Aoife
Nandito kami ngayon sa isang restaurant kumakain. Nakauwi na rin kaming tatlo matapos bisitahin namin ang dati naming bahay. Gabi na ng makabalik kami sa syudad kaya naisipan naming kumain na lang dito sa restaurant , libre naman ni Aurey pambawi nya daw sa mga nagawa nya sa amin. Napasarap ang kain namin ng biglang nawala ang kuryente. Napashit naman kaming tatlo. Hindi kami umalis sa pwesto namin. Maya maya pa'y bumalik na ang kuryente at nakita mamin ang isang lalaking nakahandusay. Dali dali akong lumapit sa bangkay at inutusan si Aurey na tawagan si Inspector. Si Audi naman ay kinuha nya ang camera nya at pinicturan ang bangkay ng lalaki.
"Sino kayo? Ano sa tingin nyo ginagawa nyo?"
Galit na tanong ng isang lalaking papalapit sa amin. Maskulado ito at matangkad. Yung kaliwang mata nya ay natatakpan ng kanyang mahabang buhok. Kulay asul din ang kanyang mga mata at mapupula ang kanyang labi. Tinaasan ko lang sya ng kilay at di pinansin. Sinimulan ko ng imbestigahan ang crime scene. Kumakain ang biktima bago ito namatay. Napatingin ako sa mga pagkain na nasa mesa nila. May kanin, may adobong manok, fish fillet at alimango. Meron ding shrimps and squids. Halatang mahilig sa seafoods ang mga kumakain nito kasama na dun ang biktima.
Inamoy ko ang mga pagkain at wala akong naamoy na lason. Ganun din sa plato, kutsara, tissues and baso na ginamit nila. Tiningnan ko ulit ang bangkay. Walang senyales na nalason ito. Hmpx? Nakapagtataka naman.
"Found something sis?"
Di ko namalayan nakalapit na pala si kuya Audi sa akin.
"Nothing except the facts that I can't see signs that the victim is poisoned and there is no poisons in the foods and the utensils they used."
"Kung ganun hindi nalason ang biktima Aoife?"
Napalingon ako sa nagsalita. Si Inspector pala kasama si Aurey na tumulong rin sa pag iimbestiga sa crime scene. Umiling ako bilang sagot sa tanong nya.
"Ikaw ba yung Inspector? Sino ba yang tatlong yan at nakikialam sila sa gawain nyo? Dapat umalis na kayo dito!"
Sabi ng lalaking sumita sa amin kanina.
"Yes I'm the Inspector and they are with me. Malaki ang naitulong nila sa amin pagdating sa paglutas ng mga kaso."
Napatsk ang lalaki at tumahimik na lang sa sulok. Nilapitan ko ang lalaki.
"Sino sino ba kayong kasama ng biktimang kumakain?"
"Ako lang kasama nyang kumain."
"Ikaw lang? Eh ang dami ng inorder nyo? Mauubos nyo yun ng kayong dalawa lang kumakain?"
"Oo. Masama bang umorder ng marami kahit dalawa lang kami kumakain?"
Inirapan ko na lang sya at bumalik ulit sa crime scene. May mali dito. Alam kong nagsisinungaling ang lalaking yon. Tiningnan ko ulit ang bangkay at may nakita akong maliit na marka na parang kinagat sa may bandang leeg nito.
"Inspector pakiilawan nga yong leeg ng biktima."
Sinunod naman ni Inspector ang sinabi ko at tama nga ang nakita ko. May maliit nga itong marka na parang kinagat ng kung ano. Parang alam ko na kung paano pinatay ang biktima, kailangan ko lang makumpirma ang nasa isip ko. Dumating naman ang mga taga forensic at kinuha na ang bangkay ng biktima.
"Inspector pwede mo bang utusan ang tauhan mo na gumawa ng background check tungkol sa biktima. Asap."
Tumango ang Inspector at sinunod ang pabor na hinihingi ko ng naalala ko bigla si Geovanni at Zed. Kung nandito lang yung dalawang yun panigurado na solve na namin tong kasong to. Speaking of those two, di pa sila nagpaparamdam simula ng bumalik sila dito sa syudad galing sa bakasyon namin. Matagal tagal na rin yun ah. Bigla tuloy ako kinabahan pero di dapat. Dapat magtiwala ako. Okay lang sila kung nasaan man sila ngayon. Magpaparamdam din sila ulit. Sana nga. Iwinaksi ko muna ang isiping yun sa aking isipan at nagpatuloy sa pag iimbestiga sa kaso. Nagtanong tanong sina kuya Audi at Aurey sa mga tao na nakakita sa mga pangyayari. Ako naman di ko mapigilang obserbahan ang lalaki kanina. He seems calm yet I know his hiding something. Nilapitan ko sya ulit.
BINABASA MO ANG
"The Triumphate Detectives" (Book 1) (Under Revision and Editing)
Mystery / ThrillerAoife is no longer in the field of being a detective but her knowledge,deduction and observation skills haven't rusted for any single bit,yet she has also a sharp tongue,loves to rile people and doesn't like to mince her words. Everything went on sm...