15

853 42 4
                                    

Geovanni

Nakita kong nawalan na ng malay si ate Aoife. Lagot! Kailangan ko ng tulong. Wag kang mag-alala ate. Babalikan kita ate. Nagsimula na akong maglakad pabalik sa camp para humingi ng tulong. Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sayo ate. Hinding hindi! Ilang hakbang na lang at nakarating na rin ako sa camp. Di pa naman kami nakakalayo ni ate kaya madali lang akong nakabalik dito.

"Zed, ate Xiuna."

Nilingon nila akong dalawa na wari'y nagtataka.

"Mamaya na ako magpapaliwanag. Kailangan ko ng tulong. Si ate Aoife nahulog sa bangin at nawalan na ng malay."

"Ano!"

Sabay sabay nilang sabi. Kinuha ni Zed ang lubid na nasa bag nya at dali dali kaming tumakbo pabalik sa bangin.

"Oh my god!"

"Her legs is bleeding. Perhaps may natusok sa kanyang kahoy sa ibaba."

"Ako na baba Zed."

"No Geov, stay with ate Xiuna. Hindi mo kakayaning buhatin si ate with your weight. Mas malaki ako sayo ng konti kaya kaya kong iangat si ate."

Sumang ayon na lang ako kay Zed. Ang importante maligtas namin si ate Aoife. Tinali na ni Zed ang lubid sa may kahoy at sa bewang nya. Hinawakan naman namin ni ate Xiuna ang lubid. Bumaba na rin si Zed sa bangin at nakita naming una nyang tinali ang katawan ni ate sa lubid at hinila na namin yun pabalik. Agad agad kong tinanggal ang lubid sa katawan ni ate Aoife at inihilig muna ito sa may kahoy tapos hinila na namin paakyat pabalik si Zed. Binuhat ni Zed si ate Aoife at bumalik kami sa tent para gamutin ang sugat nya sa paa. Hindi naman ito gaano kalalim kaya madali lang itong gamutin. Ako na ang nagpresenta na gumamot sa kanya dito sa tent total ako naman ang kasama nya nung nahulog sya. Pagkatapos ko syang gamutin ay hinalikan ko sya sa noo at lumabas na ng tent. Hinayaan ko muna syang magpahinga.

"Kumusta na ang sugat ni ate Geov?"

Tanong sa akin ni Zed habang nag-luluto ng barbecue.

"Okay na. Nagamot ko na. Kailangan lang nyang magpahinga. Si Ate Xiuna pala?"

"Ah nandun naghahanda ng mapagkainan natin."

"Ah."

"Geov, do you think ate Aoife will fall for someone who is younger to her like us?"

"I don't know Zed. Until now, ate is a big mystery to us."

"I agree but do you think so?"

"Ewan. Bakit ba? Do you like her Zed?"

"Kung sabihin kung oo ano naman sayo?"

"Ewan."

"Puro ka talaga ewan Geov."

Napaisip tuloy ako sa sinabi ni Zed. Possible nga kayang mangyari yun?

Aoife

Nakaramdam ako ng pagkahilo ng iminulat ko ang aking mga mata. Nilibot ko ang aking paningin at nalaman kong nandito na pala ako sa tent. Paano ako napunta dito? Ang huling natatandaan ko kasi ay nahulog ako sa bangin. Tiningnan ko ang sugat sa paa ko. Nagamot na pala sya at di naman pala sya masyadong malalim. Tumayo ako at paika ikang naglakad palabas ng tent. Nakita agad ako ni Zed.

"Oy ate. Gising ka na pala at tsaka ba't ka tumayo agad? Baka mas kumirot yang sugat mo! Baka lumala yan."

Tinulungan nya akong makalakad ganun na rin si Geovanni ng makita nya din ako. Pinaupo nila ako sa may kahoy malapit sa mesa.

"The Triumphate Detectives" (Book 1) (Under Revision and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon