Chapter 8

5 0 0
                                    

Chapter 8

Puno Vergaz 

"Yes, auntie I'm already here." Sabi ko sa telepono at bumaba na sa van. Naginat ako at nilibot ang paningin. This is my hometown dito ako pinanganak pero nang mawala si mommy ay lumipat kami sa probinsya ni dad kung saan siya pinanganak at lumaki. 

"Tell me if you need anything, okay?" 

"Okay po.. Thank you." sabi ko at ibinaba na ang tawag. 

Sa hotel ako pinag stay ni auntie. I have 2 days off kaya dito ako pumunta wala din naman akong magagawa sa Bahay nila auntie. We used to have a mansion here pero isinanla nang magaling kong ama nung lumipat kami sa ibang probinsya. Nang bumalik kami doon ay nagsimula nang magbago si dad. He used to be sweet and caring father pero nang mawala si mommy ay natuto siyang malulong sa bisyo most especially sa sugal na dahilan nang pagkaubos nang lahat ng ari-arian namin. 

"Dad, why are you packing your things?" Hindi ako pinapansin ni dad. Patuloy lang siya sa paghahakot ng mga damit niya at nagmamadali pa. "Dad?" ulit ko at nagpapanic na. I'm only 9 and today is the death anniversary of my mom who passed away because of heart attack. 'Yun ang sinabi sakin ni dad at auntie. I can't really recall what happened pero pag gising ko hinanap ko agad si mommy dahil si auntie ang Nakita ko pagmulat ng mga mata ko. 

Hinawakan ko sa kamay si dad pero hinawi niya iyon. "Stay away from me!" Sigaw niya sa akin at tinulak ako. Napaupo ako sa sahig at di agad nakatayo sa gulat. 

"Kung may taong maghahanap sa akin ibigay mo 'to!" Sabi niya at may hinagis sa aking isang clear envelope. I saw what's inside and it's full of papers.. 

Lumapit ulit ako sa kaniya at niyakap siya. "San ka pupunta dad?" umiiyak na tanong ko. Imbis na sagutin ay tinulak niya ulit ako at dire diretsong naglakad pababa ng hagdan. Humarang ako nang nasa pintuan na "I said go away!" Nagpumilit akong harangan siya pero bigla niya akong sinampal. That was the first time na sinaktan ako ni dad. 

"Ako na po magdadala gamit niyo ma'am" sabi ng bellboy sa hotel. Wala naman akong dalang madaming gamit bukod sa backpack na dala ko kaya hindi na kailangan tulungan pa pero nagpumilit ang bellboy kaya nagpasalamat nalang ako. Hindi ko alam pano niya nalaman ang room number ko pero siya na ang nagbukas ng pinto para saakin. 

"Thanks," sabi ko pagkalapag niya ng mga gamit ko sa loob ng room. 

"Pag may kailangan po kayo dial lang po kayo sa telephone. Enjoy your stay po.." Magalang na sabi niya. 

Namahinga muna ako at umidlip dahil maaga pa. Mamaya ay pupunta ako sa palengke dahil namiss ko na ang market dito! Ang mumura ng mga bilihin at ang daming magagandang damit. Minsan nga ay may Nakita akong damit doon na kamukha ng nasa mall parehas ng ginamit na tela at itsura pero magkalayong magkalayo ang presyo!

Pumunta ako sa kung saan madaming tinda na pang souvenir. I saw keychains ang pambansang souvenir. Nakakita ako ng keychain na ang hugis ay simbolo ng pagkababae. Natawa ako sa naalala 

"Thanks, Shez!" Nakangiti pero hindi abot sa mata ang ngiti ni Lorienne nang inabot ko ang keychain na pasalubong ko galing Palawan. 

"Welcome, Hindi mo ba nagustuhan?" Natatawang tanong ko. 

"Shez! This is very not wholesome!" Pasigaw na sabi niya. Binigyan ko siya ng keychain na medyo nakakagulantang 

"Tayong tayo pa, oh!" sabi niya at nilagay sa bandang puson niya. Tumawa na din siya pagkatapos 

Kinuha ko ang keychain at babayaran na nang may nakita akong lalaking tumatakbo at may hawak na cellphone. Magnanakaw! Iniwan ko nalang ang bayad ko sa ale at hindi na kinuha pa ang sukli. Hinabol ko ang magnanakaw nakaikot na kami sa buong palengke hanggang sa katayan ng mga karne

Battery of LifeWhere stories live. Discover now