[WHP] Play #One

54.4K 505 27
                                    

Author'S Note: This is the Chapter One! HAHA/ Ang hot hot agad neto. Yuhoooo. XD First CHAPTER PALANG BEDSCENE NA! ANG HOT!

-

CHAPTER ONE:

- Marie's POV:

"Jake, pansinin mo naman ako!!!!!!!!!!!!" sigaw ko kay Jake habang hinahabol sya kasama ang mga kabarkada nya. Desperada nako. Lahat gagawin ko para mapansin lang ako ni Jake, kahit na mapahiya pa ko.

Napatigil sya sa paglalakad ganun din ang mga kasama nya.

"Ano bang kailangan mo?!" iritado nyang tanong at tiningnan ako ng masama. 

"Jake.....Mahal kita," diretsahan kong sabi sa kanya at mas kumunot pa yung noo nya kasabay ng tawanan ng mga kasama nya, "Jake, sana mapansin mo ko.." 

"PRE, Baliw na baliw sayo yan. Pansinin mo na kasi. " sabi ng isa nyang kasama.

"Can you please shut up? I dont need your opinion!" singhal sa kanya ni Jake kaya naman lumayo nalang yung kasama nya, 

"Are you that desperate Marie?! Na kahit pagtawanan ka ng mga tao, magpapansin ka ng magpapansin?!" tanong nya sakin.

"Oo Jake, para mapansin mo." mahina kong sagot. 

"Gusto mo talagang mapansin kita?"  sabi ni Jake kasabay ng isang malapad na ngiti. Naging palaisipan sakin ang ngiting yun ni Jake. Anong ibig nyang sabihin?

"Oo." sagot ko, 

"Pwes, susunduin kita mamaya sa inyo, maghanda ka na. I'll pick you up in 6"  nabigla ako sa sinabing yun ni Jake bago sya tuluyang umalis kasama ang mga barkada nya. 

Susunduin nya ko mamaya? Anong ibig sabihin nun? Anong gagawin namin? Date?! 

Ewan ko pero nakaramdama ako ng saya dahil sa sinabing yun ni Jake, Sa wakas! Mapapansin na nya ko! Sa wakas magkakaroon na kami ng oras na magkasama. Ganun naman talaga diba dapat ang maramdaman ko. Kasiyahan dahil sa wakas, sa lahat ng sakripisyo at pagod ko para mapansin ni Jake, mangyayare na.  

Hindi ko maipaliwang kung gaano ba kabilis ang tibok ng puso ko ngayon, hindi pa rin talaga magawang mag sink in sa utak ko ang sinabing yun ni Jake.

Agad nakong naglakad pauwi papunta samin, hindi na ko magpapalit ng damit. Mag uuniform nalang ako. Wala naman siguro kaming gagawin kundi kumain lang sa isang restaurant para mag usap kaya mag re-retouch nalang ako para kahit papano malinis akong tingnan habang kasama si Jake, 

Nagpalipas nalang ako ng oras sa bahay, nanuod ng TV, at nag internet na rin habang hinihintay si Jake. Total 5:30 na naman kaya lumabas nako ng bahay para hintayin si Jake dun. Eksaktong paglabas ko, nakita ko yung kotse ni Jake na nakaparada sa harap ng bahay namin, andito na pala sya. Kanina pa kaya sya? 

Nakaramdam agad ako ng kaba, sana sa oras na ito hindi nako makatanggap ng masasakit na salita at sigaw galing kaya Jake, dahil dati sa tuwing nagpapansin ako sa kanya, usually sinisigawan nya ko at pinapahiya sa harap ng maraming tao, itinutulak palayo sa kanya na parang pinangdidirihan nya ko, kaya sana ngayon maging maayos na sya sa pag trato sakin pero kahit naman hindi eh, lagi naman akong hindi nawawalan ng pag-asa sa kanya eh, katulad nga ng pinangako ko sa sarili ko, hindi ako titigil hanggat hindi ako napapansin ni Jake.

-

Kinatok ko yung bintana ng sasakyan, bumukas naman ito. Nakita ko si Jake na naka-uniform pa rin, ang gwapo nya pa rin. Bumilis naman ang pag tibok ng puso ko, hindi ko mapigilan hindi mapatingin kaya Jake, napaka gwapo nya at siguradong lahat ng babae mahuhumaling sa kanya , katulad ko.

WHEN HE PLAYS *FINISHED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon