[WHP] Play #Two

39K 443 26
                                    

Author's Note: Basahin nyo naman sana mga note ko! ;3

-

CHAPTER TWO: 

-

Muli naming ginawa ni Jake sa Shower ang nangyare kanina. Ewan ko ba, pakiramdam ko parin ngayon kulang pa rin talaga eh! Hindi pa rin ako kuntento. Gusto ko ulit makita at makasama si Jake kahit sa Kama. 

Inayos ko na ang sarili ko para pumasok sa school, hinihintay ko lang ang sundo para ihatid ako. Sana makita si Jake sa school, okay na yun. 

Sa totoo nga eh, hindi ko pa rin nakakalimutan yung nangyare kagabi. Isa yun sa pinaka mainit na gabi, ayy! Let me correct. Yun pala ang unang mainit na gabi na nangyare sakin. Hahaha.

Ano kaya magiging simula na ito para maging malapit na ko kay Jake? Sana naman OO, Sana naman yung nagyare kagabi ay maging dahilan para lagi na kong hanap hanapin ni Jake.

Sa gitna ng pag iisp, pumarada na sa harap ko yung sundo kong Van, sumakay na agad ako pagkabukas nung driver ng Van. 

-

Nasa tapat nako ng campus ngayon at naglalakad na papasok ng room namin, pakiramdam ko ang init ng mga sakin ng mga estudyante, lahat sila nakatingin sakin at nagbubulungan, gusto kong marinig kung ano ba yung mga pinaguusapan nila pero lumalayo naman sila sakin. 

Binalewala ko nalang sila at nagpatuloy sa paglalakad. Naasar ako dahil kahit san ako tumingin lahat sila nakatingin din sakin na parang kinikilatis ako at parang sinasabi nila na ang dumi dumi kong tao. Ano bang nangyayare sa mga taong to at ako ang trip?!

Nang nasa loob nako ng room, ganun pa rin ang tingin sakin ng mga estudyante. Gusto ko na sana silang sigawan ng biglang dumating si Minzy and her followers. Ano na naman kayang kailangan ng mga 'to?

"Hello Marie, " bati sakin ni Minzy na may kasamang ngisi.

"Ayoko ng gulo ngayon." matipid kong sagot at nilagay yung bag ko sa arm chair ko. Wala akong oras para makipagtalo sa kanya. 

"Hindi naman ako nagahahnap ng gulo Marie, may ipapasa lang ako sayong Viral Video.  Kalat na kalat na ito over the campus at sa Internet, gusto lang kitang maging Updated." sabi naman nya. Kumunot yung noo ko. Wala akong pakialam sa Video video nyang sinasabi.

"I dont care," sagot ko at tinalikuran sya at umupo na sa armchair ko.

"Sa bagay, baka napanuod na nya yun, o meron pa syang live experience. Sya nga pala ang Bida nung Video kaya ayaw na nyang panuorin dahil baka nagsasawa na sya. Right girls?" napatayo ako sa kinauupuan ko sa sinabing yun ni Minzy, parang may laman yung sinasabi nya na sadyang ikakahiya ko. 

"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong sa kanya pero binigyan lang nya ako ng isang malapad na ngiti na mas lalong nagpainis sakin. 

"This," sabi nya at inabot yung cellphone na hawak hawak nya, plinay ko yung video at pinanuod "Masarap ba yung lalaki sa Video? Infairness, ang ganda ng facial expression mo Marie, Porn na porn ang dating!" pagkasabi nun ni Minzy nakarinig ako ng malakas na sigawan sa klase, 

Naguat ako sa napanuod ko. Eto yung nagyare samin ni Jake kagabi na sakin lang naka focus yung video. Ni anino ni Jake wala akong nakita. Pinagplanuhan nya ba ito?

Nakaramdam ako ng galit sa puso ko, Paanong nagawa sakin ito ni Jake?! Pano nya nagawang ipahiya ako sa lahat ng estudyante dito? OO. Sanay nako sa pagpapahiya nya sakin pero hindi sa ganitong paraan. Akala ko ito na. Ito na yung matagal kong pinakahihintay kong pagkakataon para makasama si Jake araw araw pero hindi pala. Hindi. 

WHEN HE PLAYS *FINISHED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon