[WHP] Play #Twelve

20.1K 197 25
                                    

AuthorsNote: Last eight chapters nalang san 'to! Jusko! HAHAHHA.

-

King's Point Of View: Hurts into deepest part.

-

I was in the middle of driving, First monthsarry namin ngayon ni Marie at gusto ko syang pasayahin ngayon ng sobra, gusto kong maging memorable para sa kanya ang araw na 'to. Mas masaya pa sa naging kasiyahan nya sa jake na yun'

Nakikinig lang ako ng music ngayon dito sa kotse ko, medyo traffic din kasi eh! Ang ganda ng music, Jar of hearts ni Christina aguillera. Napapasabay ako sa kanya.

Kahit hindi maganda yung message ng kanta, I like it still. Sana hindi mangyari sa amin ni Marie ang naging message sa kanta. Masyadong masakit yun. Pati Im sure na hindi naman mangyayri yun dahil sinabi ko sa sarili ko na si Marie lang ang mamahalin ko at wala ng iba!

Habang nagdri-drive sandali akong tumigil sa isang flower shop, bumili muna ako ng bulaklak para ibigay kay Marie, I just choose color red. Basta mas sweet daw pag red eh!

Inamoy amoy ko pa yung bulaklak at binusisi para macheck kung fresh, buti okay naman. Bumili na rin ako ng chocolate,

"Sir, ibibigay nyo po ba sa girlfriend nyo 'to?" tanong sakin nung cashier. Napakamot naman ako ng ulo ko.

"Oo eh! Tingin mo ba magugustuhan nya 'tong chocolate at bulaklak na 'to?" tanong ko naman s akanya. Nginitian nya lang ako.

"Sir, hindi naman po sa ganda ng regalo na ibibigay ang basehan dun eh! Kung mahal po talaga kayo ng girlfriend nyo, kahit wala kayong ibigay na regalo for sure matutuwa sya," sagot naman akin nung cashier sandali akong napaisip at nalungkot dahil tama ang sinabi sakin ng cashier, mahal nga ba ako ni Marie?

"Ahhhh. Tama ka, Oh sige mauna nako ha!" sabi ko naman dun sa cashier at nginitian sya, ngumiti lang sya bilang sagot at pinagpatuloy na yung trabaho nya.

----

Pinark ko na yung kotse ko sa harap ng bahay nila Marie, may naka park din na kotse na kulay black, kanino kaya 'to? Malamang sa daddy nya.


Pumasok na ko at tinungo ang pintuan, binuksan ko rin ito dahil balak kong isurprise sya! Sana talaga magustuhan nya lahat ng ipapakita ko sa kanya mamaya.

Binuksan ko na ang pintuan at handa na para sa supresa kong bulaklak kay Marie, pero sa hindi inaasahang pagakakataon. Ako pala ang masusurprise sa makikita ko,

Lumungkot bigla ang histura ko at agad nang tumulo ang mga luha galing sa mga mata ko. Hindi ko inaasahang ganito ang madadatnan ko dito.

Naibagsak ko ang dala dala kong bulaklak para kay Marie, napatigil silang dalawa sa paghahalikan at napatingin sa direksyon ko, halatang gulat ang mukha ni Marie ng makita nya ko, agad syang umalis sa pagkakahiga at inalis ang mga labi sa lalaking kasama nya at tumayo,

"K-king," pagtawag nya sa pangalan ko,

"Marie, gusto sana kitang pasayahin ngayon pero nagsasaya kana pala, pasensya sa istorbo." mahinang sabi ko at patuloy parin sa pag bagsak ang mga luha galing s amata ko.

-

Marie's Point of View:

"Marie, gusto sana kitang pasayahin ngayon pero nagsasaya kana pala, pasensya sa istorbo." sabi ni King kasabay ang paglalakad palayo samin ni Jake, bago ko pa matawag ang pangalan nya agad na syang tumakbo habang umiiyak nakita ko pa pagtalikod nya yung mga luha nya na bumagsak galing sa mata nya.

WHEN HE PLAYS *FINISHED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon