WALA MUNAG AUTHOR'S NOTE! MAG COMMENT NALANG KAYO! HAHAHA.
-
CHAPTER FIFTEEN:
-
MARIE'S POINT OF VIEW:
~
Sobrang tuwa lang ang naramdaman ko nung magkabalikan kami ni King. Godknows, how much i love him at ang patawarin nya ko ay ang napakasayang bagay na nangyari sa buhay ko ngayon. Kahit may pag aalangan ako, I kept it aside. Dahil ano pa bang dapat problemahin ko? Wala na diba? Nagkabalikan na kami ni King, ang proproblemahin ko nalang ngayon ay kung paano mag wo-work out at titibay ang relasyon naming dalawa.
I swear. Hindi ko na sya sasaktan ulit. Lalo na ngayon talagang nakalimutan kona si Jake, lahat ng memories sa kanya binura ko na isip ko, WALA SYANG LUGAR SA PUSO KO.
-
Days passes by, naging maayos naman kami ni King, WE ALMOST DATED EVERYDAY. At natutuwa ako na binigay na nya yung trust nya sakin.
Lagi nyang pinaparamdam na importante ako sa kanya kahit na may time na may pinagseselosan akong babae na kasama ni King minsan, hindi ko pinapansin yun dahil alam kong mahal ako ni King at hindi nya ko magagawang lokohin katulad ng ginawa ko sa kanya.
-
Until one day. Naisipan kong pumunta sa condo nya dahil sabi nya ipagluto ko daw sya, He always saying good things about my dishes na niluluto ko para sa kanya, Kinikilig tuloy ako!
Naisipan kong magluto nalang ng adobo since wala na kong time pumunta sa market at yung available ingredients nalang ang ginamit ko which is pang-adobo lang talaga. Sana magustuhan nya :)
Sumakay nako ng taxi para pumunta sa condo ni King habang dala-dala yung niluto kong adobo para sa kanya, hindi ko maiwasang mapangiti habang iniisip lahat ng nangyari samin ni King na naayos dahil sa pagmamahalan naming dalawa. I cant even think na mawawala sya sakin dahil hindi ko talaga kakayanin.
Pinara ko na yung taxi at binayaran na, agad nakong pumasok sa building ng condo ni King, Isu-suprise ko sya since alam ko naman yung password ng condo nya,
Tinype ko na yung pass nya at pumasok na sa loob, ang gada talaga ng condo nya pero nasan si King? Hindi ko tinawag yung pangalan nya dahil nga balak ko syang isurprise,
Tiningnan ko pa kung nasa sala ba sya pero wala eh, Nilibot ko na yung loob ng condo pero hindi ko makita si King, Baka nasa kwarto nya, at naliligo pa.
Agad akong naglakad papunta sa kwarto nya, may naririnig akong mahinang ungol ng isang babae, nilapitan ko na agad yung kwarto nya, hindi nakalocked yung pinto at nakabukas pa to ng konti.
Binuksan ko nalang yung pinto para makumpirma na nandoon si King at I was surprise and shocked. Bumagsak bigla yung mga luha galing sa mga mata ko, hindi ko inakalang ganito ang maabutan ko dito.
Bakit? Bakit?
Agad kong pinunasan yung mga luha ko pero awtomatikong bumabagsak ito sa mukha ko, walang tigil ito sa pagbagsak, tumalikod nako at balak nang lumabas ng kwarto ng marinig kong tinawag ako ni King,
"Marie, andito kana pala," sabi nya kasabay ng isang malapad na ngiti sa mukha nya. Hindi ko magawang tingnan na may kasama si King na babae sa kama nya na nakahubut hubad at naghahalikan pa,
Tumango nalang ako sa tanong ni King at sinabing, "Aalis nako. Iniwan ko yung adobo sa lamesa," sagot ko naman habang umiiyak pa rin.
"Wait. Marie! Are you not enjoying my show? Or ikaw naman ang gustong gumawa ng show dito sa Kama ko?" nakangisi nyang sabi.
"Hindi na King, aalis nako. Hindi ko lang maiwasang isipin na bakit mo ginawa sakin ang bagay na 'to? Nagtiwala ako sayo pero you take my love for granted. Ganon na ba talaga kalaki yung galit mo sakin King? Kulang paba na halos umiiyak ako gabi gabi nung hindi moko magawang kausapin? Kulang pa ba na nagsisi ako sa kasalanan ko? Kulang paba na nasaktan ako dahil sinaktan kita? San' ba ko nagkulang King, para ipakita sayo na nagsisisi ako sa ginawa ko? Ano pa bang gusto mong gawin ko para mapatawad moko? Pero huli na ang lahat King, hindi na ata' talaga natin maaayos itong relasyon natin, godknows how much i suffered at nagsisi pero---- EWAN! I really need to go," sabi ko at pinunasan ang mga luha ko.
"M-marie," mahinang sambit nya ng pangalan ko, "Marie, im sorry...." hindi ko na narinig yung sunod nyang sinabi dahil tumakbo nako palabas ng condo nya,
Bakit ganon? Kulang pa ba lahat ng sakit na naramdaman ko noon? Kulang pa ba lahat ng sakripisyo ko at pagpapasaya kay King para makita nyang sobrang nagsisisi nako? Kulang pa ata' talaga eh! Dahil hindi naman mangyayari 'to kung hindi ako nagkulang sa mga ginawa ko. Siguro kulang pa yung mga luha na bumagsak sa mga mata ko,
Kailangan ko pa ba talagang paulit ulit na masaktan? Hindi paba sapat na nagsisi ako/ Shit. Paulit ulit nalang ako, pero bakit nga diba? Bakit kailangan mangyari sakin ang bagay na 'to? Bakit kailangan masaktan ako ng sobra sa kasalanang pinagsisisihan ko naman. Bakit kailangan akong saktan ni King ng ganito?
Ang raming tanong sa isipan ko na gusto kong masagot pero ni' isa wala. Gusto ko nalang mawala, gusto ko nalang basta maglaho at kalimutan lahat ng sakit na naramdaman ko pero mahirap! Iniisip ko palang hirap na hirap nako.
Hindi ko kayang mawala sakin si King, hindi ko kayang mawala sya sa tabi ko pero wala na tlaga. Dito na siguro nagtatapos ang istorya na 'to. Na hindi sumaya ang bida at paulit ulit na nasaktan. Wala pala kong happy ending, napapangiti nalang ako habang iniisip ang mga bagay na 'to.
Isa isang bumalik lahat ng alaala, masasayang alaala na kasama ko si King, at ang mga luha na nasasayang ngayon dahil sa pag iyak ko. Karma ko siguro 'to, Ito siguro ang kapalit lahan ng nagawa kong kasalanan, hindi siguro sapat ang pagsisisi at kailangan ko pang masaktan ng sobra.
Lumabas nako ng building at pinagtitinginan ako ng mga tao na nakakasalubong ko, nanlalabo ang paningin ko at wala akong makita, napatingin nalang ako sa gawi kung saan ko narinig ang busina ng isang malaking sasakyan na bumangga sakin art nawalan nako ng malay....
-
Pasensya napo talaga. May skait po kasi ako kaya hindi ako nakakpag update, pinilit ko laang mag type kais nahihiya ako s ainyo. Sorry. Comment po sana para mawala skait ko. XDD :)
BINABASA MO ANG
WHEN HE PLAYS *FINISHED*
General Fiction[EDITED][RESTRICTED][FINISHED] She's jus a woman who played by LOVE and Destiny, her world starts to turn around 'WHEN HE PLAYS'