Aoife
Pauwi na kami galing sa restaurant ng biglang tumunog ang phone ko. What now? Gusto ko sanang maidlip habang nasa byahe kami pauwi dahil sobrang dami na ng nangyari ngayong araw hay naku. Wala akong nagawa kundi ang sagutin ang tawag na hindi pinapansin kong sino ang tumawag.
"Hello?"
"Aoife. Zed, Geovannie and Xiuna. Di pa sila nakakauwi hanggang ngayon.!"
"What the f**k!"
Napamura ako ng malakas at nawala ang antok ko. Naramdaman ko ring tumigil ang kotse at nilingon ako nina Audi at Aurey na may pagtataka.
"Bakit ngayon mo lang sinabi Inspector?"
"Because it's a confidential matter and hinala namin may kinalaman ang three idiots sa pagkawala nila!"
"F**k!!! Arghhh!!!"
Niloud speaker ko ang phone para marinig din nila ang sinasabi ni Inspector.
"Aoife makinig ka, delikado na ang three idiots ngayon at mukhang natunton kana nila, kayo. Kailangan nyong maghanda dahil anumang oras pwede sila sumalakay.!!"
"Ikaw rin delikado. You are involve too Andrei remember?!"
Flashback
Ng makita naming wala na ang mga grupo ng three idiots ay tumakbo kami palabas ng gubat at hinarang kami ng isang kotse. Lumabas si Andrei at dali dali kaming sumakay sa kotse nya. Dinala nya kami sa isang ligtas na lugar at doon nya sinabi sa amin na pati daw ang magulang nya ay pinatay ng mga walang hiya yun. Simula nun naging kakampi na namin si Andrei hanggang sa nakapagtapos kami may kanya kanyang trabaho. Inaalok nya rin ako na maging partner nya sa paglutas sa mga kaso hanggang sa nabangga ulit namin ang three idiots at napahamak si Andrei dahil sa akin. Na coma sya sa ospital kaya naisipan kong mag quit na maging partner nya. Ng malaman nya ito ay nagalit sya noong una pero kalaunan tinanggap naman nya.
End of flashback
"Oo alam ko Ao di ko nakakalimutan yun wag kang mag alala kasangga nyo ako. Sige mag ingat kayo."
Pinatay na nya ang tawag. Nakita kong napabuntong hininga si Audi ganun din si Aurey na halatang nag iisip at nag iwas ng tingin sa akin. Hinayaan ko na lang sya at sa bahay na namin pag uusapan ang dapat gawin. Naintindihan naman ni Audi ang nais kong iparating kaya pinagpatuloy nya ang pagmamaneho ng kotse.
Pagdating namin sa bahay ay nagtipon agad kami dito sa sala.
"Delikado na tayo dahil natunton na tayo ng three idiots." sabi ni Audi na parang nag iisip.
"Oo pero ang inaalala ko ay ang mga kaibigan ko baka madamay pa sila dito!".
"Uhm ano, may sasabihin ako tungkol sa kanilang kinaroroonan!".
Natahimik kami agad ni Audi at napalingon kay Aurey.
"Tinakas ko sila at tinago sa isang ligtas na lugar na malayo sa three idiots. May plano kasi sila na idamay sila para makapaghigante sila sa atin kaya tinakas at tinago ko sila ng palihim saka ako kumalas sa grupo.!"
Yun pala ang gusto nyang sabihin sa amin. Nakahinga ako ng maluwag ng nalaman kung ligtas sila.
"Salamat Aurey kung ginawa mo yon pwede ba natin silang puntahan?!"
"Oo naman ngayon na ba?"
"Teka teka Aoife and Aurey kailangan din nating maghanda baka sakaling salakayin tayo ng mga three idiots.,"
Tumango kami at naghanda pagkatapos ay pinuntahan na namin silang tatlo. Di kami dapat nagsasayang ng oras dito.
