[WHP] Play #Ten

23.5K 279 12
                                    

Author's Note: Magdradrama muna si Marie bago ang rakrakan pwede ba? HAHA. BEDSCNE PART IS IN THS CHAPTER SO YOUNG READERS MUST PROHIBITALITY NOT ALLOWED!

-

CHAPTER TEN: Marie's POV and the hottest bed scene ever:

-

Tumakbo ako ng tumakbo. Hindi ko alam kung saan ko gustong pumunta, basta ang gusto ko lang ay makalayo, sobrang layo sa kanila. Kay Jake at sa babaeng kasama nya.

Bumabalik lahat ng alaala namin ni Jake noon, kung paano kami nagkakilala, kung paano nya ko sinaktan at kung paano kami nagsama noon, kung paano ako lumuha at kung paano nya ko pinangakuaan.

Diba nangako sya sakin na ako lang ang mamahalin nya? Diba nangako sya sakin na sandali lang sya mawawala at pagbalik nya bablikan nya ko at itutuloy namin yung pagmamahalan namin, pero ano bang nangyayri ngayon? Bakit bigla nalang syang babalik na may kasamang babe at mapapangasawa na nya pala? Bakit nya ko sinasaktan ulit?

Akala ko ba hindi na nya ko sasaktan? Akala ko ba ako lang yung mahal nya? Doon ba sa dalawang taon nya sa amerika nawala na yung nararamdaman nya sakin? O ' totoo ba na minahal nya talaga ko? Bakit ganon? Ako mas lalo ko syang minahal pero bakit andali nya kong kinalimutan? Bakit andali nyang sabihin sakin ang bagay na alam nyang ikakasakit ng puso ko? Ganun naba talaga nya ko kinalimutan? Lahat ba ng pangako nya kinalimutan nya? Gusto nya ba talagang saktan ako ng sobra?

Yung sakit kasi eh! Ang sakit talaga! Kasabay kong umiyak yung puso ko na nagdudugo na rin, ang sakit isipin na nagawa nya kong kalimutan. Dapat una palang sinabi na nya skain para hindi nako umasa sa kanya ng sobra, Para hindi ko na pinaniwalaan lahat ng mga pangako nya. Dapat hindi ko sya minahal ng sobra! Kung ganito lang pala ulit ang mangyayari, sasaktan nya ulit ako. Nasaktan na nya ko noon kaya hindi imposibleng saktan nya ko ngayon, sabi na nga ba eh! Dapat hindi nako naniniwala s akanya para hindi nako umiiyak ngayon, para hindi ko na sya hinintay, para hindi na napagod 'tong puso ko.

Gusto kong mawala nalang. Mawala nalang, para hindi nako masaktan. Gusto ko nalang kalimutan ang lahat ng pinagsamahan namin kung pwede nga lang, pwede naman eh, kaso maghihintay ako ng sobrang haba na oras para magawa yun dahil hindi madali makalimot kung mahal na mahal mo ang isang tao. Tama ako diba?

TUMIGIL nako sa pagtakbo at napaupo nalang sa sahig ng kalsada ng naramdaman ko ang sobrang pagod, hinahabol ko ang hininga ko dahil nga sa pagtakbo ko. Hindi ko alam kung saan ako umabot kakatakbo. Sandali akong tuminginsa paligid, Nakita ko si King na nasa tabi ko na at umupo na rin, sobrang pawis ng katawan nya at naghahabol din sya ng hininga.

"Anong nangyari? Bakit kaba umiiyak Marie? Bakit kaba basta nalang tumatakbo?" iritado nyang tanong skain, malamang napagod sya diba?

"Nasasaktan ako King, nasasaktan ako. Dapat pala hindi ako masyadong nagtiwala sa kanya at umasa," sabi ko habang umiiyak.

"Hindi ko man alam ang totoong nangyare pero nakikita kong sobrang nasasaktan ka Marie, wag kang mag alala Marie, alam mo naman na nandito lang ako para maging unan at sandalan mo. Lagi akong nandito para sayo, Pangako yan! Handa akong makinig!" sabi naman nya. NIyakap ko lang si King ng sobrang higpit. Yung yakap na gusto kong iyakap kay Jake, pero sa kanya nalang. Buti pa si King tinutupad yung pangako nya na kahit anong mangyari andito lang sya sa tabi ko, buti pa si King. BUTI PA!

Bigla kaming narinig ng malakas na pagkulog, nagdilim na rin ang paligid. Na sinasabi siguro na uulan na at makikiramay sa pagluha ko, Buti pa ang ulan dadamayan ako, Iiyak din sya at magbabawas. Si Jake kaya hindi naiiyak o' ni isang luha walang pumatak s akanya nung sinabi nya skain ang bagay na yun, nung niloko nya ko, kahit sumakit man lang ang puso nya hindi man lang ba nya naramdam? Bakit ako sobrang nasasaktan samantalang sya..... Parang wala lang,

WHEN HE PLAYS *FINISHED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon