[WHP] Play #Eighteen

19.5K 190 27
                                    

HINDI PA EPILOGUE, JUKLANG Yung sinabi ko. HAHA. BEDSCENE PO ITO NI MARIE AT JAKE. PATAY SI JAKE NA NAMAN!

-

CHAPTER EIGHTEEN:

-

Marie's Point of View:

~

"If thats' the case Marie, I set you free," sabi ni King at tumalikod na, naramdaman ko ang pag kirot ng puso ko, Teka, bakit ako ang nasasaktran ngayon? Bakit nakakaramdam ako ng sakit? Bakit nararamdaman ko 'tong sakit na to ng sabihin ni King na papalayain na nya ko, diba dapat matuwa pa ko sa bagay na 'yun dahil makakatulong sakin yun para makalimot pero bakit parang nag-iiba ang ikot ng mundo at ako pa ang nasasaktan?

"K-king---" utal kong tawag sa pangalan nya, nanlalabo na ang paningin dahil tingin ko babagsak na ang mga luha sa mata ko, pinipilit ko lang na wag umiyak sa posisyon ko ngayon, ayokong makita nya kong nasasaktan. Humarap sya at binigyan ako ng isang ngiti, isang pekeng ngiti.

"Marie, bago kita iwan. Gusto kong malaman mo, Ikaw lang ang mahal na mahal ko at ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Dito na siguro talaga tayo magtatapos, sa ganito lang. Pero sana wag na wag mong kakalimutan yung masasayang araw na magkasama tayo," sandaling tumigil si King dahil pinunasan nya yung luhang bumabagsak sa mukha nya, "Yung mga oras na tayo lang yung magkasama, marami pa sana akong plano sa ating dalawa, pero pasensya na Marie dahil nagkamali ako at sinaktan kita. Napakatanga ko! Yun na siguro ang pinakatangang bagay na ginawa ko sa buhay ko.... Ang saktan ang babaeng mahal na mahal ko," sabi ni King at tuluyan ng umalis, tuluyan ng bumagsak ang mga luha sa mata ko. Dito naba talaga nagtatapos lahat? Talaga bang iiwan na ko ni King? Kakalimutan naba talaga nya ko?

Tumakbo ako at hinabol si King at agad ko naman syang nakita at tinawag, "King! Wag mokong iwan," sabi ko, hindi ko alam kung ano bang pumasok sa isip ko at yun ang nasabi ko. Pero yun naman talaga ang dapat kong sabihin, hindi ko naman talaga kayang hindi kasama si King, Inaamin ko sa loob ng isang buwan na hindi ko sya kasama sobra kong nalulungkot dahil hindi ko sya kasama. Bakit ba ganito kasi ang tadhana? Pinaglalaruan ang mga tao. Hindi ako papayag! Paglalaban ko 'to.

"Marie, mas mabuti na siguro 'to. Mag isip-isip muna tayong dalawa, marami na rin nangyari sa relasyon natin at hindi ko maipapangakong hindi kita masasaktan ulit, Im sorry Marie," sambit nya, walang tigil ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko, parang hindi ito titigil sa sobrang lungkot ng nararamdam ko. Sigurado ba talga sya sa sinasabi nya? Hindi ko kaya! Hindi ko kayang mawala si King sakin. Hindi ko kaya, pero bakit sya nasasabi nya ang mga bagay na 'to?

"King, hindi ko kayang mawala ka sakin, Sorry sa mga nasabi at nagawa ko basta wag mo lang akong iwan," pagmamakaawa ko sa kanya, agad naman syang lumapit sakin at itinayo ako sa pagkakaluhod ko.

"Marie, kahit naman ako hindi ko kayang mawala ka sakin, ako ang may kasalanan ng lahat ng 'to kaya wag kang mag sorry, I just want some time para mag isip-isip at ikaw din. Kung tayo talaga, tayo parin sa huli," nakangiting sabi nya sakin pero hindi pa rin ito dahilan para mawala itong lungkot na nararamdaman ko.

"Bakit may mahal kana bang iba?" diretshan kong tanong sa kanya.

"Wala Marie, Godknows na ikaw lang ang mahal ko. Pero sa sitwasyon natin, komplikado. Pagod na pagod na yung puso mo sa sakit Marie at hindi ako yung taong deserving para sayo, at kung ako man 'yun, tingin ko hindi pa ko handa," nanlumo ako sa sagot sakin ni King. Talagang bumibitaw na sya at iiwan nako. Sobra ba syang nahirapan sa mga ginawa ko? Bakit ganun? Dito naba talaga nagtatapos yung kwento namin ni King? Wala ba talaga kong Happy ending?

WHEN HE PLAYS *FINISHED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon