Lumabas akong dismayado sa training room at agad naman iyong napansin ng mga wave mates ko.
"What happened, Jen? Pinagalitan ka rin ba nya? Tanong nilang lahat.
"Nah. I was just pissed off 'coz he was pranking jokes on me. And it's not fun anymore." Pagsisinungaling ko. Hindi nila alam na kaya ako ganito kasi nag-assume nanaman ako. Hay nako! Napaka ashumera ko talaga kahit kailan.
"Why? What did he tell you?" Additional na tanong nilang lahat.
"He told me that I'm not good, that I'm just trying hard. But in the end, he said that he was only joking. I was about to cry, then he will tell me that we was just joking?! Oh come on!" Sagot ko naman. Ang galing ko lang umarte eh no, at paniwalang paniwala naman sila sa arte ko. Haha!
Nung natapos na kaming lahat sa pre audit, bumalik na kaming lahat sa training room upang kausapin ni Eugene bago kami umuwi.
"Okay guys, I know a lot of you are mad at me for being too harsh on you while doing the pre audits. I'm really sorry but don't take it too personally. I'm just doing this for everyone's sake, okay?"
"Okay..." Malungkot na tugon naming lahat.
"Let's call it a day, and enjoy your weekend!"
At nag uwian na kaming lahat. Ako naman, nagpahuli talaga akong lumabas para makasabay ko man lang sya. At ayun nga, nakasabay ko nga sya palabas ng training room. Nagulat nalang ako nang bigla syang bumulong sakin.
"You look pissed off. And I know why you're like that. Hehe"
"Huh? No I'm not." Pagsisinungaling ko.
"Yes you are. And you're pissed off because you thought I was asking you out on a date this weekend. Haha!"
OH MY GAST! Paano naman nya nalaman yun? May psychic powers ba 'tong unggoy na 'to?
"Of course not! Hahaha! I'd better go! Happy weekend!" At dali dali nanaman akong lumabas ng room. Nagtaka ang mga friends ko kung bakit hindi ako nakalabas agad ng room.
"Did he talk to you?" Tanong ni Lia (isa sa mga friends ko).
"Ahhh.. I just asked him about our audits next week. Sorry if I let you guys wait. Hihi!"
"It's okay. Tara, let's go. I'm soooo sleepy na!' Sabi naman ni Gracie
At umuwi na kaming lahat, nagpahinga at inenjoy ang weekend. Teka, na enjoy ko nga ba talaga ang weekend? Hhhhhmmm.. Parang hindi eh. At first time ko lang hindi na enjoy ang weekend. Kasi namiss ko agad si Eugene. Huhu! Anyway, wala naman akong ginawang matino nitong weekend. Nag aral lang ako ng mga scripts namin at lectures. At nung dumating na ang Monday, na super excite na ako! As in ngayon lang ako natuwa dahil Monday na! And it's all because of him. Kaya super nagmaaga akong nagpunta sa office, baka sakaling pumasok sya ng maaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/1545814-288-k447037.jpg)
BINABASA MO ANG
The Guy That Got Away
RomanceItago nalang natin ang mga bida sa pangalang Jen at Eugene. Hindi sila tauhan sa Ghost Fighter at lalong hindi ito tungkol sa lalaking naglahong parang bula dahil nabuntis nya si girl. Hindi iyon ang ibig sabihin ng "The Guy That Got Away" sa story...