Geovannie
Nag iisip kami kung ano gagawin namin ng makaramdam kami ng mga yabag ng paa sa labas. Sinenyasan ko si ate Xiuna at Zed na tumungo sa kusina para kumuha ng patalim at pinatay namin ang mga ilaw tapos naghiwa hiwalay kami. Nagtago ako sa isang pader malapit sa pintuan si Ate Xiuna naman sa ilalim ng mesa at si Zed nasa kabilang dako ng sofa. Maya maya'y kumatok ang nasa labas ng ilang beses hanggang sa palakas na ito ng palakas at halos mawasak na ang pinto sa pwersang gamit nito para mabuksan ito. Kinakabahan man kami pero kailangan naming protektahan ang aming mga sarili. Ng mawasak na ang pinto ay pumasok ang mga nasa labas kanina. Di namin masyado makita ang pagmumukha nila pagkat madilim ngunit sa tono ng pananalita nila ay mga lalaki ito.
"Walanghiyang Aurey na yon trinaydor tayo.!!! halubugin ang buong bahay. Kailangan nating mabihag ang tatlong yun para makipaghigante na tayo sa tatlong magkakambal na yun.!!"
Rinig kung sabi ng pinuno nila. Hinanda ko na ang sarili ko ng may nabangga ako sa likod ko na matigas na bagay.
"Huli ka!"
Waah nagulat ako bigla dahil kanya kanyang kaming nakipaglaban sa mga lalaking yun. Sinipa ko sya ngunit napalakas nya at nagawa nya akong sipain nasugatan na rin ang aking mga braso dahil kinuha nya ang patalim ko. Sinuntok ko ulit sya ngunit nakailag ito at binalibag ako sa pader. Bumuga ako ng maraming dugo at humawak sa tyan ko. Nanghihina na ako sobra tiningnan ko si Zed at si ate Xiuna nanghihina na rin sila ng bigla kaming nakarinig ng putukan sa labas. Pumasok ang mga bagong dating. Tinawag nila kami isa isa pero nagpapikit na lang kami at nawalan ng malay.
Aoife
Pagdating namin sa lugar ay napapaligiran na ito ng mga alagad ng three idiots. Mukhang nahuli kami ng dating. Sinenyasan namin ang isa't isa at sinugod namin ang mga alagad ng three idiots. Kanya kanya kaming pakawala ng bala sa mga kalaban at naubos agad namin ang mga nasa labas. Tumakbo kami papunta sa loob at kanya kanya ring pakawala ng mga bala pagdating namin sa kwarto ay nakita naming duguan at nakahandusay ang mga katawan nina Zed, Xiuna at Geovannie na nawalan ng malay.
"Kanina pa namin kayo hinihintay kaya lang parang nahuli kayo ng dating kasi patay na mga kaibigan nyo. Hahahaha. Kulang pa yan sa ginagawa ng mga magulang nyo!!"
"Ang dami nyong satsat tapusin na natin to!"
Nagpatuloy kami sa pagpapakawala ng mga bala hanggang sa nasugatan namin ang tatlo pati kami rin. Maya maya pa'y dumating sina Inspector Andrei at ang mga ibang kasamahan nitong pulis. Hinuli na nila ang tatlo pati na ang mga tauhan nito. Nagpatawag na rin sila ng ambulansya at dali dali naming sinugod sa ospital ang tatlo.
Nakahinga kami ng maluwag ng sinabi ng doctor na okay na ang mga kaibigan namin at nagpapahinga na lang daw sila. Dumating si Andrei at binigyan nya kami ng makakain.
"Umuwi mo na kayo at ako na bahala dito alam kong pagod kayo sa daming nangyari ngayong araw.
Nagpasalamat kami kay Inspector saka umuwi. Pagdating sa bahay ay agad ako humilata sa kama at nakatulog agad ng mahimbing.
A/N: Waaah sorry for the late update busy much si author at gusto ko bumawi kaya epiloque na lang at matatapos natong kwentong to. Sa epiloque ko na sasabihin ang speech ko charot.
Like
Vote
Comment
Share
Be a fan
~shhhikoori~
BINABASA MO ANG
"The Triumphate Detectives" (Book 1) (Under Revision and Editing)
Mystery / ThrillerAoife is no longer in the field of being a detective but her knowledge,deduction and observation skills haven't rusted for any single bit,yet she has also a sharp tongue,loves to rile people and doesn't like to mince her words. Everything went on sm...
