindi ko naman kilala kung sino iyon. Tinignan ko ang oras at nakitang 10:00 PM na pala. Dahil hindi na ako inaantok bumaba ulit ako ng hotel at pupunta sana ng restaurant para umorder ng smoothie nang makasalubong ko si Javier sa tapat ng service counter.
"How are you?" He asked. Nakapagpalit na siya ng damit dahil iba na ito sa suot niya kanina. He's wearing a plain white shirt na hapit sa kaniyang mga braso at khaki shorts. Kahit simpleng suot ay alam mong mataas na uri.
"U-uuhh I'm fine, thanks.." naalala ko na nagkasalubong nga pala kami kanina ng sumakit ang ulo ko. Siguro ay napansin niyang may nararamdaman ako kanina.
Tumango siya at may kinuha sa bulsa "I think this is yours.." it's the keychain! Oh my God! Agad kong hinablot iyon sa kaniya at tinago na sa bulsa ng jacket ko. He chuckled. Nahalata niya siguro na bigla akong nahiya!
"T-thanks.." nautal na sabi ko at halos pabulong pa.
"I was about to give it to you earlier.. but I forgot.." sabi niya ng seryoso. Hindi naman siguro ako mukhang pervert 'no? I just bought this because I want to tease Lorienne but I think the karma is real!
"It's o-okay.. Thanks again," sabi ko at tinuro ang daan papuntang restaurant "Mauna na 'ko." sabi ko.
He smiled and nodded. Nahihiyang umalis ako sa tapat niya.
"Hi ma'am! Nagustuhan niyo po ba 'yung pagkain na dinala sa inyo?" Nasalubong ko ang bellboy na nagdala ng gamit ko kanina. Oo nga pala, bago ako makatulog ay may nagdeliver ng pagkain sa room ko and different kinds of medicines.
"Yes.. pero sure ba kayong saakin 'yon? I didn't order those," takang tanong ko.
"Opo ma'am!" nakangiting sabi niya. "Pinaorder po 'yun ni sir!" sabay turo niya kung saan nakatayo si Trevor. I saw him looking at us nakakunot ang noo. Nagiwas agad ako nang tingin. Is he also the one who texted me?
"Boyfriend niyo ma'am?" Maligalig na tanong niya.
"No!" mabilis na sabi ko. Nagulat ang bellboy sa mabilisan kong sagot at natawa.
"Ganun ba ma'am.. kala ko kayo ang girlfriend kesa dun sa kasama niyang nag punta dito." Is he talking about Monique? So silang dalawa lang ang nagpunta dito?
"Akala ko nga siya 'yung jowa ma'am eh kasi ang sweet noong babae sa kaniya pero magkahiwalay sila ng room nung nag check-in!" Huh? nababasa ba niya ang nasa utak ko. I was about to ask it in myself because I got curious if they share the same room.. pero bakit ako macucurious?
"Ahh ganun ba.. pero hindi din ako ang girlfriend niya." Sabi ko at nagpaalam na.
Dumiretso na ako sa restaurant at umorder ng smoothie. Kahit gabi na ay madami pa ding tao dito sa restaurant nilibot ko ang paningin ko and I saw Monique drinking wine alone at mukhang gigil na nagtatype sa cellphone. Nilalagay ang cellphone sa tainga pero makalipas ang ilang segundo ay gigil na binabagsak ito. Mukhang may tinatawagan at ayaw sumagot.
I suddenly remember the one who texted me. I don't really reply to unknown numbers but this time may naguudyok sa akin na replyan ito.
To Unkown Number:

YOU ARE READING
Battery of Life
Romansa[SPG] Depressed people deserve to be loved too. This is a story of a girl suffering from clinical depression but find ways to help herself get better by attending clinical intervention and the help of other people who can understand her. This is a...