[WHP] Play #Three

33.5K 343 15
                                    

Authors Note: Naghihintay ba kayo ng BS? WAHAHA. Hindi makapg antay, sa next chapter po! Sa next! XD

-

CHAPTER THREE:

-Marie'sPOV:

Dalawang araw na makalipas nung huli kaming magkita ni Jake, Hindi rin ako pumasok ng dalawang araw dahil hindi ko parin alam kung ano ba ang mukhang ihaharap ko sa school, malamang nalaman na rin sa guidance yung video at ipapatawag nila ang parents ko. Siguradong masasaktan at madi-dissapoint ko sila Mommy at Daddy pag nalaman nila ang ginawa ko, ang katangahan ko. 

Ngayon, gusto ko muna magpalipas ng sama ng loob pero kahit anong gawin ko hindi pa rin talaga mawala yung sakit na ginawa ni Jake sakin. Kahit ang daming luha na ang naubos ko hindi ko pa rin talaga makalimutan yung nangyare sakin, Naaawa ako sa sarili ko dahil nagpaloko ako at nagpakatanga.

Gusto kong makaganti sa ginawa sakin ni Jake, gusto ko syang masaktan. Gustong gusto!

KNOCK KNOCK* narinig kong ay kumakatok sa pinto  ko, hindi nako nagsalita dahil bigla na naman syang pumasok, nakita ko si Jared na nasa harap ko, si Jared ay isa sa mga matalik kong kaibigan, sya lagi ang taga pagtanggol ko pag nasasaktan ako, sya lagi ang pinagsasabihan ko ng sama ng loob, sya lang ang lagi kong kakampi sa twing mag isa lang ako.

"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya at sinagot nya ko ng isang ngiti.

"Marie, Okay ka lang ba? Kung gusto mo ng makakusap andito lang ako para damayan ka," sagot naman nya, lumapit pa sya sakin at tinabihan ako sa kama ko, ilang minuto rin ang katahimikan na namamalagi sa loob ng kwarto at ng hindi ko na kaYA, binasag ko na ito.

"Jared, pwede bang payakap?" tanong ko kay Jared at ngumiti lang sya na parang sinasabi nyang 'pwede'. Agad ko syang niyakap ng mahigpit, kasabay na nun ang biglang pagbagsak ng mga luha ko. 

"Ilabas mo lahat ng sama ng loob mo Marie, at pag nagawa mo na yun, andito lang ako, makakasama mo para gumanti." sagot naman nya. Katulad ng sinabi nya, umiyak lang ako ng umiyak, walang tigil. Sandali akong tumingin sa kanya at isnag ngisi ang nakita ko.

"Jared, nagpakatanga ko! Nagpaloko ako Jared! Gusto kong gantihan sya! Jared!" sa mga oras na ito, humahagulgol nako. Okay lang sgiruo dahil wala naman tao sa bahay kundi ako lang at si Jared, kaya kahit mag umiyak ako hindi naman ako maririnig nila mommy. 

"Susuportahan kita sa gusto mo Marie, but once you already done from your revenge, Stop loving him, Just always put on your mind. Na nandito lang ako," sabi nya. Pinahiran ko na yung mga luha ko, at binigyan si Jared ng isang peke na ngiti. Natutuwa ako na dahil kahit ganito ang nagyayare ngayon, andito pa rin si Jared para suportahan ako, samahan at damayan sa problema ko, si Jared lang talaga ang taong hindi nang iiwan sakin.

WHEN HE PLAYS *FINISHED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon