17

802 28 3
                                        

Geovanni


Unti unti kong iminulat ang aking mata. Iniikot ko ang aking paningin at nakitang nasa tabi ko sina Zed at ate Xiuna. Niyugyog ko ang balikat nila na dahilan ng kanilang pagkagising.

"Nasaan na tayo Geov?"

"I don't know Zed."

"ate Xiuna okay ka lang ba?"

Tinulungan namin ni Zed si ate Xiuna para tumayo. Di namin mawari kung nasaan kami basta ang natatandaan namin ay nahimatay kami dahil sa sobrang usok kanina. Someone planted that smoke bomb in our car. Nandito kami ngayon sa isang napakalaking silid na pininturahan ng kulay yellow. May mga luma at bagong paintings ang nakadisplay. Mga kasangkapan din. May t.v, computer, may bookshelves na puno ng mga mysteries and cases books. May kusina then may lamesa at may sofa. Meron ding tatlong kwarto at refrigerator.

"Someone planted that smoke bomb in our car earlier then bring us here pero what for? Nakapagtataka naman. Hindi naman tayo nakagapos at ang nakapagtataka dito tayo dinala at hindi sa isang abandonadong lugar."

"I agree with you Geov."

"Pero sino naman may gawa nun?and what's the motive?"

"Hindi ko alam ate, di pa namin masasabi for now let's just wait for who's behind this thing."

Maya maya bumukas bigla ang pintuan at iniluwa nito ang isang babaeng nakamaskara. May katangkaran ito at maputi. Medyo makinis rin ang kanyang balat. May pagka blonde ang kanyang buhok na nakalugay. May kasama syang dalawang maskuladong lalaki pero wala namang armas.

"Good to see you awake guys."

"Sino ka? And what do you want?"

Tanong ni ate Xiuna sa babaeng nakamaskara habang kami ni Zed ay tahimik lang at nagmamasid sa paligid. Tinanggal ng babae ang kanyang maskara at nagulat kami ng makilala namin kung sino sya.

"Ikaw!"

Di ko akalain na magagawa nya sa amin to pero bakit? Nakita kong di sya nagulat sa reaksyon namin at wala rin syang reaksyon nakapokerface lang sya. Hmpx?

"What do you want?"

"Simple. Just leave the cases that we encounter to me alone.!"

"What?? We can't do that."

"Doesn't matter. Just leave the cases to me. At para makasigurado na di kayo mangingialam sa mga kaso simula ngayon ay dinala ko kayo dito sa apartment nato. Wag nyong subukang tumakas dahil ito ay nasa tuktok ng bundok at pagsinubukan nyong tumakas ay bangin ang patutunguhan nyo pero I'm sure di kayo basta basta makakatakas dito. Anyway as you can see this room has everything you need including internet and tig iisa kayo ng kwarto. Kayo na bahala kung saan ang kwartong gusto nyo. Ciao!"

Naiwan kaming tatlong tulala pa rin. Bakit nya nagawa yun? Ano ba talagang motibo nya?

Aoife

Kararating ko lang dito sa bahay. Pagkatapos kong pumunta sa presinto ay umuwi na ako dito sa bahay para magpahinga. Tatawagan na lang daw ako ni Inspector pag may development na sa kaso. Bubuksan ko na sana ang pinto kaya lang di ko to mabuksan. Hinanap ko yong susi ko pero di ko mahanap. Ah teka! Mamaya ko na lang yun hahanapin gusto ko ng magpahinga may duplicate key naman ako. Kukuhanin ko na sana ang duplicate ko sa ilalim ng basahan sa pintuan pero wala ito dito. Sa halip na susi ay may isang maliit na papel ang nakalagay dito. Kinuha ko ito at binasa.

"The Triumphate Detectives" (Book 1) (Under Revision and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon