Okay, hindi ko na idedetalye ang mga pangyayari mula nung Tuesday hanggang Thursday, kasi wala namang gaanong nakakakilig na nangyari. Puro ngitian and batian mode lang ang naganap. Pero come Friday, ayayay! Eto na ang sandaling pinaka ayaw ko; ang last day of training with Eugene. Sobrang lungkot ko nung mga panahon na yon, kaya nag- all black ako dahil nagluluksa ako sa paglisan ni Eugene. Namatay lang teh, namatay? Hahaha!
"Naku girl, ba't naman naka-all black ka today? May namatay ba sa inyo?" Tanong sa akin ni Neil.
"Wala namang namatay, girl. Nalulungkot lang ako dahil last day na ng training natin dito. Mamimiss ko si Eugene!!!" Pagmamaktol ko.
"Oh bakit, hindi na ba kayo magkikita ni Eugene? Eh diba, nagde-date na kayo?" Sabi naman ni Lia.
"Date? How I wish!" Sabi ko naman. Nakow, kung totoo nga lang na nagde-date kami eh. Abot langit ang tuwa ko nun. Hahaha!
Anyway, ayun nga. Naging happy naman ang araw na 'to. Nag-mock calls kami at thank God lahat naman kami ay nakapasa, pwera nalang sa dalawa naming kasama na ililipat nalang sa bagong account. Dumating na ang time na kailangan na naming magpaalam sa kanya. Para nga akong tanga, kasi mangiyak ngiyak na ako habang naghuhuling habilin si Eugene. Parang ngang mamamatay na sya eh. Hahaha! At nung magpi-picture taking na kami, talagang nagtatakbo ako sa tabi niya para magkatabi kami sa picture, na agad naman niyang napansin.
"Careful Jen. Oooh.. You want to be beside me, huh?" Bulong ni Eugene.
"Of course! It's my last day of seeing you, that's why I want to beside you for the last time." Tugon ko naman. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko't nasabi ko iyon, pero one thing's for sure, mamimiss ko talaga siya.
Hindi muna niya nasagot yung sinabi ko, dahil nagppicture picture pa kami. After nung picture picture, hindi na rin naka-respond si Eugene dahil nagpa-picture sa kanya yung mga ka wave mates ko. Syempre, hindi nanaman ako nagpatalo, kaya kinuha ko yung phone ko at nagpa-picture sa kanya.
Mag-uuwian na, kaya nagyaya na ang mga kasama ko pag-uwi. Pinauna ko na sila dahil kakausapin ko pa si Eugene na busyng busy pang kausap yung dalawa kong wave mates na ililipat ng account. After nyang kausapin ang dalawa, nilapitan ko na si Eugene para kausapin saglit at ibigay ang sulat na ginawa ko. It's a 'thank you' letter, actually. Pero nakasulat din don yung true feelings ko for him.
"Can I talk to you after this?" Tanong ko kay Eugene.
"You can talk to me now. What is it that you want to say?" Sabi ni Eugene.
"I mean can I talk to you in private? It won't take too long, promise." Sabi ko ulit kay Eugene. May mga tao pa kasi sa training room, at ayaw ko naman na ibigay yung letter in front of these people.
"Yah, sure. Let's go." Lumabas kami ni Eugene sa training room at sinundan ko lang siya as we head to this room. Gulat much nga ako eh, kasi okay na sakin na sa labas lang ng training room kami magusap. Hindi ko naman sukat akalain na dadalhin niya ako sa iba pang room ng office namin. Trainer's head quarters nila yon, at nagkatong wala ring tao don, kaya lalo na akong nagtaka.
"Why here?" Tanong ko kay Eugene.
"Why not? You told me that you want to talk to me in private, right?" Sabi naman ni Eugene. Oo nga naman, gusto ko nga naman na kaming dalawa lang. Echusera ko talaga.
"Ohh. Okay. Here, I just want to give this to you. I just want to thank you for everything and I appreciate everything you've done for us." Sabi ko sa kanya, sabay bigay ng letter ko for him. Super na-surprised si Eugene at di maikakaila na natuwa siya sa binigay ko na iyon.
"Oh! Thank you, Jen." Tanging nasabi nalang ni Eugene sa akin. At dahil hindi ko na mapigilan ang sarili kong umiyak, nagpaalam na ako sa kanya at lumabas na ng Trainer's HQ. Akmang bubuksan ko na ang pintuan nang naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. Oh my gast! Nakatalikod ako non, nung niyakap nya ako. OO! Niyakap niya ako, AS IN! Sobrang nagulat ako sa ginawa nyang iyon. Naramdaman ko rin yung lips niya na nakadampi sa balikat ko (Tinanggal ko na kasi yung jacket ko, kaya naka-sleeveless na ako nun). Halos makuryente na ang buong katawan ko, as in! Sobrang powerful ng yakap niya na iyon.
"As much as I want to, but I can't." Sabi ni Eugene at pagkatapos ay dumampi ulit yung labi niya sa may malapit naman sa batok ko. Hindi ko na-gets yung sinabi niya na iyon. Actually, wala na akong naintindihan simula nung niyakap niya ako. At wala na akong pakialam kung may CCTV yung office, basta ang mahalaga nalang sakin eh, yung moment na yon. Pero siyempre, hindi ko parin maiwasan ang magtanong.
"We-we Wait." Tinanggal ko na yung pagkakayakap niya sakin dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko. "What do you mean? And what is that hug for? I'm confused. Really."
"I'm sorry. I'm just carried away. Don't mind me. I-iii mean, thank you. And we'll see each other someday. If heaven permits." Tugon ni Eugene habang kinukurot-kurot ang cheeks ko.
"Ohh. Okay. Yah, if heaven permits. Bye." Hindi ko na hinintay pa ang response nya kaya lumabas na ako ng HQ at umuwi na. Mixed emotions ako mga bakla. Happy ako kasi niyakap niya ako at naramdaman ko yung body nya kahit saglit lang (ang maniac ko lang no?). Pero malungkot ako, dahil iyon na ang huling pagkikita namin. Sa may reception area, nagulat ako dahil naghihintay parin sakin ang mga friends ko.
"Ohh. Why are you still waiting for me?" Tanong ko sa kanila.
"Because we love you. What took you so long? We looked for you in the training room, but you were not there na. Where have you been? In Eugene's arms?" Biro sakin ni Neil, habang palabas na kami ng office.
"Hindi no! I just gave him a letter and thank him for everything." Sagot ko naman na nagpakilig sa kanila.
Ayun. Nagsiuwian na kami. At habang nasa bus ako, iniisip ko parin yung nangyari kanina samin. Grabe, unforgettable talaga iyon. Teka, magtext kaya siya sakin? Nilagay ko kasi yung number ko sa letter na binigay ko sa kanya eh. Sana magtext siya. :)

BINABASA MO ANG
The Guy That Got Away
RomantikItago nalang natin ang mga bida sa pangalang Jen at Eugene. Hindi sila tauhan sa Ghost Fighter at lalong hindi ito tungkol sa lalaking naglahong parang bula dahil nabuntis nya si girl. Hindi iyon ang ibig sabihin ng "The Guy That Got Away" sa story...