[WHP] Play #Five

31.7K 292 5
                                    

A/N: Lol. Sino po dyan yung umasa sa BS? Sorry ha?!! XD Kasi hindi kaya ng konsensya na gumawa ng maraming bedscene eh! Basta, magugulat nalang kayo sa mga next chapters, may bedscene na.

-

MARIE'S POV:

-

Maghapon akong umiyak pagkatapos nung nangyare sa motel, hindi ko alam kung papaniwalaan ko pa ba si Jake o hindi na, Bakit ba ang hirap magpatawad kahit na alam mong mahal na mahal mo parin ang isang tao? Dahil ba sa sakit na ginawa nya sayo? O ayaw mo nalang ulit masaktan kaya ganun, bakit nga ba kayo ang tinatanong ko eh ako 'tong may problema.

Kasi naniniwala ako na once na masaktan ka, Pagnawala na yung tiwala mo mahirap na talagang ibalik yung tiwala na nawala, ganun yun diba? Oo, mahal ko parin si Jake, pero kahit gaano ko sya kamahal hindi ko magawang patawarin sya dahil nga ayoko ng masaktan. 

"Marie, we should go, magsisimula na yung program," sabi sakin ng isa kong kaibigan sa school, sumunod naman ako sa kanya para pumunta sa Quadrangle dahil nga magsisimula na yung program, Ayokong pumunta sa program na yun dahil wala rin naman akong pakialam o babalewalain ko lang naman yun pero sabi ng mga teachers hindi daw pwedeng hindi pupunta, -_-

"Ano ba kasi yun' program na yun?" tanong ko, ayy tanga! Malamang hindi rin nya alam kasi hindi pa naman sinasabi samin. Hahaha. 

"Hindi ko rin alam eh, basta chismis ko, gusto daw nung nag schedule ng program na ito ay mga witnesses," sagot naman nya, Witnesses, bakit anong kaso?

"K. Oh tara na nga lang," sabi ko at nagsimula ng maglakad papunta sa Quadrangle.

-

Ang dami-daming tao sa Quadrangle, lahat ng estudyante nandito na at dahil sa sobrang dami yung iba nakakalat nalang sa ibat ibang lugar, sobrang init rin pero tiis ganda muna, 

Ilang sandali lang, may nagsalita na sa Mic. 

"Mic test mic test,"  naagaw nityo ang atensyon ng lahat, "Hindi ko na papatagalin ang sasabihin ko, alam nyo ba yung salitang tadhana? Para sakin kasi yung tadhana ang pinaka mahigpit kong kalaban pagdating sa pagmamahal. Noong dati kasi, I always put that girl into trouble, i always making her cry, I always avoiding her na parang diring diri ako sa kanya, Ayoko talaga sa kanya simula pa lang, pero shit na tadhana yan! Nagising nalang ako isang araw, Mahal ko na sya, mahal na mahal, ganun ba talaga? The more you hate the more you loved?! Oo, mahal na mahal ko na ang babaeng yun, gusto ko sya lagi ang nakikita ko pag gising ko palang sa umaga, sya yung nagpapangiti at bumubuo sa araw ko, pero ngayon hindi ko man lang magawang ngumiti twing maiisip ko yung kasalanan at masasamang bagay na ginawa ko sa kanya, kahit gaano ako nagsisi ngayon, alam ko hindi nya ko mapaptawad. Pero hanggang ngayon, naniniwala pa rin ako na mapapatawad nya ko, na mamahalin nya ulit ako. Sana, kasi ayokong mawala sya sakin. Talaga nga kasing mapag laro ang tadhana, pero wala na kong pakialam dun, Kung kailanagan kong ipaglaban yung pag ibig ko sa kanya, gagawin ko kahit ikamatay ko pa, kaya sana mapatawad mo ko Marie," nagulat ako ng marinig ko ang pangalan ko, lumabas si Jake na ngayon at nasa harap na ng stage, isa isang bumagsak yung mga luha ko, hindi ko alam kung ano bang nararmdaman ko ngayon, lalo na ngayon na nakikita ko si Jake na umiiyak sa harap ng maraming tao, "M-marie, nagsisisi na ko," dagdag pa nya, sobrang lungkot ang nararamdaman ko ngayon dahil tingin ko dito na rin magtatapos ang lahat, dito na magtatpos yung kwento naming dalawa ni Jake, dahil hndi ko maiwasang isispin na isa na naman ito sa pakana nya para kunin ulit yung tiwala at loob ko, ayoko nang magpaloko ulit. Ayoko ng masaktan, ayoko ng umiyak, ayoko nang maulit yung mga sakit na naramdaman ko nun,

Wala pa rin tigil sa pagtulo ang luha ko.

"M-marie, sana magkaayos na tayo," sabi ni Jake na hanggang ngayon umiiyak pa rin, naglakd ako palapit sa kanya, binigyan nya ko ng isang ngiti, nakatingin lang sa min ang lahat ng estudyante, pero pakiramdam ko, kami lang dalaw ang nasa lugar na ito ngayon, bumibilis ang tibok ng puso ko habang palapit sa kanya,

"Jake, Im sorry too." panimula ko, "Pero siguro nga mapag laro talaga ang tadhana at kahit anong sorry ang gawin mo, hindi kita kayang patawarin. Oo, Jake, Inaamin ko mahal pa rin kita. Mahal na mahal, kaso ayoko nang masaktan ulit, ayoko ng maramdaman yung sakit na ginawa mo sakin, natatakot na kong magtiwala dahil baka sa oras na ibigay ko na naman ang buong tiwala ko sa yo, hindi moko saluhin at pabayan mahulog mag isa, Pasensya na Jake, hindi moko masisi, sadyang natatakot lang ako," sabi ko at tinalikuran na sya, nakita ko yung mukha ni Jake, na sobrang lungkot, yung pagtulo ng luha nya na nagpaplambot sa puso ko. Sana tama itong desisyon ko ito. na hindi magtiwala sa kanya,

Walang tigil sa pagbagsak ang mga luha ko, parang may sarili na itong buhay, kahit anong gawin kong pag tigil at punas sadyang bumabagsak nalang ito. Sobrang bigat ang nararamdaman ko ngayon dahil talagang tapos na, wala na. Hindi man lang ako naging masaya sa kwentong 'to, puro sakit na si Jake lang lahat ang may gawa. 

Lalo na pag naiisip ko yung mga mata ni Jake na walang tigil ang pagbagsak ang luha, sadyang nasasaktan ako. 

-

JAKE'S POV: 

It feels like unti-unti ko nang nakukuha ang tiwala ni Marie. Masyado ko na atang inuubos ang oras ko sa babaeng yun. I need a rest. Out of town. Pero syempre, Habang wala ako. Marie is not completely calm.

WHEN HE PLAYS *FINISHED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon