14

898 43 3
                                    

Aoife

Nagising ako ng makaramdam ako ng sobrang sinag ng araw na tumatagos sa bintana sa hotel room namin ni Xiuna. Katabi lang namin ang kwarto nina Zed at Geovanni. Nilingon ko si Xiuna na mahimbing pa ang tulog. Chineck ko ang oras 6am pa pero grabe ang sinag ng araw sobrang init. Pumunta na lang ako sa banyo para maghilamos at magmugmog pagkatapos ay nagpalit ako ng pang jogging attire. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto at nagjogging na lang ako sa gubat hanggang sa marating ko ang daanan. Nagjogging ako papunta sa sentro ng bigla akong nadapa.

"Sorry miss."

Pinagpagan ko ang sarili ko at tumayo ng makita ko kung sino ang bumangga sa akin. Di agad ako nakapagsalita.

"Ikaw pala Aoife. Sorry talaga ah."

Di ko na lang sya pinansin at pumunta na lang ako sa isang coffee shop para magkape. Grabe nakakapagod talaga mag jogging.

"Ito na po order nyo ma'am."

"Salamat."

"Tourist po ba kayo dito ma'am?"

"Maybe. Nandito lang kami ng mga friends ko para mag camping dyan sa may Forest Resort Hotel."

"Eh saan po yun ma'am.?"

"Yung magandang hotel dyan sa may gitna ng gubat."

"Eh! Wala pong hotel dyan ma'am. Matagal na po ako dito kaya alam ko po. Sige po."

Ang weird naman. Nakakapagtataka naman yung sinabi nyang walang hotel dun sa forest. Nagkibit balikat na lang ako at tinapos ko na ang kape ko at bumalik na sa hotel. Pagbalik ko gising na pala sila at tinawag na nila ako sa restaurant ng hotel para mag breakfast. Nagpalit muna ako ng damit saka sumali sa kanila sa pagkain.

"Mga ate's swimming muna tayo. Mamaya na tayo mag camping pag pagabi na sa gubat. Dun na tayo matulog mamayang gabi."

Sabi ni Zed sa amin ni Xiuna. Nagkatinginan kami at nagpatuloy sa pagkain. Si Geovanni naman tahimik lang kumakain habang pasimpleng nakatingin sa akin.

"Saan ka nga pala galing kanina best?"

"Oo nga ate. Nag alala tuloy kami ni Geovanni sayo."

"Nag jogging lang ako papunta sa sentro tapos nagkape na rin sa isang coffee shop."

"Ba't di mo kami sinama ate? Mahilig din kami sa kape eh!"

Nilingon bigla ni Geovanni si Zed.

"Kailan ka pa natutong uminom ng kape Zed? As far as I know ako lang ang mahilig sa kape at hindi ikaw."

"Kanina lang. Di ba pwedeng kanina ko lang sinimulan ang pag appreciate sa kape."

"Wow! Agad agad Zed."

"Ano bang problema mo Geov, if mahilig na ako sa kape nga---"

"Excuse me guys. Tapos na akong kumain. Mauna na ako sa kwarto."

Tumayo ako at tumalikod sa kanila. Bahala sila magtalo dyan. Para kape lang eh. Ang bababaw pa talaga ng mga utak. Mga isip bata pa talaga. Sa hapag kainan pa talaga nagtalo. Mga teenagers nga naman. Tsk!

"The Triumphate Detectives" (Book 1) (Under Revision and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon